Naalala ko nung huling nabanggit ng aking bibig ang pangalang GEO… nung buwan ng septeyembre pagtapos ng aking kaarawan sa dahilang napaginipan ko siya samantalang hindi man lamang sumagi sa isip ko nung gabing iyon para mapaginipan siya….Nakakapagtaka lang na bakit ganuon ang aking panaginip …. na halos damang dama ko ang pagkakayakap nya sa likod ko…(kaya minabuti kong i lay out ang itsura ng pagkakayakap nya sa akin…) ….
Pangalawang banggit ko sa kanyang pangalan ay nung magkita kami ng matagal naming barkada ni Geo… na si Deneb… Araw ng pagkikita namin ni B1 nuong magkita kami ni Deneb…(nakakatuwang isipin na nakita ko ang mga matagal ko ng hindi nakikitang kaibigan..) Matapos naming magkita ni B1 ay (hindi tunay na pangalan dahil ayaw nya raw nababanggit sa blogs…. ) sa aking pag lalakad nakita ko ang matagal ko na ring hindi nakikitang kaibigan na pinakilala ko kay Geo…. Si Deneb…. Si Deneb na nag tatrabaho sa CENTER for POP MUSIC sa ground floor ng SM FAIRVIEW…Vocal coach siya sa nasabing kumpanya…Naging parang kapatid ni Deneb si Geo nuon dahil madalas itong matulog sa kanila pag may problema…
Laking gulat ko na duon na pala siya nag wowork kya naman hindi ako nag atubiling kalabitin ito bago ako umuwi ng bahay…
LHEN: (tinapik) Hoy!! musta na?..
NEB: Hoy!! Leo!! saan ka galing?..
LHEN: Duon lang may kausap kanina na kaibigan …huy may banda duon oh… now lang nagkaroon ng banda dito sa food court ah… (at tinuro ang banda)
NEB: Saan?.. tara …(at tinungo ang banda)…musta ka na?… si Geo?…
LHEN: Geo ka diyan ano ka ba ang tagal na naming walang komunikasyon noh…. may pamilya na yun
NEB: Talaga?… (at nagbiro ng ganito si neb) Si Geo oh sa likod mo!!! hehehe
LHEN: Weh!!!… as if….. heehehe hoy kahit naman magkita kami nuon eh kakausapin ko na siya noh…. wala na yun…. ang tagal na panahon na eh….
NEB: May baby na ako uli Leo eto oh..(at pinakita ang bagong baby nila charina )
LHEN: Kasal na kayo?…
NEB: Ndi pa…. civil lang…. wala kang balita kay Geo?…
LHEN: Ay may friendster sya neb…na search ko minsan yuon … try mo i type name nya at last name… dun ko nga nakita na may twins na siya eh… tapos grabeh ang haba na ng buhok nya ah… ndi na ba kayo madalas mag jam ?…
NEB: Tagal na Leo ndi kami nagkikita nuon kase naging busy na ako sa work ko tska ndi na rin ako nag babanda eh…
LHEN: Siya grabeh makikita mo ang bagong musik nya…. kso matagal ko ng nabuksan yuon ewan ko ngayon kung anong bago sa buhay nya…. open mo nalang
NEB: May cp no. kaba?… ay give ko nalang sayo cp no. ko tapos send mo sa akin number mo ha…. break time ko lang kya sandali lang ako dito …
LHEN: sige send ko nalang (habang tinatype ang number nya) …
……….Pag uwi ko ng bahay…nabanggit ng nanay ko ang bisita ko kanina habang ako ay nasa simbahan…. dumating pala ang dati kong coordinator sa EL SHADDAI community na ninong ni GEO… napadaan lang daw…ang aming coordinator at wala namang binanggit na balita patungkol sa kanyang inaanak….(buwan ng octubre na yun…October 3..)
………Halos may 2 linggo na ring ndi nag reply si neb sa txt ko na ipinaalam ko ang aking number sa kanilang mag asawa… dumating araw ng biyernes…October 23 , umaga ng mag txt si neb…
1 MESSAGE RECEIVED:
NEB:Leo si neb 2.., kelang mo hulling binuksan ang fs ni Geo… kase ndi kami makapaniwala ni charina sa nakita namin eh reply ka plsss…
REPLY:
LHEN:Wala akong lod sa smart kya dito ka nalang mag reply sa sunretail ko…. Ano ba yun?… (talaga tong si neb long hair lang naman ang makikita nya kay geo pabubuksan pa sa akin..habang ino open ang pc namin at tinaype ang pangalan ni Geo at lastname nya sa fs… sa isip kong sinasabi) Neb!!! bakit ndi mabuksan ang fs nya?…(tinext uli ang kaibigan) Neb, ayaw talaga…
NEB: Ha?!!! eh nabuksan pa namin yun ng madaling araw ni charina eh…1am teka subukan ko (at sinubukan nga dw nya) Hala Leo bakit ayaw nga paano to ….
LHEN: Ano ba kase ang nakita mo?bakit ayaw mong sabihin eh ….
NEB: Tawag ka sa lindline eto ang number dito …
………….At nagkausap nga kami ni Neb at napagdesisyunan na puntahan namin mismo sa bahay nila Geo para ma confirm ang nakita sa mga comment ni Geo sa fs…. hindi ko mapigilan ang humagulgol kya habang papunta kina neb at para puntahan namin kasama ng asawa nya na si charina ang bahay ni Geo… halos ndi ko maintindihan ang naramdaman ko …biro ba ito o totoo….
……..At nakarating nga kami sa auntie ni Geo at naconfirm na nga ang nakita namin sa fs ni Geo na totoo pala ang mga komento na nanduon…. Sept.6 namatay napala ang minahal ko ng 4 na taon… at nilibing ng Sept.10 …Halos gusto kong humagulgol sa narinig ko kase nuong araw ding iyon ay kaarawan ko Sept.8 pala ay naka burol siya… i pinost ko pa naman siya sa aking blogs that time… saglit kong kinopya ang primary nya para ma iblogs ko siya…yun pala nagdiriwang ako ng kaarawan samantalang nakaburol na siya….. kaya dali dali kong kinuha ang diary ko nuong araw ding pagkagaling ko sa kanila…. At nakita ko isang linggo after ng aking kaarawan ko(sept.8), sept.15 ay nagkasakit ako nuon na inabot ng 40 ang taas ng temperatura ng aking katawan na hindi maintindihan ng aking nanay na kagagaling lang sa operasyon ng asikasuhin nya ako sa tindi ng lagnat ko….. Hindi maintindihan ng aking ina bakit ganun nalang ang taas bigla at ndi maintindihan ang lamig ng pawis na parang yelo….
Kinayanan kong tumayo at nanalangin sa langit na pagalingin nya ako sa hindi ko maintindihang lagnat na iyon…kaya pinilit kong bumangon at mag computer …nakapag upload pa ako ng you tube na kanta ng heswita “hesus ng aking buhay”ng hapong ding iyon… kaya kinagabihan ndi na mapigilan ng aking ina na ako ay asikasuhin sa kabila ng bagong opera lamang siya….
…….’Nak.., ano ba nangyayari sayo bakit ganito ang pawis mo sobrang dami ayaw huminto at ang lamig lamig ng pawis mo samantalang 40 ang init ng temperatura mo….ang dami ng tuwalya akong palit ayaw huminto ang pawis mo…(tarantang sinasabi ng nanay ko…samantala ako ay hindi na nakakakibo at nakakakilos sa ndi ko maintindihang pakiramdam…)
Pero sa awa ng diyos…. biglang humapo ang napaka taas na lagnat ko….naka awaan ako… naisip ko na nung mga oras na iyon ay namayapa na pala ang aking minahal na apat na taon…. wala man lamang nagbalita….at sa internet pa namin nalaman na patay na siya…………………. kung hindi ko pa naibigay ang number ko sa kaibigan namin ni Geo……….
Kaya katatapos lang ng babang luksa nya ng bumisita kami sa kanila…………………
Ang daming paramdam na ginawa mo sa akin…ni hindi ko man lang inakala na yuon na ibig sabihin…PANAGINIP; mga Paru-Paru na aaligid aligid sa kwarto ko nuong buwan ng setyembre…
ang mga linyang ito :
” iwan muna ako ng koment dito bago ako lumisan”-linya ko nung mag bday ako at naisulat sa comments sa blogs
” oo kahapon nagpunta ako sa lugar na tahimik” – linya ko rin ng tugunin si pink sa blogs ko
“alam kong namis mo eto eh …kya dito tayo pumwesto…pra makapanood ng banda”- B1
” Si Geo oh sa likod mo Leo(sabay turo sa likuran ko..) “-linya ni neb nang biglaang magkita kami
Kaya nais kong maiwang ng liham sayo mahal ko…. dahil alam kong tuwing magkakatampuhan tayo nuon…laging sulat ang iniiwan ko….
Dear Geo,
Patawad kung ndi ko nagawang kausapin ka nuong maghiwalay tayo at dinaan ko nalang sa text dahil ayokong mahirapan pa ng husto…. patawad kung hindi kita napagbigyan nuon na mag spend ng xmas dito sa bahay…. dahil alam kong may dapat ka ng haraping responsibilidad sa isang babae na umaangkin sayo….. Nagbigay lang ako Geo ayoko ng gulo ayoko ng may masasaktan kya kahit ako na ang nasaktan ok lang….. Buong akala ko na mamahalin ka ng babaeng iyon…Pero ano tong nalaman ko…. bakit pati ang kambal mo ipinagkakait sayo…. Bakit ndi mo siya pinakasalan…..?…. Ano tong nabalitaan ko na kumuha ka pa ng property na malapit sa parokya namin na kung saan dun tayo nagkakilala?…. Ano ba ang plano mo Geo…..Bakit?…. Bakit mo pinabayaan ang sarili mo?….. diba sabi ko sayo alagaan mo ang sarili mo at pamilya mo…..
Mahal ko, alam kong hindi ko pwedeng kwestyunin ang plano ng diyos pero sa nangyari sayo…. alam kong mahal ka ng diyos ….nilalayo ka lang nya sa magulo mong mundong ginagalawan…..
You will always be in my heart and in my prayers……. May you rest in peace…..
Love,
Lhen
P.S.
Sa aking nalalapit na pagpasok sa bagong mundong gagalawan sa isang taon…mahal ko, ito ang tandaan mo …. “at sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko…..ay PAG-IBIG” sung by: color it red…..
…………………..PAG-IBIG @ PANALANGIN………………





































































































