picture!picture!

Habang binabaybay ko ang mundo ng  blogosperyong ito… bagay na madalas kong na obserbahan, wala sa amin ang hindi puwedeng magbahagi ng iba’t ibang larawan….

Tinitigan ko tuloy ang luma kong kamera…. siyam na taon ng hindi ginagamit.. isang “analog” walang “film” marahil kaya hindi ko na pinapansin ito ay sa dahilang uso na ngayon ay “digital camera” …

tinitigan ko ang luma kong kamera............

tinitigan ko ang luma kong kamera............

gamit ang isang simpleng “digital camera” na 7.0 mega pixel lamang.., pinilit kong kunan ito…. at sa hilig sa pag “photomontage ” idinikit ko ito sa lumuluhang mata….. dahil sa aking muling pagsilip sa lumang kamera…. nasilip rin ang mga nakaraang alaala……..

lumang kamera..... taong 2000 huling kong ginamit

lumang kamera..... taong 2000 huling kong ginamit

nilagyan ko siya ng sinelas bilang tanda ng dati kong paglalakbay sa larangan ng potograpiya….

nasilip ko tuloy ang mga bahagi nito na hinalintulad ko sa aking mga naging desisyon….

isa na ang view finder na siyang isinilip ko sa aking nakaraan…

Blur - past moment

Blur - past moment

Isang maling pagkuha pag hindi naka focus sa bawat desisyon….

Sa kasalukuyan…. habang pinagmamasdan ang paligid… pinagninilaynilayan ang mga pangyayari…, karanasan.., at pag oobserba sa ibang karanasan….

isang malaya at malinaw na  mata…. ang magandang resulta….

pinagmasdan ko ang iba’t ibang larawan ng mga tao rito sa mundo ng blogosperyo….at sa mga taong nakakasalamuha ko…..

may focus … at malinaw ang lahat sa kanila….

hindi pasmado ang kanilang mga kamay sa paghawak ng kamera at malinaw ang kanilang mga mata sa bawat desisyon na kanilang nakikita,…..

sa unang film na ito ay mga larawan galing sa

tirahan nila coolwater  at bluguy

ginamit kong halimbawa

dahil sa linaw ng kuha

SHARP_III

ang sumunod na film ay ang mga kuha

ko hango sa aking pinagkakaabalahang bago

Isang kasal kasama si kristo ang nais kong maging subject ng aking larawan sa hinaharap….na siyang pinakamabigat na desisyon ng dahil sa aking sitwasyon…. isang bokasyon na malabo o blur na mangyari……

“Para sa ma komento, maari nyong ibahagi sa akin ang bawat bahagi ng kamera na siyang pwedeng maging simbulo ng ating buhay…. ikalulugod at ikasisiya ko ang maibahagi nyo ito…. makakatulong sa pagpapalakas ng pananampalataya ko sa diyos…”

Advertisements

24 Tugon to “picture!picture!”

  1. wow naman ate lhen

    ang daming memories dyan sa cam mo

    sana nilakihan mo para nakita namin!!

    Hala humayo ka na dyan at pupuntahan ka namin
    ng magamit yang camera mo

    sa pag pipiktyur piktyur!!!

    hehehhee

    • nalula naman ako sa pixels 7.0

      yung akin 2.0 lang !!!!

      ahehehehe magandang umaga!!!

    • sobrang dami kya nga ndi ko nilakihan kase baka makilala nyo ang mga taong nandun….
      yung pangalawang pix na sharp ang kuha …. galing yun sa mga blogs nila coolwaterworks and bluguy kase sobrang na amaze ako sa linaw ng kuha lalo na kay coolwater!!!! kinopya ko lang para i share din sa lahat na ang galing ng mga mata ni cool sa larangan ng potograpiya…. kahanga hanga siya…

      punta ka nalang sa españa manila tapat ng trabaho malapit sa ramon magsaysay dun ka mag papicture dun kase yung studio ng tita ko E-LITE DIGITAL PHOTOGRAPHY …hehehe mura lang magpa picture dun….hehehe dun ako dati nag work sa tita ko… habang nag aaral ng basic photography sa ramon… pag gabi

      • wow… pede mo ba sabihin sa akin yung details nung sa ramon?

        gusto ko ulit mag aral ng potograpiya,
        may nakagpag sabi lang sa akin.

        please please…

        aun…

        isip pa ako ng pedeng itugon sa blog mo…
        la kasing nabuo sa mga kuha ko noong nag aaral ako ng photography dahil sa lolo kong camera.

        tnx..
        napadaan lang

        hoping for your reply…

  2. Hi Lhen! ganda ng pagkaka-edit mo sa picture?

    simbolo ng buhay? marami siguro pwedeng maging simbolo ng ating buhay.. depende ‘yon sa magiging interpretasyon ng tao kung paano nya ito ihahambing sa kanya.

    para sa akin: pwede na siguro akong maging strap ng camera, kapag napagod ang kumukuha ng litrto ako ang kanyang hinahawakan, minsan nasa kamay at minsan naman ay nasa kanyang balikat, Pinagagaan ko ang bigat, pinoproteksyunan ko huwag mabagsak ang camera dahil sa aking silbi.. kung baga eh low profile pero malaki ang silbi 🙂

    God bless you!

    • Grabeh!!! ang gaganda ng mga bahagi nyo patungkol sa aking lumang kamera
      dapat pala ang pamagat ng aking lathala ay “lumang kamera”
      bagay na hinihingi ko ang bawat opinion sa bawat parte neto….

      Malaking nagagawa ng strap!!! tama ka isa kang proteksiyon
      gaya ng mga nilalathala mo…. binibigyan mo ng mga paalala
      ang bawat mambabasa….. GBU…

  3. BUTTON….simbolo ito ng bawat desisyon natin sa buhay..katulad ng sa kamera…ang bawat pindot dito ay hudyat ng pagkuha ng isang imahen..maganda man o pangit ang kinalabasan..kailangan tanggapin at panindigan….
    ang mga kuha sa digital cam ay may option para iprint o i cancel na lang sa limot….
    pero sa totoong buhay ang bawat pindot o desisyon ay kailanman di na pwedeng itatwa…
    the button in the camera is a decisive factor that creates a fact whether it is real or virtual…
    the decision we make in life is the principle of growth and the zeal to live life…in principle, life has two sides of reality: the acceptable one and the unacceptable. it is a matter of accepting what is unpleasant in our lives, that we grow to be fully human and alive…
    life does offer a picture, though in a fragmented ways…because the whole picture of our lives are painted and designed by HIM alone.

    • wow!!!! watta a nice comment!!! i love it!!! maganda blu ang mga naging komento mo grabeh!!!
      magandang ihalintulad sa naiisip kong activities sa isang formation…
      At medyo ouch!!! ako sa line mo na “it is a matter of accepting what is unpleasant in our lives, that we grow to be fully human and alive…. ”

      grabeh talaga makabuluhan KAUSAP ang mga tao dito sa WP!!!!

  4. Hmmm. Medyo nabitin ako dun sa “pinagkaabalahang bago” mo Lhen. Nasabi na ni Sandi at ni Blu ang gusto kong sabihin hehe. Copy paste ko kaya o kunan ng image hehe. Camera and life ikanga ni Sandi – napakagandang analogy ito nga Lhen. Lalo na yung lumang kamera mo na nakakabit na rin ang past memories. Isang lens ako, kahit na may gasgas, okey pa rin sa akin. Pagnilay-nilayan ko pa kung bakit lens ako hehe…

    • salamat sa komento malalaman nyo soon bakit ko ask mga side nyo o meaning ng bawat bahagin ng kamera ko… Sa bawat meaning na binigay nyo natutuwa ako… sobra!!! laking tulong sa katesismo gagawin ko sa mga formation ng kabataan…. at pag binigyan ako muli ng assignment ng head namin na mag TAlk sa mga bagong hirang na boluntaryong katekista…

      Humihingi nga pala ako ng paumanhin sa mga bisita ko at mga kapitbahay ko na medyo nasira ang site ko…. sa ngayon humihingi ako ng tulong sa aking rabbi na si SANDI …. na syang nagturo at naghikayat na makisali dito sa pook na ito….

      Salamat uli ….

  5. Hi Lhen…

    Pangalawang pagbisit ko ito sa bahay mo… Yung una, hindi ko natapos ang pagbabasa kasi sumakit ng sobra ang mata ko sa lay-out mo… (sorry, kailangan maging honest). Pero ngayon , ang laking pagbabago…

    Salamat sa iyong mga papuri sa akin dito… Nahiya tuloy ako… 🙂

    Anong bahagi ng camera ako? Hindi siguro ako as a whole, but rather a part of me, my eyes as the lens… Technically, the lens simulates the eyes… The camera cannot record images on film or digital media without the lens. Composition and exposure are all dependent on how the lens is set. The lens could make or break the captured image. Add to it, the lens sometimes depend on special gadgets called filters to accurately capture the colors and the lighting the way our eyes capture the images. In other words, the beauty of the resulting image depends somehow on the lens and the filters being used.

    The way we see the world depends on our eyes. And the color of our world depends on the looking glass we are using. Inasmusch as we try to manipulate our camera’s lenses to capture great images, we must also train our eyes to see the beauty of this world, to really exclaim “How lovely is His dwelling place!” We must also train our eyes to see the beauty of others, to see beyond appearances and most of all we must also train our eyes to see the good in others.

    God bless!!!

    • Is it only the lens could make or break the captured of image? how about the aperture and shutter speed?
      Sa totoo lang namis ko na tuloy ang photography kada ko…. sa inyo ….
      Sobrang natuwa ako sa mga comments mo kahit may konting kritiko mas gusto ko nga yung may kritiks
      ako sa mga gawa ko hindi lang sa pag lay-out ng pix alam kong mdalas blur…. gaya ng mga pinagdaanan ko…
      Salamat cool!!!! Salamat kay sandi kase isa ka sa recommended nya nung unang salta ko dito sa mundo
      ng blogosperyo…. GBU

      • Hi Lhen. May aiwan palang tanong dito… Tama ka, hindi lang lens ang nakakapagbigay ng ganap na kagandahan sa larawan… Kasama na rito ang aperture and shutter speed. Subalit ang mga ito ay may relasyon din sa uri ng lens na ating ginagamit… The lenses that we have control how much opening we can have for the aperture and at the same time control the speed of focus… May mga lenses na hindi mo magagamit kung kukuha ka ng mag pictures ng mga scenes na gumagalaw ng sobrang bilis… 🙂

  6. thanks for appreciating my pics and adding me on your list. sadly i am no longer able to blog since blogspot is blocked in our area. i will add you when i am able to access my pages again. 🙂

  7. ayan bumalik na yung dating ayos ng side bar mo.. ano ginawa mo?

    • may nakita ako sa baba gaya ng sabi mo nasa ibaba lang…
      sinet ko by position kya lang ung gravatar ko hindi ko maibalik talga sa taas laging naka position sa baba… pero na yun para may thrill kung sino ang may akda ….

      Magandan design na rin yun…
      Salamat tlaga … if ever may mali akong gawa sa bahay ko
      nasa sayo ang duplicate key… heheheehe get mo na?
      Kase madalas wala ako dito sa loob ng bahay…
      Alam mo naman dami kong inuuwian na bahay.hehehe
      na kailangang bisitahin….
      Haaaaay buti nalang may strap ang kamera ko(YOU)
      GOD BLESS YOU!!!!!

  8. padaan ulit…

    waiting for your another inspirational post!

    • Dont wori joyce may mga naka line up na akong i post
      for now kase dami kong inaasikaso dito sa house namin
      sa autistic brother ko, sa mini enterprise namin sa computer
      and electronic services., at pag sabado’t linggo sa simbahan
      at foundation kya mina manage ko lang ang time ko para
      mag karsya…. 1-2 hrs. lang ang binibigay ko sa sarili ko dito
      sa pc namin usually kase more on lay out lalo na pag may job
      sa tarpaulin at mga pix….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: