KAKAIBANG LIKHA

“KAKAIBANG LIKHA”

Minu-minuto isinisilang ang mga sanggol sa iba’t-ibang dako ng mundo…walang patid sa iba’t ibang simbahan ng katoliko ang pag binyag sa mga sanggol linggo-linggo. Nakakagulat…at walang pahinga ang pag usbong ng mga paslit upang masilayan ang mundong kanilang gagalawan. Marami rin namang mga kababaihan ang pilit pinipigilan ang pag-usbong ng bagong nilalang sa mundo…Matapos malasap ang panandaliang kaligayahan at mamunga ng bagong nilalang…Paplanuhing kitilin ang buhay nito…Sa pangambang pag harap sa responsibilidad…

Ngunit…napa isip ako sa mga umusbong na mga paslit na may kakaibang kilos at galaw…isa sa aking nasalamin ang bunso naming kapatid…

Taong 1989 ng mag umpisang maglihi ang aking ina sa aming bunsong kapatid…Trese anyos lamang ako ng masaksihan ang pagbubuntis nito…nakita ko ang pagkalumo ng aking ina ng malaman nyang sya’y nagdadalang tao…Nung mga sandaling iyon,abala sa trabaho sa pananahi ang aking ina sa isang “Garment”ng matuklasan nya na sya’y nag dadalang tao..Wala raw iyon sa plano nila.Kya tinangkang ipalaglag nya ito nuon. Patuloy ang pagsigarilyo at ipahilot ang kanyang tiyan habang ito ay hindi pa lumalaki ..Ngunit hindi pinahintulutan ng diyos ang maagang pagkawala ng kapatid ko dito sa mundo. Nanigas ang mga kamay ng isang manghihilot ng ito ay uumpisahan alisin..Kya hindi na tinuloy ng aking ina ang ipalaglag ito…bagkus, tinuloy nya itong isilang…

Sa kanyang pagbubuntis saksi ko ang isang ina kung paano magdalang tao…nakita ang kanyang paghihirap..hindi pala ganun kadali..tunay na napakahirap ang isang pagiging babae at maging ina…

Sa pagsilang ng aking bunsong kapatid..nasaksihan ko ang sitwasyon ng aking ina at kapatid..Dala ng kahirapang pinansyal hindi nagawa ng aking ina ang pagpapatingin sa doctor ng buwan-buwan hanggang sa kanya pagkapanganak ay sa bahay lamang ito nagsilang…at duon nga isinilang ang kakaibang sanggol na nilalang..ang bunso naming kapatid na si MARK LESTER..

Trese anyos ako, sampung taon naman ang aking kapatid na babae at siyam na taong gulang lamang ang pangatlo kong kapatid na lalaki…ng sundan ng bunso kong kapatid na si LESTER…Masaya naming tinanggap ang paglabas nya sa mundo..Nasa tiyan pa lamang ito binabantayan na nmin ang bawat galaw nito…Nang isilang ito…napakatagal bago namin marinig ang iyak ng aking kapatid…ilang palo sa puwet ang ginawa ng manghihilot bago ito tuluyang umiyak., at makalipas ang ilang minuto, narinig na namin ang isang tinig ng UHA!!!. Pinag walang bahala naming iyon… ang mahalaga naisilang na rin sya sa wakas…

Sa kanyang pagsilang sa mundo hindi kami nahirapang mag alaga sa mga ilang buwan..hindi pala iyak si LESTER o kung tawagin ay ITOY..na syang binansagan ng aking lola…hindi sya iyakin ngunit nakakapuyat sya bantayan pag gabi dahil itoy naglalaro ng kanyang mga kamay at paa…Dahil nga sa murang edad naming sa pag aalaga sa kanya, madalas ito mahulog sa aming mga braso pag natutulog. Nalalag-lag sa kama sa sobrang kalikutan. Bagay na nakakapagtaka sa tuwing ito ay mahulog…Walang reaksiyon hindi man lamang umiyak…Bagay na pinangamba namin nuon…Sa kanyang pagtungtong sa edad na isang taon hanggang tatlo…kakaiba ang kinikilos nito…malimit maglaro sa isang sulok na wari may sariling mundo…kahit anong tawag mo sa kanyang pangalan hindi sya lilingon..ngunit pag narinig na nya ang isang tinig sa isang patalastas sa telebisyon…Duon lamang sya lilingon. Binale wala namin ang ganung sitwasyon ng aking kapatid..Buong akala naming normal lamang ang ganun…

Tunay na anghel ang aming kapatid dahil may kaakibat itong swerte na dala…Hindi nagtagal at biniyayaan ng pag-aabrod uli ang aking ama..Patungong GUAM. Bagay na natustusan ng pinansyal ang aming pamilya sa maikling panahon sa kadahilanang mga ilang buwan lamang ipinadala ng kumpanya ang aking ama sa GUAM. Isang bagay ang hindi napagtuunan ng pansin ng aking magulang ay ang maisapailalim sa pagsusuri sa doctor ang aking kapatid..Sayang at napalagpas ang sandaling pagkakataong sagana pa kami nuon sa pananalapi. Marahil, hindi pa ganun kapansin-pansin ang kinikilos ng aking kapatid kaya hindi napagtuunan ang kalagayan ng aking kapatid…ngunit ibinigay ang maraming laruan at masaganang pagkain sa aking kapatid. Bagay na hindi naman nya ito pinapansin. Nuong mga panahong maging ako binabale wala ko lamang at abala sa mga bagay na walang kabuluhan, abala sa mga barkada. Walang paki alam sa kanya…sapat na ang pag alaga sa kanya at paglaba ng mga lampin nya…Hindi sya mahirap alagaan hindi iyakin ngunit hindi mo alam kung ito’y gutom na o hindi, dahil hindi dumadaing ng kahit ano.. Tanging reaksyon lamang nito ay ang malutong na pag tawa pag ito’y kinikiliti lamang…kelangang piliting paiyakin para lamang makumpleto ang tinatawag na EMOSYON…

Sa taong gulang na 3 hanggang 5..kakaiba ang kayang pananalita hindi mo maintindihan ang bawat nililikha ng kanyang salita…nakakaaliw ngunit nakakangamba rin kung iisipin..bakit ganun? Minsan., habang nakahiga ang aking ina at kapatid na bunso, biglang sinambit ng aking kapatid ang salitang “NANAY” sinamantala ng aking ina ang tinig nyang iyon at sinundan nyang ituro ang salitang “TATAY, ATE at KUYA” hindi rin pinalagpas ng kapatid kong babae ang unang salita ng aking kapatid na aming naintindihan sa unang pagkakataon. Bumili ng ABAKADA na  libro ang kapatid kong babae at inumpisahan nya ipabasa ang mga letrang na ruon sa libro…Sa murang edad na 4 na taon, habang tinititigan ang bunso naming kapatid ang bawat salita namumutawi sa labi ng aking kapatid na babae…tunay na nakakapagtaka ang bawat paghawak nya sa mga labi ng aking kapatid na babae, ay sya naman nyang sinasambit din. Hindi nagtagal mga libro namang ingles ang sinundang ituro ng kapatid ko…

At sa edad na 5 taong gulang tuluyang nakaka kaba na ang aking kapatid na bunso, ang lubos kong naaalala bago sya matutong magsulat…isang banal na salita ang ginawa ng aking kapatid, sa pamamagitan ng pagputol-putol nya ng walis ting-ting at pinagdugtong – dugtong nya ang salitang “EL SHADDAI” na ibig sabihin ay “GOD ALMIGHTY” tunay na kahanga-hanga ang himalang iyon…hindi namin akalaing makagawa ang kapatid ko ng ganun sa pamamagitan ng simpleng bagay..ang walis ting-ting.

Habang tumatagal ang edad ng aking kapatid, nadaragdagan ang mga kahanga-hanga karunungan ng kapatid ko…Minsan, habang naglalaro ang aming kapatid napansin naming ang  kanyang ginagawa…Sinuot ang isang malaking T-SHIRT at ginaya ang isang pari na wari’y nagmimisa at itinataas ang tinapay na pandesal na parang ostsa.

Minsan nagkwentuhan kami ng aking kapatid na babae at nangarap na sana ang aming bunsong kapatid ay marunong makipag usap at marunong utusan…Hindi nag tagal naisip naming ipasok sya sa pribadong skwelahan sa SAINT FRANCIS XAVIER SCHOOL sa edad na 6 na taong gulang…ngunit nabigo kami sa resulta..5 buwan lamang ang tinagal nito sa kadahilanang kakaiba ang kinikilos nito sa ibang bata. Hindi marunong sumunod sa instruksyon sa guro, hindi nasusundan ang mga Gawain sa skwelahan…Ginagawa nya lamang ay magbasa ng magbasa sa dala-dala nyang libro o “pocket book” ng aking ama. At pag nainip, ito ay magpapaikot-ikot sa loob ng silid aralan. Kaya pinatawag ako ng prinsipal sa nagging resulta ng aming pagpasok sa kanya sa isang normal na skwelahan..Noon panahong iyon…ako mismo ang naghahatid at sundo sa kanya…Dahilang., hindi pa ako pumapasok sa kolehiyo…

Kaya minabuti naming pahintuin sya ng pag aaral at duon inumpisahan ng aking ama’t kapatid na babae ang saliksikin ang kondisyon at sitwasyon ng aking kapatid na bunso.. Na simula pa lamang pagkabata kakaiba ng  ang kanyang kinikilos…kakaibang likha…

Sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa libro na binili ng aking ama sa ibang bansa.., ang “ENCYCLOPEDIA” ang nakatulong sa amin upang maintindihan na lamang naming ang kalagayan ng aking kapatid at  magpahanggang ngayon sinasaliksik namin sa tulong ng makabagong teknolohiya tulad ng “internet”..Nung panahong iyon, hindi nagtagal at nagkaroon ng ideya ang aking ama.. Sa pauna, hindi nya ito matanggap sa kanyang natuklasan…na may kakaiba syang anghel…

Kaya minabuti nalamang naming ihinto sa pag aaral ang aming kapatid..ngunit napakabuti ng diyos sa dahilang mismo ang aking kapatid na may kakaibang kakayahan ang siyang nagsikap matuto sa pagsusulat at pagbabasa kahit ito ay nasa bahay lamang. Naging abala ako sa pag-aaral kasabay sa paghahanap buhay, ganun din ang aking mga kapatid lalo na ang aking kapatid na babae na napawalay sa aming tahanan ng 5 taon, dahilang kelangan nyang mag aral sa “Polytechnic University of the Philippines” sa sta. mesa manila…at nanirahan ng 5 taon sa puder ng aking tiyahin sa españa manila upang makatulong sa negosyo ng aking tiyahin na PHOTO STUDIO..Sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang litratista at “BOOKEEPER” ng nasabing negosyo ng aking tiyahin…Sa pagtatapos nya ng sekondarya sa skwelahan ng kalookan at pinangaralan bilang ‘VALEDICTORIAN” nkapasa ang kapatid ko sa nasabing unibersidad at naging “DEANS LISTER” ng 4 na taon…sa kursong 5taon sa “ACCOUNTANCY”..Nagtiis sya makisama ng 5 taon at mapawalay sa aming pamilya matapos lamang nya. Bagay na mithiin nya na magkaroon ng magandang propesyon upang makapag aral din sa nararapat na skwelahan ang aming kapatid..

Habang nananatili na lamang sa aming bahay ang aming kapatid na bunso sa  na paikot-ikot sa malapad naming bakanteng lupa sa likuran ng aming tahanan at labas masok sa tahanan ng aming lola sa kabilang bahay, manood ng telebisyon, makinig ng radio, magbasa ng mga libro…mga bagay na walang sawa nyang ginagawa…Kaya minabuti naming turuan na sa mga bagay upang matuto syang maging indipendiyente. Inumpisahan turuan mag sipilyo, maligo,kumain gamit ang kutsara at tinidor matutong maglinis sa bawat pag dumi nya…

Sa pagtungtong nya ng trese anyos, natuto na syang makihalo bilo sa mga pinsanin nya…magligpit ng higaan..bagay na ginagawa ng mga normal na bata…hindi madaling pakainin ang kapatid kong iyon. Ang alam lamang nyang kainin ay ang pritong manok, hotdog at iba pang mga pritong ulam..hindi nya pinapansin ang isda at mga gulay sa dahilang natroma ito sa pagkatinik. Kya nasanay ng aking ina na laging kainin lamang ay mga ganuong pagkain…Na syang hindi kinabuti ng kanyang timbang at kalusugan…

Kaya inumpisahan kong ipakilala sa kanya ang ibang masusustansyang pagkain..makamit lamang nya ang tamang timbang sa kanyang taas…

Sa aking pagkatigil sa paghahanapbuhay, duon ko nalamang napag tuunan ng pansin ang aming bunsong kapatid…dumating sa puntong na alarma kami sa madalas nyang pagpukpok ng kanyang ulo na gamit ang kanyang kamay at kung hindi makuntento, eto ay kanyang iuuntog sa pader…na wari’y may masakit…Kya minabuti na naming magpatingin sa isang eksperto, ang “NEUROLOGIST” sa “Philippines children Medical Center” sumailalim sa EEG at BAER. Ngunit nkakapagtaka lahat ay normal ang resulta at duon pinayuhan na kaming magpunta sa SPED para sa kanyang tamang lugar para sa pag aaral…at isang “therapy” o ang tinatawag nilang “occupational therapy” upang maturuan ng mga bagay bagay na kadalasang ginagawa ng normal na bata..

Gumugol kami ng malaking halaga sa bawat sesyon sa doctor…kada 2 oras na sesyon ay nagkakahalaga iyon ng P2,800 at kinakailangan 3 beses sa isang lingo…Sa pagsasailalim nya sa EEG (ang EEG ay ang intrumento o pagsasagawa upang malaman kung ano ang kalagayan ng kanyang utak bukod pa sa sinasabing CT SCAN)gumugol ng halaga ang aking mga magulang ng mahigit isang libo ganun din sa pag sailalim sa BAER (Isang paraan upang malaman ang kondisyon ng kanyang tinig)..dahil madalas ang pagtakip nya ng kanyang dlwang tenga habang ito ay nakapikit…gumugol ng mahigit libo rin ang ganung paraan ng medikasyon..Nakakalula ang gastos ng ganitong kalagayan ng isang nilalang…at ayon sa mga eksperto ang aming kapatid ay nakitaan ng sintomas na tinatawag na “AUTISM” isang kalagayan ng isang nilalang na magpahanggang ngayon ay pilit na sinasaliksik ng mga dalubhasa kung ano at saan nagmula ito…

Kya habang ako’y gumugugol ng oras sa pananatili ko sa bahay, minabuti kong obserbahan at alagaan sya.., Sa pagkakataong ito ako naman ang tutuklas at oobserba sa sitwasyon ng aking kapatid…Inumpisahan kong ituro ang ilan pang mga bagay na hindi pa nya ginagawa…lalo na ang simpleng bagay na magsintas ng sapatos…..Matagal bago nya magawa iyon ng mag isa…bagay na iniisip kong parang napakahirap sa kanya ang ganun…at pilit naming pinapasok ang mundong kanyang ginagalawan upang maintindihan o maunawaan  naming sya… At salamat sa mga makabagong teknolohiya na nararanasan natin ngayon., sa ganung paraan marami kaming nasasaliksik na paraan upang magawa namin ng paraan sa aming kapatid Minabuti kong gumawa ng listahan ng mga bagay bagay na dapat nyang matutunan…paunti-unti…Kulang sa sosyalidad ang aking kapatid kya madalas ko na itong ilabas at isama sa mga aktibidades ko sa simbahan…at maramdaman nya ang normal na mundong ginagalawan nya…mahirap para sa akin ang isama sya..sa una, hindi maintindihan ng karamihan ang bawat kilos, pananalita at pag iisip nya…kung hindi pa ipapaliwanag sa marami…pero taas noo akong sinasama sya…dahil alam kong normal pa rin sya…

Sa awa ng diyos nakakita rin kami ng murang espesyal na skwelahan na kung tawagin ay SPED o “special education” edad diseotso na sya naming muling naipasok sa paaralan at sa unang baiting…nagtaka ang aming kapatid bakit raw sya nilagay sa unang baiting kasama ang mga paslit ngunit normal at sya lamang ang espesyal at may sariling …bagay na kinalito ng aming kapatid. Marunong na raw syang mag basa at magsulat…Gumugol kami ng kulang kulang na kinsemil buong taon..ngunit sapat na iyon sa amin kaysa sa ibang skwelahan na batay sa aming pagsaliksik., mahigit kwarentamil ang gugugulin ng isang mag aaral sa SPED…at wala pa ruon ang mga sesyon kada 3 beses isang linggo na nagkakahalaga ng apat na raan kada 2 oras na sesyon…o kung tawagin nila ay OCCUPATIONAL THERAPY…

Sa tulad naming maralita na walang kakayahan tustusan ang ganung halaga na kung iisipin lang talaga ay pangmayaman ang ganitong sitwasyon na  bata…Mabuti na lamang at mukhang pinapalad parin kami at nakikisama ang aking kapatid na bunso sa aming sitwasyon sa buhay…unti-unti natututunan ang mga bagay-bagay na ginagawa ng isang normal na tao… Marunong na syang makipag –usap, mautusan, makipagsalamuha sa mga normal na tao..nakakapag paaliw pa sya sa mga taong namamangha sa kanyang katalinuhan…Ang sagutin ang mga capital ng iba’t –ibang bansa, ang tungkol sa siyensya at teknolohiya ngunit huwag lamang tanungin  pagdating sa numero..bagay na aming hinihimay- himay pa upang ito’y magamay nya…

Naisip ko.., upang lubos maranasan ng aking kapatid kung paano makipag salamuha sa tao…,minabuti kong isama-isama sa katekesis kung saan boluntaryo akong naglilingkod sa aming parokya bilang katekista…At duon nga sinanay ko syang makasama ang iba’t ibang lebel ng bata…hinalo ko sya sa mga kasing edad nya…Sinama ko sya sa larangan ng musika ang pag kokoro at binigyan ng mga ilang Gawain sa simbahan…Aliw na aliw sa kanya ang aking kaibigang pari na aprikano sa tuwing isinasama sya sa dula…dahil wari’y napaka normal kung makitungo ng aking kapatid sa kanyang mga kasamahan at nagagawa nya ang mga ilang aktibidades…

At ang pinaka hindi ko makalimutang sosyalismong nagawa ng aking kapatid..ay ang minsang inanyayahan kami ng dalawang malapit kong kaibigan na seminarista sa konggregasyon ng “blessed Sacrament” ang dumalo sa kanilang taunang okasyon tuwing disyembre.., ang tinatawag nilang “Family Day”. Ang mga malapit kong kaibigang iyon ay minsang pinadala dito sa aming lugar ng kanilang konggregasyon upang mag “immersion” . At inanyayahan nila kami dumalo ng kanilang “Family Day” nuong disyembre. Isinama ko ang aking espesyal na kapatid na si lester.., Hindi ko inakala na ang pagpunta naming iyon ay may matutuklasan akong bagong himala ng diyos sa amin..Nagulat ako ng magkaroon ng konting palaro ang mga kaparian ruon upang maaliw ang kanilang mga panauhin… At nagtanong sila kung sino ang gustong sumali..Laking gulat ko!!!, Tahimik na kumakain ang aking kapatid ng biglang magprisinta ito na siya’y nais sumali sa palaro… Isang laro hango sa isang tanghaliang palabas..ang “wowoweee” na kung tawagin nila ay “hephep horaay”. Nangamba ako sa ginawa ng aking kapatid dahil alam kong kakaiba sya at halong takot at hiya sa dahilang baka hindi nila maintindihan ang aking kapatid…takot akong pagtinginan sya pag isipan na kung anong klase syang bata…Ngunit…tunay na malaking pagbabago ang natuklasan namin…nakasabay sya, nagawa nya at nakalahok sya ng maayos…Nakakuha pa sya ng maraming premyo sa bawat palaro…Kya ang lahat ng mga bagay na kanyang napanalunan ay aming pinahalagahan na parang mga tropeyo sa panimpalak…at sa tuwing makikita ko ang mga bagay na iyon, nagpapasalamat ako sa aking dalawang kaibigan na seminerista na aking nakilala…ginamit sila ng diyos upang mabigyan kami ng panibagong pag asa…

Nagpapasalamat din ako sa poong maykapal at nakakita ako ng isang gobyernong hospital na makakatulong sa kanya sa pag sasailalim nya sa medikasyon…Hindi man sya tanggapin ng aming minimithing skwelahan na kanyang pasukan…ngunit patuloy parin kaming nagpapasalamat dahil kung hindi dahil sa kanila ay hindi namin malalaman na may ekspertong titingin sa aking kapatid na doktor sa nasabing gobyernong hospital..

Tanging skwelahan na lamang ang natatanging pangarap at panalangin ng aming anghel… Isang skwelahan ng mga normal na tanggap at maunawaan sya sa kanyang kalagayan…Tumutulo na lamang ang mga luha ko sa tuwing bibitiwan nya ang mga katagang ito “Hindi ako espesyal, hindi ako autistic, normal ako” kahit mababakas mo sa kanyang pagkilos at madalas na pagsasalitang madalas at paulit ulit na bigkas…masasabi ko talagang siya’y kakaibang likha ng diyos…Nasasabik na akong yakapin at halik-halikan ang malalambot at nananatiling amoy sanggol na bata ang kanyang mga pisngi..hindi na naming madalas magawa sa tuwing sasabihin nya sa amin na “Huwag nyo na akong i-kiss hindi na ako bata..,binata na ako.,hindi na ako baby”nakakatuwang nakakalungkot isipin at nakakaiyak din…sa dahilang bawat simpleng salita o bagay na kanyang ginagawa ay isang himala para sa aming pamilya…

Dapat ba kaming magtampo sa langit? Sa magulang?Sa sitwasyon?Pero hindi…hindi dapat dahil alam naming ang lahat ng ito ay pawang may mga dahilan ang diyos…kahit sa aming sariling kaligayahan ay napipigilan ng sitwasyon. Oo matatwag na swerte ang isang tulad nya…suwerte sa paraang binubuo ang isang tulad nya ng isang pamilya…wala pang maglakas ng loob ang magtankang magsipag asawa sa aming magkakapatid…suwerte sa paraang tinuturuan kaming mag isip at gumawa kung ano ang tamang desisyon…

Bakit may mga ibang pamilya na sinasa walang bahala ang may mga ganuong sitwasyon… minsan nakakainggit ang ibang pamilya na lahat ng kanilang anak ay pawang normal..hindi na nila kinakailangang magsaliksik ng babagay na skwelahan para sa kanilang anak…ngunit ang ibang  pamilya na aking naoobserba ay parang hindi nila napapansin ang kanilang mga anak..

Sa tuwing magtuturo ako ng katesismo, tinititigan ko muna ang bawat galaw at pananalita ng mga paslit  na aking kinakatesismo…bagay na nangangarap ako na baling araw katulad na rin sila ang aking kapatid na bunso. Ang tulad nilang kung kausapin .. na may direksyon at hindi lumilihis ang pakikipag usap…

Pero nakakalungkot namang isipin may mga bata akong nakikita sa lansangan na may kakayahang mag aral sa isang normal na skwelahan subalit napapabayaan ng ibang magulang…Hinahayaan mangalap ng basura at ibenta upang magkaroon ng pambaon sa skwela at may makain samantalang ang kanilang mga magulang ay kaya pang ibanat ang buto at mag hanap buhay para sa kanila…Nakakapang hinayang ang ibang pamilya na walang paki alam sa araw araw na binabale wala nila ang kanilang mga anak sa bawat normal na pagkilos at pagsasalita at pamamalas ng talento ng kanilang anak…

Kaya isang tunay na anghel ang masasabi namin sa aming bunsong kapatid…sya ang nagbibigay kahulugan ng buhay, misyon, biyaya, pag-asa, kapatid at pamilya…

Bagay na ngugnusap ang poong maykapal sa amin… Sa pamamagitan nya pinagtitibay ang aming pamilya na maging buo..kahit dumaranas ng maraming pagsubok…maraming beses na tinangkang buwagin ng demonyo ang aking pamilya pero dahil sa pinadala nilang kakaibang anghel na “KAKAIBANG LIKHA”

autism awareness

Advertisements

5 Tugon to “KAKAIBANG LIKHA”

  1. Wohh nahanap din kita!

    Hi Lhen! Una ay Welcome sa WordPress!

    Mahaba ang iyong post pero natapos ko naman 😉

    add kita sa links ko..at sana maayos din yang broken links mo para masundan ka ng iba.

    Enjoy!

    God bless you and you family!

  2. isang anghel sa gitna ng ating mga katanungang pantao ang pilit ginagamit ng Diyos upang maarok natin ang kanyang kalooban.
    Marahil mahirap masumpungan ang mga sagot sa iyong katanungan…kahit ako di ko rin masagot,,
    pero alam ko…minsan may mga anghel sa lupa na nagkakatawang-tao para turuan tayo ng saloobin ng Diyos.
    Hindi coincidence na binigyan kayo ng Diyos ng kanyang anghel…Lester ang kanyang pangalan!
    salamat kaibigan for sharing with us your story …
    i would the story of an angel : Lester!

  3. hi ate lhen

    miss you!!

  4. abah jason dito ka nag iwan ng maigsing komento …. 🙂
    marahil nabasa mo ang post na ito ……
    miss na din kita kapatid ,,…….

  5. siguro ngayon naiintindahan mo na ang ibig kong sabihin kung bakit pinag iisip kita maigi sa goal mo 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: