PASAWAY!!!

APAT LANG KAMING MAGKAKAPATID

APAT LANG KAMING MAGKAKAPATID

Sa apat na magkakapatid., ako ang pinaka pasaway!!!

Madalas hindi umuuwi sa tamang oras nuong ako ay nag-aaral pa sa high school (maging noong mag trabaho rin ako…) puro lakwatsa… para makaiwas sa gawaing bahay.., at para hindi marinig ang madalas na talak ng aking nanay ….

Hanggang sa pagtungtong ko sa kolehiyo… dala-dala ko ang pagiging PASAWAY!!!… kaya minabuti ng aking ama na ako ay hindi suportahan sa mga pangangailangan ko sa skwela…at tuluyang pinatigil nya ako sa pag aaral nuon… Pero pinagpatuloy ko pa rin ang mag aral….nagtrabaho ako at nag-aral…pinagsabay ko ang dalawang iyon….

Ngunit nahinto rin ako sa dahilan ng pagkakasakit sa balat… isang ECZEMA ang dumapo sa aking kaliwang daliri (sa bandang palasinsingan at hinlalaki ng daliri ko)….

pero mas malala diyan sa litrato ang sinapit ng mga daliri ko....(kaliwang kamay na siyang ginagamit kong panulat)

pero mas malala diyan sa litrato ang sinapit ng mga daliri ko....(kaliwang kamay na siyang ginagamit kong panulat)

Duon nagsimula magparamdam ang diyos sa akin…. Halos maitaas ko sa langit ang kamay ko sa sobrang sakit… Nang minsang itinaas ko na kay yahweh ang kamay ko at humingi ng tawad sa lahat ng nagawa kong kasalanan….. sinabi ko sa kanya na pagalingin mo lang ako at maglilingkod ako sayo….

Nangyari nga ang kahilingan ko ….Magpapasko nuon ng mabilis nyang pinagaling ang sakit ko at tuluyang nakakain ng mga pinagbabawal na pagkain…

Taong 1997 nagsimula ako maglingkod sa pagkanta sa choir

wala akong litrato ng aking mga kasamahan nuon sa choir.... pero sila ngayon ang bagong nagtuturo sa choir ng EL SHADDAI sa SAINT FRANCIS XAVIER PARISH

wala akong litrato ng aking mga kasamahan nuon sa choir.... pero sila ngayon ang bagong nagtuturo sa choir ng EL SHADDAI sa SAINT FRANCIS XAVIER PARISH

….na kahit kelan hindi ko maisip na matututo akong kumanta….na sa totoo lang., pagsasayaw ang una kong nakahiligan nuong bata pa ako hanggang sa ako ay nag high school…pagsasayaw ang una kong minahal na talento …. pero iba talaga si bro… gusto nya matutunan ko ang iba pang talento na magagamit ko sa paglilingkod sa kanya…. at may bonus pa ang matutunan ko ang paggigitara…

….Naging active ako sa simbahan at nakitaan ako nuon ng aming kura paroko na si FR. JORGE ROSALES. Nakitaan niya ang pagiging aktibo ko sa pagtuturo sa mga bata sa pag awit at pagsayaw sa mga aktibidades sa simbahan…kaya naman laking gulat ko ng kinausap niya ako upang bigyan ng scholarship sa DLSU…. (catechetical)

DLSU- CATECHETICAL COURSE

mga nakasama sa PYC at naging classmate sa DLSU na AVE MARIA FRANCISCAN sisters

mga nakasama sa PYC at naging classmate sa DLSU na AVE MARIA FRANCISCAN sisters

Wala akong ideya sa kursong binigay sa akin pero tinggap ko bilang pagpapasakop sa aming pari…at na curious din ako ano ang catechetical…sa totoo lang nahirapan ako dahil hindi ko akalain na pag aaralan namin ang bible (scripture1&2) ang sakit pala sa ulo…. at mga sakramento.., at marami pang subject na hindi ko ma feel na nag aaral ako…. pero sa awa ng diyos natapos ko rin kahit papaano….. kahit nahirapan ako nuon….

Hindi ko ugaling manghingi ng allowance sa aming pari kahit na sinabi nya na puntahan lang siya kung may kailangan sa pinansiyal….. kaya naman minabuti kong magtrabaho nuon habang nag aaral sa nasabing iskwelahan….

Nag apply ako sa ACA VIDEO sa commonwealth branch…

sinubukan ko lamang at nagbaka sakaling makapasa…at pumasa nga sa interview at mahaba at malupit na exam….

nag umpisa ako sa pagiging crew ng 6 na buwan… sa umaga ang aral sa gabi ang pasok (till 12mn ang schedule sa ACA nuon)

hindi ko akalain na mareregular ako sa nasabing kumpanya…. mula sa pagiging crew lamang nagtiwala ang mga manager ko na maging MSR (marketing service rep) ako….hanggang maging team leader from company own to franchise namalagi ako sa ACA ng 5 taon sa serbisyo…

5 YEARS IN ACA

mga manager ko na sila sir jayjay at sir vhon

mga manager ko na sila sir jayjay at sir vhon

si sir benjie ang nasa gitna na naka blue (commercial model na ngayon yan)

natapos ko rin ang pag aaral ko sa DLSU….kaya naman pinilit kong i manage ang oras ko sa simbahan., at trabaho nuon….kaya lang naging abala talaga ako sa trabaho at napabayaan ang paglilingkod sa simbahan…. nahatak ng demonyo sa mga gimikan gabi gabi pagtapos magtrabaho… inuumaga ng uwi dahil sa mga gimmik kasama ang mga kasamahan sa trabaho(punta ng PADIS POINT., 1 bottle sa SELECT bago umuwi.., bilyaran sa BIG SHOT SA DELTA at nandun na rin ang KTV)…. dahilan na tuluyang nawala ako sa simbahan ng mahabang taon….

Inalagaan ko ang naging trabaho ko… iniwasang umabsent., ma late (ayokong mabawasan ng sweldo)…

nakalimutan kong may pangako nga pala ako kay bro………

Hindi ko na rin namalayan na lumisan na sa parokya ang paring nag alaga sa akin at nilipat sa MEXICO…(na magpahanggang ngayon hindi ko pa siya nakakausap)….at hindi ko man lamang nagamit ang napag aralan ko sa katesismo…(palibhasa hindi ko talaga gusto nuon ang inaaral ko .., wala akong interes)…

At nalamang ko nalamang na madalas akong hanapin nuon ni fr. jorge sa simbahan at sa aming bahay… ngunit walang LHEN siyang makita…Napabayaan ko ang mga batang tinuturuan ko sa choir…

Hindi nagtagal…. binawi ng diyos lahat ng panandaliang kasiyahan ko….nag sara ang kumpanya sa dahilang matinding kumpetisyon sa piracy…. at sa kabilang video shop (video city)….

Ang akala ng grupo ng choir na magbabalik ako…. Hindi ko nagawa dahilan sa ayokong makita ang simbahan na pinaglingkuran ko ng magkahiwalay kami ng apat na taong lalaking minahal ko sa gawain….

Noong nasa ACA VIDEO pa ako sinamantala ko ang oras na iyon habang kumikita kaya pinagsabay ko muli ang pagtatrabaho sa ACA at ang mag aral ng photograpiya…. na siyang nagamit ko upang makapagtrabaho sa isang photography studio sa philcoa….

redfox photographyNaging masaya ako sa kumpanyang iyan dahil ok naman ang mga naging kasamahan ko… ngunit hindi kinayanan ang matinding tukso na lumapit…. kaya nilisan ko itong kumpanya agad agad….

(ayokong ma involved sa married man … ayokong magkasala ng matindi sa diyos…. kaya para makaiwas nilisan ang nasabing kumpanya…)…

Marami naman akong natutunan sa larangan ng potograpiya kaya kuntento na ako dun…

Nagmatigas pa rin ako na hindi ako babalik sa simbahan….

Isang kaibigan ang nag alok sa akin na maging bokalista nila sa banda isang grupo ng banda ang porte nilang kantahin ay more on R&B pondo nila ang mga kanta ng BLACK EYED PEAS , SOUTHBORDER, MYMP, at mga kanta ni ALICIA KEYS…na pinahirapan ako sa kanta ng KARMA(Ayun nakarama tuloy ako…)  (Nahirapan akong mag adjust dahil makulot kantahin…. kaya mega aral siprahin)…isang kapit bahay ko na hindi ka relihiyon(INC)..Tinanggap ko ang alok sa kagustuhan ko ring mangibang bansa…

Gabi-gabi praktis at kung minsan studio magpraktis upang i record ang ipapademo…Naaliw ako sa karanasan kong yan na maka jam ang isang banda na solong kumanta (sa una kabado talaga ako)…

Sinabi ko sa sarili nuon na., tamang tama ang mga napag aralan ko sa choir at mapagkakakitaan…(tsk!!!tsk!!!tsk!!! pasaway talaga akoh)….Napadalas ang ensayo namin na ikinadalas kong ipuyat sauluhin at aralin ang mga kanta….na kung saan napadalas ang pagkasipon ko…

Sa hindi inaasahang pangyayari…. nilagnat ako at nanakit ang tenga ko…hindi ko maintindihan ang pananakit…. halos magsuka ako…hanggang sa hindi na makarinig ang kanang tenga ko…. kaya nagpunta ako ng doktor…. hindi ko na kinayanan ang sakit at ang masaklap hindi ako makapagsalita….sumasakit lalo ang tenga ko ng subukan kong kumanta….. Nalaman ko sa doktor na nagka OTITIS MEDIA pala ako….Ang hirap matulog dahil para akong nilulunod sa malalim na dagat na may naririnig akong para alon sa tuwing itinutulog ko…. Patuloy ang pag gamot ko pero nauubos na hindi pa gumagaling…kaya isa lang ang naging huling takbuhan ko ang INA NG LAGING SAKLOLO na humingi ako ng tulong para dinggin ang panalangin ko at patawarin ako ng diyos sa nagawa kong pagtalikod sa kanya….At hindi ako binigo ni bro….pinagalingin rin nya ako….

Kaya naman nagbalik ako sa paglilingkod sa pamamagitan ng pagtuturo ng CHRISTIAN LIVING sa SAINT MARY LEARNING CENTER (isang pre-school) naging employer ko ang RVM congregation…nakasama ang mga madre…(hindi pa rin ako bumalik sa aming parokya….ang tigas ng ulo ko talaga nuon…) may isang taon din akong nanilbihan sa mga RVM sisters na minsang hinikayat akong mag madre…. Hindi nakuntento ang madreng kaibigan ko at mas ginusto nilang maging staff ako ng MICRO FINANCE (ang SALVE MICRO FINANCE sa CARITAS….)dun ko nakita si Fr. Anton Pascual isa sa mga nagsalita sa SEMINAR (3days with pay)na pina attend sa akin ng mga madre….Napa isip ako na parang hindi naman ako nagseserve dahil kumikita ako sa pagtuturo…amo ko lang ang mga madre…at mas ginusto nilang maghandle ako sa MICRO FINANCE….kaya tinanggihan ko…ayoko ng money matters ang maging trabaho ko…. napamahal sa akin ang pagkakatesismo…..na siyang matagal kong hindi ginawa…..Nilisan ko ang RVM….

At muli., nakipag usap sa langit…nagsimba ako (december 8)…nagpasalamat sa biyayang binigay nya…ang pag galing sa sakit at pagkakaroon ng bagong trabaho…. pero hindi ko gustong maging staff ng MICRO FINANCE…. gaya nga ng sabi ko sa diyos…. “ngayon ko lang naramdaman na dapat nuon pa….na maganda palang mag katesismo….dahil ako ang unang natututo…. na parang tinuturuan ko mismo ang sarili ko….bago pa man ituro sa mga kabataan….”….Kaya nang matapos akong magsimba…nagulat ako nang may tumatawag sa akin ng paalis ako sa simbahan ng SAINT FRANCIS XAVIER(Ang muli kong pagbabalik sa aming parokya)….

Isang Aprikano ang narinig kong may tumatawag sa akin ng MISS!!!! MISS!!! (Pahabol na tawag sa akin)… Kinausap nya ako na kung pwede ko ba siyang tulungan sa mga bata sa pagkakatesismo….(nagulat pa nga ako kase magaling magtagalog) isa pala siyang seminerista ng aming parokya…ang buong akala nya bagong parokyano lang ako

…..ang sabi ko “hindi ako bago dito” dati na ako dito brother??

….RICHARD!!!!  I’m brother Richard….

Fr. Richard na siya ngayon

Fr. Richard na siya ngayon

Fr.RichardSinanay niya akong magturo bago niya kami lisanin at bumalik sa aprika para duon mag misyon…

tinuruan niya ako ng husto sa katesismo at maging sa larangan ng musika..salamat father richard

tinuruan niya ako ng husto sa katesismo at maging sa larangan ng musika..salamat father richard

Kaya naman lahat ng natutunan kong talento na bigay ni bro…. ibinahagi ko sa mga paslit

nagsayaw nung EASTER SUNDAY "LUWALHATI SA DIYOS"

nagsayaw nung EASTER SUNDAY "LUWALHATI SA DIYOS"

PAGTURO ng CHOIRCHOIR SA MGA BAGETS AT MISA SA ELEMENTARY SCHOOLAT ngayon ay may nadagdag pang turuan…sa isang foundation sa TANDANG SORA…na isang kaibigan na nangailangan ng tulong sa kakulangan nila sa katekista… kaya hindi ko tinanggihan kahit walang bayad o sweldo ang ginagawa ko…… dahil may kakaibang kasiyahan akong nararamdaman pag ginagawa ko ang mga bagay na ito…….

catechesis sa tandang sora FRANCO FOUNDATIONTunay na punong puno ng misteryo ang buhay ng tao….hindi mo alam kung kelan ka niya tatawagin…maraming sitwasyon., pangyayari at karanasan ang kelangan daranasin bago lubos na maunawaan ang gusto niyang mangyari (lalo na sa akin…)

Sa karanasan ko….maraming beses nya akong tinawag….dinededma ko lang…kelangan ko pang daanin ang mga sakit…, aksidente(car accident with my friends….sa commonwealth drive…., hindi ko nalang sinama ang dami na eh….) para lang tumugon sa panawagan niya…..

Paano ba kase ang pagtugon?… basta ang naranasan ko lang …. inobserbahan ko at mga bawat pangyayari sa mga nagdaan kong karanasan…pinagnilay nilayan…. binalikan ang mga taong naging instrumento para magparamdam lang si bro…. at muli…nakipag usap at nagtanong muli….sa pamamagitan ng panalangin at para marinig ko ang lahat ng sagot …. mariing nagnilay nilay….

Kaya sa tuwing nakikita ko itong larawang ito…..naiinlove lalo ako……

jesus hug me

jesus hug me

at tuwing maririnig ko ang kanta ni Mariah Carey…..OPEN AMRS……..

Chorus:
So now I come to you, woth open arms
Nothing to hide, believe what I say
So here I am, with open arms
Hoping you’ll see what your love means to me…
Open arms

Living without you, living alone
This empty house seems so cold
Wanting to hold you, wanting you near
How much I wanted you home

But now that you’ve come back
Turned night into day
I need you to stay

*******************************************at ang kantang …..

STICK WITH YOU by : PUSSY CAT DOLLS…

[Chorus:]
Nobody gonna love me better
I must stick with you forever.
Nobody gonna take me higher
I must stick with you.
You know how to appreciate me
I must stick with you, my jesus…(binago ko lang)
Nobody ever made me feel this way
I must stick with you.

……….Yan si bro…. iba talaga…. maraming gimmik para mapansin talaga siya….. at para bumalik lang talaga ako sa kanya….. dadaanin tayo sa maraming sitwasyon para lang makagawa ng tamang desisyon…

Na kahit ilang beses na akong naging PASAWAY….pilit parin niya akong niyayakap at ramdam ko yun sa bawat grasyang nararanasan….. pagsubok man na naranasan….lahat ng iyon…..mga luha ko pinunasan…… Yan si bro…. kakain love talaga…..

Advertisements

91 Tugon to “PASAWAY!!!”

  1. nakakatuwa naman itong post mo… salamat sa pagbabahagi sa amin ng iyong buhay at tawag…

    masaya ako, para sa iyo Lhen!

    • salamat sandi….. 🙂 natutuwa naman ako at napapalagi na uli ang pagbisita mo sa amin…. 🙂

      BASE!!! NA BASE!!!! Ka 🙂

      sabagay ikaw naman talaga ang kauna unahang nakilala ko rito sa blogosperyo at ikaw rin ang nagturo at umalalay gumawa ng bahay ko dito…. 🙂
      na miss kita kapatid…. 🙂

      talagang BASE!!!

      Mga buhay patotoo ko ang mga nagagawa ko rito sa blogosperyo para kung sakaling tuluyan kong iwan muna ang blogosperyo eh makilala na nyo ang pagkatao ko….. 🙂

      pasaway ako noh?….. 🙂

  2. wow nakabase si sandi….maraming salamat sa iyong ibinahagi ate lhen (daw oh). isa kang tunay na inspirasyon….punta ka sa bahay ko may iniwan ako para sa iyo….

    • ate len ka diyan……….ikaw blu ha 🙂 hmmmmm ano kaya magandang tawag ko sayo?… ah alam ko na kase si fr.fiel padz ang tawag ko… 🙂

      alam ko na tawag ko sayo…. ayoko ng blu at kuya blu…. mas maganda kung itatawag ko sayo eh

      PARIkoy!!! 🙂

      sige punta ako………. 🙂 ngayon na whieeeeeeeeee!!!! 🙂 ano kaya yun? 🙂
      masupresa si PARIkoy 🙂

  3. group hug kay sandi, kuya blu at sa u lhen!

    group hug!

    • batuhin na talaga kita ng unan nyahahahaha 🙂

      hilig mag grup hug…. 🙂

      o sya sige na nga grup hug na……… 🙂

      waaaahhhhh naiipit ako mga barako ka grup hug koh…. 🙂

      dibale AMAZONA naman tong ka grup hug nyo 🙂

      kya kayang kaya ko maka grup hug ang mga barako 🙂

  4. black eyed peas yon…palitan mo dali!!!

  5. this post is very inspiring lhen. ngayon ko lang nakita ang photo ng jesus hug me…

  6. kagigising lang…akala ko fr. jericho rosales….

    (kusot mata)

    ah, jorge rosales pala…

  7. okie!!! 🙂 uu nga nagmukhang chatroom tong ginawa natin kaaga aga ang mga adik!!! 🙂 bless me father this morning 🙂

    salamat sa pagkorek ng spelling the best talaga ang MAGNA CUM LAUDE oh 🙂

    buti nalang nandiyan ka ang dami kong inedit kanina dito sa post ko eh… nagmamadali kase pero ok na rin ang PEACE kase malapit na kaming PEACE (sana…) kilala mo na yun…. 🙂

  8. hi lhen, bago sa bahay mo… 😉

  9. hi yhen salamat sa pagbisita dito sa bahay ko 🙂

    hindi ka pa man bumibisita hinanay na kita sa gilid ng bahay ko bilang kapitbahay… 🙂 asahan mong muli kong pagbisita sa bahay mo uli…. 🙂

  10. ACA pag aari ng AMA diba? hehe ^^

    anyway, pero wala padin ba ang ultimate sagot mo kay BRO?!?? ung pinakamimithi nyang OO!~ YUNG mag ma madre kana!!? mukhang bagay na bagay mona talaga dun po!

    ano pa hinihintay mo!?! hehe suportahan ka namin ng dasal!

    • Pag aari ni AMABLE C AGUILUS jr. ang ACA …tatay nya si AMA…

      ABE ., INK for LESS kay AMABLE C. AGUILUS… Lahat yan…

      ang ACA lang ang hindi nag success…. matindi ang kompetisyon ng VIDEO CITY at mga piracy sa QUIAPO at sa ever gotesco….

      Hirap kaya ng ginawa kong competetive study diyan…. nandiyan ang magpanggap na mag member ako malaman lang namin ang mga promo….

      kung anu-ano na ang ginawang marketing strategy ng management wala parin…

      tungkol kay bro……… hmmmmmmmmmm ang sagot ko malapit na bon prabably by summer sagutin ko na siya….. 🙂

      mawala man ako dito sa blogosperyo ….. magpaparamdam pa rin ako minsan…. kung paano ??? hmmmm SECREEEEEEEET 🙂 HEHEHEHE

      • yup! i WORKED in AMA Education System ^^

      • wow nag work ka run?asteeg… sa DELTA yung head office ng AMA AT ACA ha.. 🙂 tito ko rin na nsa SAUDI RIN ngayon nag work sa AMA KAso nag palit ng name yung school humiwalay kaya naging NOVA COMPUTER SCHOOL na nasa muñoz na… director dun ang uncle noel ko…pero ngyon IT ADMINISTRATOR na sya sa saudi…

  11. haha, tok hndi bagay seo pasaway! baka sakin pwede! hehehe 🙂

    • naku lalong hindi bagay sayo noh?.. 🙂

      • hahaha, tok naku! u have no idea kung gaanu ako ka pasaway! hahahaha, im so pasaway na mabait naman syempre! hahaha

        be safe! 🙂

      • Bakit mo naman nasabi?… bakit STOKWA ka noh?… kaya ka nasa abroad 🙂

        mag tatanan na kayo ni bon noh?…. A-A-A- wag mong gagawin yan…bad yan…….. 🙂

        nag liliv in na kau noh?… A-A-A-A-A lalong pasaway ang ganyan… 🙂

        KASAL MO NA ha?… 🙂 diyan lang si padz na ready bendisyunan kayo … 🙂

  12. pasaway din ako..

    pero di ko alam kung saan ako ngayon pupulutin.. =)

  13. haaay….naalala ko tuloy ng choir days namen…kaka miss…^,^

  14. From Black to White. A nice life story very inspiring to share. Gusto ko rin sana i published ung saking from addict to adsense. Mabilis magbago ang panahon baka bukas iba na naman.

  15. “,hay naku ate lhen!! alam mo para kang yung alibughang anak!!
    ang tagal namuhay sa kasalanan pero nagbalik loob din sa naglikha sa kanya!!

    “,at infairness huh!! nakakarelate ako!!
    parang ganyan ako dati!!
    nung 2nd yr. ako hehehe!!
    lahat na ata ng kalokohan naranasan ko dati!! kaya ngayon!!
    sawa na ako!!

    “,pero mas matindi ka akin!!

    • korek ka jan THE PRODIGAL SON.., THE LOST SHEEP!!! 🙂

      lahat ata pwede i pamagat sa akin sa sobrang pasaway…. 🙂
      hindi ba halata nung lumipad ang sinelas hahahahaaha 🙂

      hay naku!!! yung sinasabi ko si bro yun…. 🙂

      hindi dito bumaha…. 🙂
      hindi naman bahain dito sa amin….

      hindi ka na nga ba pasaway?… sige tanong ko si sister juliana ha…. 🙂
      bakit wala ka nung nag exam kayo… may exam uli kayo kay sister juliana eh..

      ang 3rd year may assignment sa akin gagawa ng maikling dula … itetema nila sa pang 4 na utos ng diyos….

      i popost ko mga script nila dito ang huhusga mga ka blogs ko para walang
      masabi bawat grupo na may favorite ako…. sama ka sa mag rate ha… 🙂

      +5 sila sa exam nila sa 4th sunday…. yung grupong may maraming stars…. 🙂

  16. isa ka ng bukas na aklat ate… salamat sa pagbabahagi ng iyong buhay sa amin… ingatz

  17. congrats sa isa dyan na ang daming pinadala sa aking pictures. at may lq pa kami kunwari ni alessandra ah! lol. 60 points ka!

    • tsamba lang yun.. 🙂
      malay ko bang online ka nagtry lang akong mag open sa naka bookmark dito pc … 🙂

      tinatamad kase ako mag log in sa darshboard eh 🙂

      60lng eh katamad humabol… 🙂

      nagustuhan mo yung crush mo sa pix?.. 🙂 granted!!
      pati prison break ginawa ko narin … 🙂

      mya gawin ko naman kina pink at bon uli..
      next time naman si jason at alvin… 🙂

      • wahahahahaha at talagang kinakarer mo ang layouting ah!

      • heehehe 🙂 namiss ko kase mag ganito eh 🙂

        parang kelan lang lagi kong ginagawan si…….

        now mga kada naman sa blogs 🙂

      • wow! may ginagawa ka ng diversion…maganda yan…good coping mechanism yan…hehe.

      • yah right!!! sobrang na divert sa inyo (mga ka blogs)….

        pero minsan hindi maalis na miss si mokong….
        kaya binalik ko na lahat ng pix nya sa fs ko sinama ko na
        sa album ko na HOBBY KOH!!! 🙂 Parang mga hubby koh 🙂

        mga taong ok kausap at nakaka inspire na mga frends ang mga nilelay out koh… sila sandi., blu., wala akong ma hanap na magagandang shots nila kya ndi ko ma lay out ng pix eh….
        si jason susunod kong gawan.., si alvin … si mark sana kaso wala akong makitang mga shots na pwdeng i montage….

        pero natuwa talaga sya sa kuha nyo ni papa bene 🙂

  18. tska na miss ko mga graphic artist na kada ko sa REDFOX ….

    mga movie pa nga trip ng mga yun eh i montage ang mga pix namin sa
    studio pag wala ang bossing….

    kaso wala akong kopya kainis :-/

  19. pers taym ko po dito kaya pa-BASE. weh.

    • sige lang BASE LANG NG BASE 🙂

      basta mas maganda mag base sa kapitbahay nating pari na hiphop 🙂
      kay fr.fiel 🙂 may premyo pa sa akin wala 🙂

      pero ok na rin.. 🙂

      salamat sa pagbisita 🙂

      • grabe ang iyong holy diversion!!! hehehe. sige, ung iba naman, si jason, si alvin, si ax….o kaya si kuya mark….wahahaha.

      • natutua naman ako talaga…

        😀

        di nyo ko nakakalimutan father

      • siyempre naman lalo na si padz soooooooooobraaang love na love ka nun noh?……………… 🙂

        tignan mo i ha hug ka nung ng mahigpit pag nakita yang post mo 🙂

        jason wag kang bibitaw sa inuumpisahan mo ha 🙂
        dito lang kami lagi ni padz … 🙂
        if ever naman mawala na ako sa blogosperyo…, promise mararamdaman mo presence ko dito, kung paano?…well…,SECRET! 🙂

        sige my dear pagpatuloy mo yan….. kaya mu yan
        mwaaaaaaahhhh! 🙂

      • aba, di ko makakalimutan yan si brother hamster…

        (pa-group hug nga!)

        isa yang mabait na bata eh.

  20. ni reresearch ko pa ang pwedeng i-photomontage sa kanila eh 🙂

    yung swak na swak sa pag katao nila at yung mga trip nila sa buhay 🙂

    sama ko si parikoy blu 🙂
    may lay out na ako kay sandi kaso sinend ko na nuon sa ym nya…

    wala bang babae na ma lay out?.. bukod kay pink?
    hanapan mo ako ng kilala mo sa blogroll mo na girl na maraming pix na i lay out…
    gusto kong malulong muna sa pag lay out para hindi maisip ang mga taong hindi na dapat isipin,,,,,,,, nakaka badtrip lang eh hmp!!! (TAMANG TERM EH) lumalabas ang kulay ko…. 🙂

  21. hi po! ate lhen!

    😀

    😀

    kamusta na!

    alam nyo ba
    n every night before going to sleep ay
    habot ko ng magbasa ng bible at magreflect
    at namnamin ang nilalaman nito?

    na embrace ko na si God!

    o-ha

    turo sakin yan ng kuya ko!

    • wow 🙂 natutuwa aman ako sayo jason 🙂

      tatambling ako sa tuwa whieeeeeeeeeeeee 🙂

      unti-unti na yan…. naku matutuwa si padz netoh….. 🙂

      at nagbubunga ang mga pangungulit nya 🙂

      wag mong bibitawan yan ha?… 🙂

      • heheheheh 😀

        alam mo ate lhen masaya kong ishare na

        nawala na ang pagiging malungkutin ko
        nung magsimula kong lumapit kay god. Oo pramis po.

        may time na mararamdaman kong magiging malungkot ako
        pero tatawagin ko lang si God, mapapawi na lahat.

        TEka ate lhen

        natuwa naman ako sa picture namin ni pacman

        ang galing!!!

        SALAMAT!

        😀
        😀

      • ah nagustuhan mo pala 🙂
        more lay outs to come my dear.. 🙂

        tama yan wag ng maging malungkutin buti nga may wp
        kase nakakawala ng worries., depression., at kung anu-anong
        anik-anik na problema sa life… 🙂

        ako lay-out pix ng mga kada ko ang pampaalis ng lungkot

        ganito gawin mo bawat basa mo ng bible., magreflect ka sa araw na iyon tapos gawa ka ng diary (maganda sana kung magkaroon ka ng bible diary tulad ng papremyo ni padz) tapos dun ka makipag usap kay bro….parang love letter … (hala parang activities etoh sa katekesis koh ah 🙂 )…

        kaya ko nga na i-share tong post ko as PASAWAY eh kase talagang nuon sobrang deadma ko si god kahit maraming dilema o disaster sa buhay ko… wala lang parang normal lang kase sa buhay ng tao eh…. yun pala isang way na paramdam sa atin ni bro….then later on marerealized mo na para kang hina hug sa naging karanasan mo…tulad nalang ng post mo ngayon……… natuwa ako sa binahagi ang totoo …..(naiyak si ate….) kase feel na feel ko ang post mo na walang halong pagpapanggap……..

        kaya keep it up my dear……………. 🙂
        patatawanin lang kita sa mga ilelay out ko sayo ha 🙂

      • tama yan brother hamster!

        nag-umpisa din ako sa spiritual journal. pag nalulungkot ako, pag may mga tanong at pasalamat ako kay Bro, doon ko nilalagay sa journal ko.

        ngayon, un ang lagi kong binabalik-balikan…then lagi ko narerealize, ang bait bait pala ni Bro sa akin…

        kaya nga ako nagpari eh, kasi na-touch ako sa pagmamahal ni Lord sa akin and in return, gusto ko rin ialay life ko for Him..

      • wahhh sobrang thankful ako nakilala ko kayong dalawa!

        gusto ko na kayong ma meet personally
        at pakakainin nyo ko syempre sa jollibee o kaya mcdo hahaha

        😀

      • yahoooooo!

        i like that. hayaan mo jason pag dumating na si padz fiel dito sa manila, magpapakita sa ating dalawa yon. alam ko, may regalo sa akin yon eh. sigurado may regalo din yon sa yo.

      • hehehe alam ko mahilig si padz sa jolibee kasi ung auntie niya ay manager ng jolibee, visayas mindanao ang coverage. bigtym! pero….

        (ibubulong ko na lang sa yo to ha…)

        shhhh…mahilig din si padz ng coke float at sundae ng mcdo…pumila pa nga yan sa mcdo sa hongkong. inabangan talaga ang pagbubukas ng mcdo para lang makabili ng sundae…

      • ..at saan mo naman nakuha ang mga info na yan ha???

        hehehe.

      • hala padz nakalimutan mo na ba na nakuwento mo kaya yun sa akin nuon…hehehe 🙂

        ikaw talga malilimutin 🙂 eh ikaw pa mahilig sa ice cream
        basta malamig na fud na parang ice cream da best sayo diba?

        parang kulang nga eh alm ko love mo rin ang mcflurry eh diba?… 🙂

        ang dami mo kyang kwento sa akin nuon nka unli ka kya…. 🙂

        hay naku bata pa malilimutin na mag memo plus ka nga ha 🙂

  22. Good.. Maybe ok lang maging pasaway paminsan pero dapat nasa tamang lugar.. God is g0od talaga.

    • yah right!! kung minsan ina allow tayo ng diyos maging pasaway
      pero hindi nya hinahayaang maging worse kaya …. pinaparanas
      sa atin ang iba’t ibang problem….

      nasa atin nalng kung magpapatuloy tayong maging PASAWAY!!!

  23. daan ka po sa blog ko 🙂

  24. o sure… 🙂 ano bang meron?..
    sige bisita ako my dear… 🙂

  25. isang masayang goooooooood morning!

    hapi sunday. God bless +

  26. “,namiss na kita!!
    ate lhen sa 2nd sunday dalhin mo po cam mo!!
    picture-picture po tayo!! hahaha!!

    “,mabait na po ako
    di na po ako pinapagalitan ni sis. julianna!!

    “,ganon po talaga pag pasaway,tinatawag ni lord!!

  27. nhickole castrodes Says:

    “,ate lhen!!………….

    GAwan nyu po ako ng blogsSZZZZZZZZZZZzz!!!

    cgeh na po!! plzzzzzzzzzzz!!!
    hehehe!!!!!!!

    gusto ko po gumawa ng blogZ!

  28. Thanks for linking me up! exchange links tayo.
    God bless you in all your endeavors. May you be led by the Lord into a deeper knowledge and love for Him.

  29. “He who wishes to secure the good of others, has already secured his own.”

    It’s a good thing na meron taong katulad mo. Keep it up! God bless you always…

  30. tnx riza … 🙂 salamat sa pagbisita ha ….. godbless you 🙂

  31. So true. Pasaway rin po ako and all, pero I know He will never leave me. Naiiyak nga po ako tuwing maaalala ko yung mga oras na super down ako at iniwan na ako ng lahat, pero andyan Siya, He gave me a billion chances to change everything. Ang sarap ng feeling na alam mong di ka susukuan ng isang tao. No, di nga pala tao si God. Di ka susukuan ng isang Diyos kahit sobrang imperfect ka.

    Hi Father Lhen! 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: