AND i LOVE u SO……

Kahit madalas saktan mo ako….

hindi ko iniinda para lang sayo….

Lahat ng gusto mo binibigay ko.., lahat ng hinihiling mo hindi matanggi kahit masakit sa loob ko……

Basta nakikita ko na kahit papaano sinusunod mo ang utos ko…..

solve na ako sa ganung stilo….

naglilinis si lester???oo naman

naglilinis si lester???oo naman

madaling naiibsan ang lahat ng sakit na ginawa mo pag nakita kong nagawa mo ang bawat turo ko….

bawat hiling mo na nasunod ok lang basta makita ang bawat ngiti mo

reward sa akin ni ate len....

reward sa akin ni ate len....

Bawat kilos mo habang sa bawat turo ko bagay na pagpapala para sa akin….. na nagbibigay pag-asa  upang mabuhay pa……………….

marunong na magluto si lester

marunong na magluto si lester

gumagawa ng assignment si lester at pagnatapos hirit nya ang you-tube

gumagawa ng assignment si lester at pagnatapos hirit nya ang you-tube

Kaya hindi ko magawang iwan ka ………….. pag nakikita ko ang lahat ng pagbabago mo……………….. gusto ko lagi kitang katabi at kayakap……. kahit madalas mong sabihin sa akin na “Huwag mo na akong i KISS hindi na ako baby….”!!!! “Binata na ako” ano ba atehhhhhh!!!!!! ang kulit kulit mo!!!!!

ayoko ng gitara gusto ko keyboard ang kulit ni ate len- LESTER

ayoko ng gitara gusto ko keyboard ang kulit ni ate len- LESTER

minsan minsan lang maglambing ng ganyan yan.....pag nasa mood

minsan minsan lang maglambing ng ganyan yan.....pag nasa mood

Yan si LESTER ang tanging buhay namin sa bahay ……..

ang “KAKAIBANG LIKHA”………………………..

My ate lizel

My ate lizel

Yan si LESTER ang naglalambing na bunso naming kapatid…. (Pagmay kailangan…hehehe)

best in SIBIKA en COMPUTER last year

best in SIBIKA en COMPUTER last year

Ang espesyal naming kapatid na dahilan kung bakit nananatili kaming hindi pa nag aasawa ng dahil sa kanya………. mahirap ang sitwasyon hindi namin masagot kung bakit ganoon pero ang alam lang namin LOVE na LOVE namin sya……………………………….hindi namin matiis na siya ang mag isa ……………………………………………………….

Advertisements

36 Tugon to “AND i LOVE u SO……”

  1. ang swerte2 nya sa pagkakaron ng ate at pamilya na tulad nyo. mabuhay kayo..il include your family in my prayers kahit hindi ako kalakasan kay lord

  2. Hi! Lhen, i saw ur link tru Fr. Felmar’s blog… grabe hanga ako sa kabaitan mo at pagmamahal mo sa bro. mo, i know how hard alagaan ang mga special na batang katulad ng bro. mo but here you are doing great mukhang daming development ni Lester, i know Lester will be very thankful to have you as his sister. God Bless Lhen…

    • salamat sa pagbisita mo sa aking bahay ana…………….
      ihahanay kita bilang karagdagang kapitbahay sa aking bahay…….

      Totoo hindi madaling mag alaga ng isang espesyal na bata lalo na ang isang
      tulad ni LESTER na high functioning autistic………….. na mas marunong pa
      tlaga sa nakakaraming normal na bata……….. matigas na rin ang ulo yung tipikal
      teenager ba …………. ang pinaka worse thing na pag assist ko sa kanya na AKO MISMO … ang nangalaga ng ma circumcise sa edad nyang 19y/o ngayon……..

      Minsan gusto mo ng sumuko pag madalas ka nyang saktan pag hindi binigay ang
      gusto nya………… nakakapagtaka nga lang at naproprovide namin ang nais nya……..
      sa lamat sa bathala at hindi maipaliwanag kung minsan kung saan nanggagaling ang biyaya nya amin………. And that’s the reason why hindi ko matuloy ang pumasok sa kumbento dahil sa kanya…….. ganun din ang hindi magawa ang makapag asawa………. baka hindi lang maintindihan ng aking makikilala……

  3. This is a poignant post Lhen… Nangingibaw talaga ang pagmamahal mo sa iyong kapatid… 🙂

    • sobraaaahhh!!!! at kailangan matinding pagmamahal ang kailangang ibigay
      isang kaloob ng diyos sa aming pamilya na pinagkatiwala nya sa kung anong dahilan????? na hanggang ngayon patuloy kong katanungan sa kanya…..

  4. Hi Lhen, paki hug mo ako kay Lester. He is special…Love makes him more…

  5. naluluha ako ate lhen…

    ang sobra mong magmahal…
    😀

    makikita ko sarili ko kay lester
    kasi special child din ako
    😀

    kaya ate na rin kita

  6. why not!!! choc not!!! 🙂

    sobra ba talga magmahal? 🙂 love ko talaga si lester kahit pasaway na 🙂

    special ka rin? 🙂 ibig sabihin autistic ka rin? hehehehe 🙂 joke

    oo naman ate mo rin ako … brother ka namin ni fr.fiel diba? 🙂

    hay naku jason kung alam mo lang kung paano mag alaga ng isang high functioning autistic…. naiiyak ako sa hirap….. pero wla akong magawa kung hindi tanggapin ang kaloob ng diyos……………………… kaya nga hirap din akong makipag bf ….. kadalasan hindi nila maintindihan ang sitwasyon ko…..

  7. bow talaga ako sa pinakadakilang ate sa buong mundo!!!

    kailan ba ang birthday mo at maideclare na natin na Ate’s Day?

  8. kaka-touch naman to…

    • kaka touch ba? …. natutuwa ako at na touch ko kayo…. 🙂
      sensya na ‘igan kung madalas akong makadalaw ngayon sa iyong
      bahay kase ang dami kong ginagawa sa ngayon….. may sakit pa ang
      mother ko kaya pabalik balik kami sa hospital……………..

  9. ang swerte naman ni lester sa inyo.
    And I know he’s a blessing from God.
    Kasi tinuturuan ka nitong maging matatag.
    God bless ate lhen..

    • syang tunay!!! sya oo swerte sobrah!!!! imagine wala pang nag aasawa na kapatid nya ……… 29 y/o na ang kuya nya na sinundan nya kaya sobrang spoiled brat yang batang yan……………

      Ang lakas ka nya pag nabadtrip sa amin lalo na pag hindi naibigay ang gusto nya
      namumulubi na kami!!!! aksyado sa kuryente kaka internet…, bukas ang t.v , stereo sabay sabay ng hindi nmin maintindihan bakit ganun ang trip nya!!!! 🙂

      Pag pinakelaman mo YARI ka!!! 🙂 pasa pasa ang katawan mo…

      ang swerte namin noh? hehehe 🙂 pero pag may sumpong sumusunod naman sya at naka program na yon like sa pag sasaing ng kanin …. automatic na sya ang mag sasaing habang naka salang sa pc………… pag sunog pasensya na kakain kami ng sunog !!!! hehehehe 🙂

  10. pa hug din ate lhen..

    mwaaaaaaahhhhhuuuuuugggggsssss

  11. ate Lhen, pwede bang magpa-ampon.. masunurin ako at mahina lang kumain 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: