IWAS MUNA ….
Iwas muna o mas sabihing ibaling muna sa ibang paraan para makalimutan ang taong alam nating kumplikadong magustuhan…
kase naman twing makikita ko sya sa side bar ko sa fb nikikilig ako, twing mag la LIKE sya nakukuntento na ako at kikiligin nanaman ako
, at lalo na kung makakausap ko sya sa mga komento o kaya makausap sa message box ko
…. alam ko namang taken na sya (kase naman yun ang nakalagay na sa status nya – in a relationship na ang lolo nyo)
at alam ko namang malabong magkagusto sa akin yun … at higit sa lahat alam kong magugulat ang mga kasamahan ko sa simbahan, kaparian at mga madreng kaibigan ko na nagugustuhan ko ang taong tulad nya…
…
Eh bakit naman hindi?… mabait na lalaki, maingat sa mga komento , matipid magkomento, palabiro, malakas nga lang mang asar na nakakapikon pero dun ako talaga madalas matuwa sa lalaking malakas ang sense of humor…, may sense kausap … pag bumanat ng mga komento eh mapapangiti ka talaga dahil sa kakaibang banat nya ng linya
Hindi ko lubos maisip na magkagusto ako sa kanya patagal ng patagal nahuhulog na kase ang loob ko pero alam kong mali kase nga TAKEN na kulang na lang tanggalin ko ang letrang T para (T)-AKEN NALANG SYA
hihihi pero wag bad yun… ang mahirap nga kase nikikimkim ko lang feelings ko parang sasabog na at mahirap na pagsumabog ito marami ng makarinig sa dagundong na pagsabog yari ako sa simbahan….
naalala ko ang espesyal kong kaibigan (nuon)..lagi nyang tinatanong na kung meron ba? tanong ko anong meron?… sagot nya … meron ka bang nagugustuhang iba?.. hehehe sa inis ko kakatanong nya minsan ng mga ganun?… pabiro kong sinasagot na … oo ibang relihiyon hahaha sabay tawa ng malakas… kase nga gusto kong asarin lang dahil nga isa syang monk hehehe. Pero ayun nagkatotoo ang mga biro ko nuon lagi sa kanya… lintik na yan!!! ang hirap palang magbiro … bibiruin ka rin pala ng tadhana … ayan at ang bilis ng KARMA ko
nagkakagusto ako sa isang lalaki na hindi ko karelihiyon …. haaaaayyy si GOD talaga hindi mabiro … parang biro ko lang naman yun sa kanyang alagad eh tinotoo naman
Ang hirap grabeh ang hirap kimkimin yung ganun…. nagkakasakit na ako kaya buti nalang marami akong outlet sa buhay… dinadaan ko na lang sa pag lay out ng mga pix, pagdrowing ng mga stilo ng mga damit (at yun ang sinabi ng isa kong kaibigan na magandang libangan ang mag drawing,kaya drawing lang daw ng drawing hanggang masanay at matututo rin daw ako) pero ang hindi nya alam binabaling ko lang dun para makalimutan ko lang ang WEIRD na feelings ko sa isang guy na pilit kong kinikimkim ang naramramdaman ko… at buti na lang may blog hehehe
Pero alam ko maglalaho rin ito pasasaan at lilipas din ang ganitong pakiramdam … isipin ko na lang na TRANGKASO na idaan nalang sa paracetamol na BIOGESIC “ingat” lang at baka malintikan pa ng kung sino pang masasagasaan ko …. (sigh)
At kung hindi pa ako nawirduhan sa feelings ko hindi pa ako makakapag post ng bago dito sa blogosperyo
NA MISS KO ANG BLOGOSPERYO

Nobyembre 13, 2011 Sa 3:59 umaga
base padin! ahaha
hhmmm… kilala ko tok ito.. aayyiiee!! <3
Nobyembre 13, 2011 Sa 12:13 hapon
hehehe syempre saksi ka rin kaya sa aking mga malulupet na sekreto
namiss ko mga pang aasar nya tok at mga asaran at kulitan hehehe
Nobyembre 15, 2011 Sa 3:09 hapon
hays, eh kasi naman tok baka nabigla sa mga harutan nyo.. hahaha.. ang puzzle tok, bakit nga ba sya naglaho bigla?
Nobyembre 15, 2011 Sa 3:15 hapon
MA… Malay ko ba dun hehehe
PA…. paki elam ko na nga dun as if naman may relasyon diba?.. hihihi ako lang yun atleast makakalimutan ko na na iinlove na ako sa kanya pag ndi sya maramdaman diba?.. hehehe parang si monk lang hehehe tuluyang nakakalimutan na sya ok na rin yun tok … hirap ng naiinlove eh nagkakasakit kaka isip hihihihi
Nobyembre 15, 2011 Sa 3:30 hapon
tama tok, mas masakit pa non ay hindi mo malaman kung pati ba sya ay in love sayo diba? kasi hindi maitanong ng mga babae, tulad ng rep. ko sa site ko sayu, hindi maitanong ng mga babae ang mga lalake kung pati sila ay may pagtingin satin.. hehe
Nobyembre 15, 2011 Sa 4:12 hapon
hehehe at pag nagtanong ka naman parang ang malandi nun hehehe ayoko ng ganun tama na yung SEKRETONG MALUFET na lang ok na ako duon kilala ko kse sarili ko pag matagal na hindi ko na nakakausap naglalaho na rin yung LOVE MODE na yan hehehe
Nobyembre 13, 2011 Sa 12:14 hapon
actually kilala mo yang dalawang taong nabanggit ko dyan diba?
Nobyembre 15, 2011 Sa 3:10 hapon
yes yes! kilala ko tok! ayiieee!! hehee
Nobyembre 14, 2011 Sa 6:19 umaga
gudpm.. hello po.. uhmmm.. pwede po bang magtanong??? kasi gusto ko pong magmadre, pero nde pa po sa ngayon kasi kelangan ko po munang tumulong sa parents ko.. uhmmm.. pwede po ba na maging member muna ako ng Congregation ng ASC Adorers of Blood of Christ??? ano po bang dapat gawin??? or any requirements po??? thank you..
Nobyembre 14, 2011 Sa 1:37 hapon
Ask ko lang bakit gusto mong mag madre?
for more info sa ASC may post ako about sa kanila may contact number duon call ka sa landline or text ka kay Sr.Flor sya ang vocation directress ngayon duon…
Nobyembre 15, 2011 Sa 11:11 hapon
kasi nasa puso ko.. hindi ko maintindihan e, basta bigla ko na lng naramdaman.. actually hindi naman ako ganun ka-relihiyosa, i never joined any church activities, groups, organizations, etc., basta napapansin ko lang kapag pumapasok ako ng simbahan, hindi ko mapigilang hindi umiyak lalo na’t pakiramdam ko kinakausap Niya ako.. matagal ko ng nararamdaman un, since highschool pa pero 2 years ago lng ng mapansin ko.. hindi ko rin alam kung ano ba ung tinatawag na “calling” para sa mga gustong magmadre???
okay thanks..
Nobyembre 16, 2011 Sa 5:01 umaga
may malalim ka bang dinadalang problema?.. sa totoo lang ako nuon lagi kong sinasabi na mag mamadre ako kase nuon soobrang frustrated ako sa love life ko my dear… kaya parang binabaling ko ang sarili ko na mag madre na lang … kase asar na asar ako sa dati kong bf .. sobrang babaero lagi na lang akong umiiyak sa kanya on and off kami … lalo na nung mawala na sya sa mundo halos mamatay ako sa sobrang lungkot parang sinisisi ko pa sarili ko na pinaubaya ko na lang sya sa iba … at netong huli … nahulog ang loob ko sa isang lalaking magpapari kaya naisip ko na mag madre na lang …. at minsan kapag naiinis na ako sa buhay ko naiisip ko na lang lagi na “hmf mag mamadre na ako”
pero alam ko na ang lahat ng sagot my dear na wag gawing panakip butas ang kumbento o pagmamadre maka eskapo ka lang sa mga problema …
ang pag mamadre ay isang sakripisyo na buong buo ang loob mo na ibigay ang sarili mo sa diyos ng walang kapalit at wala kang ibang motibo kung hindi ang makatulong sa kapwa….
kung nararamdaman mong naiiyak ka sa twing papasok ka sa simbahan, marahil may tawag ka nga o marahil may gustong sabihin sayo ang AMA … kung ano man yun malalaman mo yan sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan sa simbahan … subukan mo munang mag join sa mga activities sa simbahan …hanapin mo ang sarili mo duon kung saan ka naayon na ministry … kung sa tingin mong malapit ang musika sayo..bakit hindi mo subukan munang mag join sa choir at dun umpisahan mong purihin ang AMA sa pamamagitan ng pag awit ng mga makalangit na kanta … dun ako nag umpisa eh … at dun ko nakilala ang lalaking naging inspirasyon ko sa buhay na syang pumanaw na … mentor ko sa pag awit yun…. ginamit sya para lubos kong makilala ang Diyos AMA…
Nobyembre 16, 2011 Sa 5:17 umaga
maganda ang hangarin mo na gusto mo munang makatulong sa pamilya mo?.. well, that’s a good idea at pag alam mo na ok na sila gusto mo ng mag madre?.. mas maganda kase wala ka ng iintindihin pa … alam mo ang mga kapatid kong madre sa ASC marami tinutulungang bata sa orphanage at may clinic sila para sa mga maralita… para makatulong sa mga kapos sa pera na hindi kaya ang mahal na konsultasyon ng doktor… simple lang ang congregasyon ng mga ASC… nasa italy ang pinaka main ng ASC… pero kalat na rin sa buong mundo… kaya naghahanap pa rin sila ng makakatuwang o makakasama sa pag mimisyon….
kaya hindi ko na tinuloy kase gaya mo kailangan kong tumulong sa pamilya ko at may special brother kami (high functioning autistic) na need nya ang kalinga ng mga kapatid nya… panganay ako sa magkakapatid at wala pa sa amin ang nagtatangkang mag asawa dahil sa pag tutok namin sa kanya…
Dati rati gusto ko talagang mag madre pero sa twing makikita ko ang kapatid ko hindi ko kayang iwan hindi pa ako ganun kalakas ang loob ibigay ang sarili ko sa diyos dahil alam kong mas kailangan ako ng pamilya ko… nakita ko naman sarili ko na kahit hindi ako mag madre eh maraming paraan para makatulong o makapag likod sa diyos…
Kaya kung ako sayo hanapin mo muna sarili mo sa pamamagitan ng pag serve sa simbahan at dun mo mararamdaman ang presensya at mensahe ng Diyos Ama … mag meditate ka … listen to your heart …kaya ka na iiyak sa twing papasok ka ng simbahan ay dahil niyayakap ka ng Diyos sa Ama .. alam nya ang nsa loobin mo kapatid…. kaya patuloy ka lang makipag usap ha …
Nobyembre 19, 2011 Sa 1:55 hapon
girl , kung siya ba un taong makapagpapasaya sa iyo eh bkit ka iiwas..wag mung pigilan ang sarili mo na maging masaya…karapatan mo yan…
Nobyembre 19, 2011 Sa 4:21 hapon
may TAMA ang video na ito PANALO sakto … SAPUL hehehe