PANANAMPALATAYA

Mga dagdaang katekesis ko kasama ang aking maestro na aprikano sa katesismo

Mga dagdaang katekesis ko kasama ang aking maestro na aprikano sa katesismo

PANANAMPALATAYA

Isang  mapagpala at puno ng misteryo ang panibagong paglalakbay ko sa mundo ng katesismo..kadalasan kong introduksyon patungkol sa katesismo ay tanungin sa mga paslit at maging sa mga kabataan ang kahulugan ng katesismo….?Na ang katesismo ay isang daan para makilala ang diyos..

Ako, bilang katekista o boluntaryong katekista…ako ba ay lubos ko ng kilala ang diyos gaya ng itinuturo ko? Sa panimula ng pagtuturo ng katekismo, ito ay tinuturo kung ano ang kahulugan nito at susundan ng PANANAMPALATAYA…bagay na muntik mawala sa akin….

Sa muli kong pagtugon sa panawagan ng diyos sa akin, noong nakaraang taon sa pamamagitan ng katekesis, isang paraan ng pagtuturo patungkol sa relihiyon at relasyon sa diyos, isang daan upang makilala ang diyos. Muling nabuhay ang aking pananampalataya at nag – init ang pagtitiwala sa sangnilikha….Mula ng maranasan ko ang iba’t – ibang pagsubok. Sa panahon ng pagkabigo, pagkawala at pagka kakasakit ay nag-umpisa akong mawalan ng pag-asa…. At ng muli akong tawagin ng diyos sa kanyang ubasan…nagsimula muli ang mainit at malalim na pananampalataya. At nabigyan ng karagdagang pag-asa at kagalakan upang sumigla ang pananampalataya at paniniwala ko sa diyos. Ipinakilala ang mga bagong kaibigan, mga kapatiran sa pananampalataya, na syang nagbigay ng inspirasyon at kahulugan sa aking paglilingkod sa diyos. Ngunit dumating pa rin ng minsan pinanghinaan ako at muntik muli mamatay ang aking pananampalataya na syang ikinalamig ko sa paglilingkod ko sa diyos….dahil nakaranas ako muli ng pagkabigo….dahil isang bagay ang hindi ko muling nagawa, ang magbalik sa skwelahan at muling mag-aral….Pagkabigo, dahil sa pagkakahiwalay namin ng aking matalik at espesyal kong kaibigan na syang lubos na nagbigay ng inspirasyon at pag-asa sa muli kong pagbalik sa ubasan…Lahat ng kabiguan na natamo ang syang nagging dahilan ng kawalan ng ng kalakasang pisikal…, na syang dahilang ng pagkakasakit dahil sa muling pag iisip. Tama nga!!! Ang kawalan ng pananampalataya ang syang humahadlang sa panawagan diyos ay nahahati sa tatlong dimensyon sa paraan ng isip, puso o damdamin at mga kamay at paa…

Kaya paano ko maipagpapatuloy ang tatlong dimensyon ng pananampalataya na syang tatlong dimensyon din ng paraan ng pagtuturo sa katekismo. Ang”Doctrine” , “Moral” at “Worship” na syang isip, puso o damdamin at mga kamay at paa., kung maging sa sarili ko ay minsan napanghinaan ang aking pananampalataya . Doktina,? kung kadalasan ay ikinalilito ko sa pagtuturo ko ng katesismo. Moral,? na madalas pagnasktan  ang puso at damdamin ang umiral sa akin, damay ang ubasan ng diyos. Worship? Paano ako minsan makapag puri sa larangan ng musika kung marami akong responsibilidad at amo. Sabi nga nila sa ingles “We cannot serve 2 masters” pero kung iisipin mo, ang mga amo iyon ang syang mga mahal mo sa buhay…gaya ng PAMILYA, PAROKYA, HANAP-BUHAY at ang aking buhay hindi pwede mawala ang maitututring kong amo na ipinagkatiwala ng diyos sa amin, ang isang espesyal kong kapatid na may kakaibang pagkatao…sya ang “Kakaibang Likha” ng diyos.

Kya nitong nakalipas na tatlong lingo sa hindi pagserbisyo sa simbahan ay tunay na nakakapanghina ng pananampalataya  bagay na minsang muli magdesisyon bumitiw sa paglilingkod….na madalas na mamutawi sa aking mga labi na “Napapagod na ako, parang ayoko na!!!” pero hindi nagtagumpay ang spiritu ng katamaran, panunumbat at galit..Gaya ng dati, muli akong kinalabit ng diyos sa pamamagitan ng simpleng karamdaman. Na syang nag-udyok sa akin upang hindi bumitiw sa paglilingkod sa diyos….Kaya naman agarang binigyan ako ng diyos ng gawain.

Ginamit ang kapatid ko sa pananampalataya ang magpatuloy akong magturo ng katesismo. Ngayon isang parokya dito sa amin at bukod dun naragdagan ng isang “foundation” ang aking pinaglilingkuran ng walang bayad o boluntaryong pagtuturo ng katekismo.

Tunay na binigyan ako ng kaligayahan ng diyos ng makilala ko ang mga bagong kabataan ng isang foundation. Nasalamin ko ang aking sarili sa kanila ng matapos nila ang binigay kong maikling aktibidades patungkol sa pananampalataya bilang pasimula ng paksa ng katekesis. Nailathala nila ang kanilang mga saloobin..ang  iba sa kanila, kaya sila tumutugon sa panawagan ng katekesis sa dahilang obligasyon ng isang iskolar?ang iba naman dahil naroon ang barkada, may iba ring napipilitan. Sa totoo lang lahat ng mga nararanasan ng mga kabataang iyon ay minsan ko ring naranasan at madalas ay sumusulpot-sulpot  pa ring nararanasan bagay na hindi maiwasan lalo na pag umaatake ang mga problema. Ngunit, nang mabasa ko ang isang nilathala ng aking studyante., naalala ko ang salitang lahat “may dahilan ang diyos” At isang nakapagpataba ng aking puso ay nang mabasa ko ang sinabi ng isang istudyante…”So yung faith ko ngayon parang midyit lang half-half you know!Pero nandito parin ako tinawag ni God, siguro para na rin makilala ko si ate len at mas maging close ako ditto sa mga kasama ko.Thank God!!!” Nakakatuwa isipin na sa unang pagkakataon kong makadaupang palad ang mga kabataan iyon binigyan kaagad nila ako ng kagalakan at lakas. May isa namang kabataan na nagpaalala sa akin kung bakit pa rin ako nananatili maging katekista, isang linya na nailathala ang nakapag patawag pansin sa akin…, ang linyang “ Lahat ng bagay sa mundo ay may mga tungkulin na dapat gampanan at lahat ng mga bagay na nangyayari ay may dahilan”.

Marahil ipinakilala ng diyos sa akin ang mga kabataang iyon upang mangusap sya at magpaalala…..sa aking pananampalataya….

+ SUMASAMPALATAYA AKO+

+SUMASAMPALATAY KAMI+

KIK I.26

26. Kung inihahayag ang ating pananampalataya, sinisimulan natin ng ganito: “Credo” – Sumasampalataya kami.” Bago ipaliwanag ang pananampalataya ng Iglesia, na nababanggit sa dasal na “Sumasampalataya Ako”, na idinadaos sa liturhia, na isinasabuhay sa pamamagitan ng Sampung Utos at sa panalangin, itinatanong natin kung ano ang kahulugan ng salitang Sumasampalataya. Ang pananampalataya ay tugon ng tao sa Dios na nagpapahayag at nagbibigay ng sarili sa tao, nagkakaloob ng isang liwanag na sobrenatural sa taong naghahanap ng huling hantungan ng kanyang buhay. Dahil dito, una nating isinasaalang-alang ang paghahanap na ito ng tao pagkatapos isinusunod ang pagpapahayag ng Dios, na sa pamamagitan nito ang Dios ay nakikipagtagpo sa tao, at sa huli, ang pagtugon sa pamamagitan ng pananampalataya ng tao.

ANG PAGHAHANGAD SA DIOS

KIK I.30     2567;845       368

30. “Nagagalak ang puso ng mga naghahanap sa Dios”(Slm 105:3)

Kahit na ang tao ay makalimot o lumayo sa Dios upang hanapin siya at mabuhay sa kaligayahan. Subalit sa ganitong paghahanap ang kailangan ng tao ay malasakit ng kanyang isip, katuwiran ng kanyang kalooban, “isang pusong matuwid” . walang tigil ang tawa niya sa lahat ng tao at ang patotoo ng ibang taong magtuturo sa kanya na hanapin ang Dios.

Advertisements

14 Tugon to “PANANAMPALATAYA”

  1. salamat lhen sa pag-add sa akin sa iyong blog. inadd na rin kita. nice to see people like you here in the blogosphere na very dedicated bilang kawal ni kristo. marami na tayong mangingisda dito.

    • ur much welcome father natutuwa po kc ako dahil ginagamit ang mga makabagong teknolohiya upang makapangisda..gaya ng tagline ko mangingisda nga tau ngunit medyo malawak ang lalakbayin para makabingwit ng maraming isda…
      salamat padre at pinaunlakan nyo ang aking imbitasyon sa aking bagong lipat na tahanan…
      Sa muli kong pagbisita maraming katanungan akong naihanda patungkol sa bokasyon at pananmpalataya…
      Kailangan ko mga tulong ng kawal ni kristo
      ave maria!!!!

  2. wow hi-tech na rin pala ang ketesismo sa atin…noong araw ng aking kamusmusan puro pisara , papel at lapis lang…

    • Syempre naman kelangan yun para makasabay at maintidihan kami…
      mahirap mapag iwanan at salamat kay kapatid na sandi kc sya ang nag alalay sa akin dito para makabuo ako ng aking tirahan…

  3. hi ate. kakamiss ang kabataan. naging volunteer catechist din ako dati hehehe napadaan lang po.

  4. kapitbahay ka ni arvin, at magaling din,

    kakainggit ang mga blogsite nyo…

  5. Ave Maria, Purissima!

    Paano po maging katekista?

  6. salamat sa pagdaan mo dito sa bahay ko isarael… 🙂

    madali lang naman maging katekista eh pwede kang makipag ugnayan sa inyong parokya…. bukas ang simbahan para sa mga katekista…

    at kung paano ang pagkakatekesis?… nagbibigay sila ng seminars at may mga formation na pinapatupad ang ibang parokya sa mga katekista buwan buwan…

    ang pagiging katekista eh hindi lamang sa simbahan ginagawa…pwedeng umpisahan natin ito sa sarili nating pamumuhay… sa kaibigan…, pamilya…, madaling sabi sa kapwa….

  7. ano po ba ang dapat kong gawin?akoy 14 taong gulang na wala po ang pananampalataya ko sa dios!!ni hindi na nga ako makapag dasal!minsan na lang po talaga sa isang linggo ay 2bisis lang po mag sign of a cross lang po ako tapos ma tutulog na!kailangan ko po ng tulong!!!pag inuutusan ako ng mama ko na gagalit ako!!!plz i want to change

  8. elengtaote07@yahoo.com Says:

    AVE MARIA!!!hinde tayo magkakilala,aksidenteng nabasa KO ang BLOG MO.iNspiring..nakakabuhay ng paniniwala sa DIOS AT SA LAHAT NG LIKHA NYA..
    TLAGANG KININKINIS NG DIOS ANG KANYANG LINGKOD SA PAMAMAGITAN NG MGA SULIRANIN AT SAKIT..NG MGA HIRAP AT LUHA..DAHIL GANUON DIN NAMAN ANG PINAGDAANAN NYA BGO SYA UMAKYAT SA KANYANG AMA..SA ATING AMA.SA PAMAMAGITAN NG MGA DALITA..NAKIKITA NYA AT NAPAPATUNAYAN NYA KUNG TAMANG SABIHIN NA TAYO NGA AY TUNAY NA KANYANG LINGKOD…AVE MARIA!!
    GOD BLESS YOU!!AT SANAY MAKAPAGPATULOY KA NA NG LUBUSAN..KAHIT MULING DUMATING ANG BAGYO SA IYONG BUHAY..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: