Dulaang Bagetz

Ang dulaang ito ay ginawa ng mga skolar ng FRANCO FOUNDATION…

Mga 3rd year level na hawak ko …. na tuwing linggo ginaganap ang katesismo sa Tandang Sora, Quezon City

Nagkaroon kami ng paksa tungkol sa 10 utos ng diyos at binigyang diin ko ang pang apat na utos…ang

“Igalang mo ang iyong ama at ina”

Minabuti kong bigyan sila ng aktibidades sa pamamagitan ng pag gawa ng maikling dula batay sa paksa …at nangakong madaragdagan ang kanilang puntos sa darating na pagsusulit(plus 10)…

Kaya naisip kong isama sila sa blogosperyo upang ilathala ang gawa ng mga bagetz na ito…ang magiging hurado ay hindi ako….kundi kayong mga mambabasa….

Bigyan ng grado ang mga kabataang ito mula 1-10 at bigyang komento ang gawa ng bawat grupo…(hindi kasama ang pag bigay ng grado sa larawan…ako lamang ang gumawa…laman ng dula lamang ang maaring bigyan ng grado)

hindi ko ginawang ako ang pipili sa dahilang iniiwasan kong may maisip ang iba sa kanila na may paborito ako…..

Nais kong punan nyo ang laman ng dulang kanilang ginawa….

UNANG GRUPO: “MUSTARDIAN”

SI RAPRAP AY ISANG NARRATOR AT ISANG MATANDANG LALAKI

SI RAPRAP AY ISANG NARRATOR AT ISANG MATANDANG LALAKI

GROUP 1 (Mustardian)

MUSTARDIAN GROUP

INTRODUCTION: Sa buhay ng tao hindi nawawala ang probleama…Ngunit sa kabila ng problema ay may nakalaan namang solusyon….

CHARACTER: Joseph- tatay

Elizabeth- nanay

Joseph _ Seph (bunsong anak) at amo o boss ni rielle

Mariel – rielle (panganayna anak)

RapRap- Narrator ., matanda na ama ng boss ni riell at tinulungan ni rielle, director…..

NARRATOR: Sa isang palayan, sa kubo naroon ang isang pamilyang sama sama at masayang namumuhay. Ang pamilyang ito ay bagamat mahirap ngunit hindi nawawalan ng pag asa maging maunlad….

SCENE1 : Sama sama silang naghahapunan sa kanilang mesa nang biglang nagsalita ang panganay na anak ..

RIELLE : Nay, tay gusto ko pong ipagpatuloy ang pag aaral ko ..

NANAY: Naku anak pasensiya kana ., hindi ka naming matutulungan ng tatay mo kase medyo wala pang naiipon ang nanay nyo at may sakit pa ang tatay niyo…

TATAY: Hayaan mo anak makakatapos ka din may awa din ang diyos

RIELLE: Gagawa po ako ng paraan, maghahanap po ako ng trabaho…Kapag nakatapos na ako matutupad nap o ang mga pangarap ko?…Balang araw hindi na po kayo mahihirapan sa trabaho at kayo na rin po an gaming pagsisilbihan….

SEPH: Tama po si ate nay, tay

NARRATOR: (Kinaumagahan maagang gumising si rielle para maghanap ng trabaho at laking tuwa niya na natanggap siya…)

RIELLE: Nay, tay natanggap po akong chamber maid door sa mayamang pamilya!!! Makakaipon na rin ako sa atin at sa aking pag aaral…

NANAY: Hay!!! Salamat sa Diyos

TATAY: Pagsikapan mo anak at magtatagumpay ka

RIELLE: Sana nga pot ay…

NARRATOR: Sa mainit na lansangan, habang naglalakad si rielle sa daan papaunta sa kanyang pinagtratrabahuhan ay may nakita siyang matanda at biglang nadapa….

RIELLE: Ayo slang po ba kayo/..

LOLO: Salamat ina, ayos lang ako…

SCENE2: Tinulungan ni rielle ang matanda at sinamahan hanggang sa pupuntahan ng matanda….

LOLO:Dito na lang ako inay, maraming salamat

RIELLE: Walang anuman po

LOLO: Masuwerte ang mga magulang mo sa iyo…

RIELLE: Mahal na mahal ko po sila. Sige po malalate na po ako

SCENE: Habang nalilinis si rielle ay dumating ang kanilang amo…sakay sakay ng kotse. Pinagbuksan ni rielle ng pinto…

NARRATOR: Lingid sa kaalaman ni rielle ay yaong matandang kanyang tinutulungan ay ang amo ng kanyang amo…

RIELLE: Magandang tanghali po

SIR/AMO: Magandang tanghali din

NARRATOR: Nakita ni rielle na kasama ng kanyang amo ang ama nito at iyon ay walang iba kundi ang matandang kanyang tinulungan…

RIELLE: Kayo po? Kayo po ba ang ama n gaming amo?…

LOLO: Oo ako nga iha salamat ulit sa pagtulong mo sa akin

NARRATOR: Pinatawag ng amo si rielle upang kausapin

RIELLE: Sir., pinatawag nyo daw po ako?..

SIR/AMO: Oo nakuwento sa akin ng daddy kona tinulungan mo daw siya nung makasalubong kayo sa daan

RIELLE: ganun nga po

SIR/AMO: Dahil sa iyong kabaitan, bibigyan kita ng gantimpala . Ano ba ang gusto mo?…

RIELLE: Naku sir!!! Hindi ko na po kailangan iyan…. Ang nais ko lang po ay makatapos at matulungan ang aking mga magulang

SIR/AMO: Kung ganun tapusin mo ang iyong pag aaral. Bibigyan kita ng scholarship…

RIELLE: Naku salamat po sir!!!

SIR/AMO: Basta pag igihan mo ah

RIELLE: Opo…

NARRATOR: Tuwang tuwa umuwi si rielle sa kanilang bahay…

SCENE4: After 6yrs. Natapos ni rielle ang kanyang pag aaral. Hanggang sa naging tanyag na siya at sya na rin  ang nagpapatakbo sa kanyang kompanya… Ngunit hindi panagtatapos ang dagok sa kanyang buhay… Ang kanyang ama ay naaksidente.. Komlikado ang lagay ng kanyang ama… sa hospital, pumunta si rielle sa simbahan upang magdasal… Sa kanayang panalangin sinabi nya na “Huwag nyo po sanang pababayaan ang aking itay…. Mahal na mahal ko po ang aking mga magulang. Sana po bigyan nyo po sila ng mahabang mahabang buhay…Amen”…

NARRATOR: Nang matapos nang magdasal si rielle ay pumunta na siya sa hospital. Laking pasasalamat niya sa diyos at umayos na ang kalagayan ng kanyang ama…

RIELLE: Salamat po sa diyos!!!

SEPH: Ate mabuti na lang at maayos na ang kalagayan ng ating ama!!!

NARRATOR: Dahil sa nangyaring yon ay nagsimba ang buong pamilya upang magpasalamat sa diyos. Namuhay na silang pamilya ng Masaya buo at matatag….

PANGALAWANG GRUPO: “FISHician”

GROUP2_FISHICIANGROUP_FISHICIAN

GROUP II (FISHician)

TITLE: PAGBABAGO … tungo sa tunay na pagmamahal

CHARACTER:            Maria –liezel

Anna- Marissa

Joaquin – Blaisdelle

Elizabeth – Sarah

Narrator – Sarah Jane

SETTING: Sa isang munting tahanan

Narrator: Sa panahon ngayon, kapuna – puna ang mga taong naghihirap, nagdurusa’t nagpapakasakit, para sa kanilang buhay… at mga minamahal. Ang mga aspetong ito ang siyang naglilinaw o nagpapaunawa sa atin kung ano ang dapat at hindi ang siyang tama at mali.

Sa isang lugar na naghihirap ay may isang tahanang munti na pinaninirahan ng isa ring munting pamilya. Ang haligi’t ilaw nito’y tunay na nagmamahala’t nagtutulungang gawing lahat lahat upang mapanatiling nakatindig ang kanilang tahanan, ngunit may mga pangyayari talaga na susubukan ang tibay ng kanilang tahanan.

ANNA: Hay grabe nakakapagod talaga ang pang araw araw nating Gawain diba mahal?..

JOAQUIN: Oo nga mahal. Pero lagi nating isipin na ginagawa natin ito para sa ating pinakamamahal na anak na si Maria. Gawin natin siyang inspirasyon sa bawat Gawain natin siya tingnan mo miibsan ang ating pagod sigurado iyan.

ANNA: Alam mo ba napasin ko rin na kapag pagod ako’t naaalala ko an gating anak ay nawawala ang aking pagod, kung di sana tayo nag madali magpakasal noh?…di sana’y nabigyan pa natin siyang mas magandang buhay….

JOAQUIN: Naiintindihan kita mahal ko … Hayaan mo kaya natin ito

MARIA: Inay….!!! Inay!!!

ANNA: Bakit anak?.!!

MARIA: Tapos na po ba kayong magtrabaho?..

ANNA: Oo anak.

MARIA: Kailangan ko pong bayaran yung project naming sa science at may practice po kami sa bahay ng kaklase ko. Kailangan kop o ng pera.

ANNA: Ngayon na ba anak?..?

MARIA: Opo now na..

ANNA: o sige anank ibibigay kolang sa iyo ang naipon kong pera na pambili sana ng regalo ko sa itay mo para sa kanyang kaarawan.

MARIA: Maraming Salamat po!!

NARRATOR: At umalis na nga si Maria na hindi lamang nainda sa sitwasyon ng kanyang mga magulang. Ngunit sa pangyayaring iyon ay nanatili pa ring nakangiti ang mag-asawa dahil alam nilang para naman ito sa kanilang anak….

….At pagdating sa eskwelahan…

ELIZABETH: O Maria andyan kana pala!! May pera ka na ba?..

MARIA: Syempre ako pa?…!!! matitiis ba ako ng mga magulang ko?..!!

ELIZABETH: Wag muna tayong pumasok ng 1st period para makapunta tayo

MARIA: O sige dating tambayan?..

ELIZABETH: Oo naman

NARRATOR: At hindi nga lubos naisip ni Maria kung ano ang ginawa niya. Tuluyang hindi siya nakapasok kasama ang kanyang kaibigan at sila’y ginabi..

ANNA: Ang tagal naman ni Maria nag-aalala na ako

JOAQUIN: Teka pupunta ako sa mga kamag-aral niya baka sakaling alam nila kung nasaan si Maria

ANNA: O sige tatawagan ko naman ang iba

NARRATOR: Hindi malaman ng mag-asawa ang gagawin…Wala silang alam kung nasaa si Maria… Hindi nila tanto ang tunay na mga pangyayari

ANNA: Ano ang gagawin natin?..

JOAQUIN: Huminahon ka hindi ako mamamahinga para lamang mahanap siya gagawin ko ang lahat….

ANNA: Hindi ko kayang mawala siya mahal na mahal ko siya

JOAQUIN: Gagawa ako ng paraan magtatanong-tanong ako.., ipapakalat ko ang kanyang mga larawan, iapapagbigay alam ko rin sa pulisya, mananawagan ako sa istasyon ng radio…

MARIA: Tama na po itay!!!

NARRATOR: At dumating na nga si Maria at naringgan ang lath ng usapan . Ang usapang it, ang diskusyon ng kanyang mga butihing magulang ay nagbigay linaw sa kanyang nagdidilim na pag-iisip. Napagtanto niya na wala siyang karapatang lokohin at saktan ang kanyang mga magulang

ANNA:@JOAQUIN: Anak!!!

ANNA: Saan ka galing alam mo bang lubos kaming nag alala

JOAQUIN: Akala ko kung napano kana

ANNA: Salamat sa diyos at ligtas ka

MARIA: Patawarin nyo po ako

JOAQUIN@ANNA: Kahit ano man ang kasalanan mo ay kalimutan mo na

ANNA: Dahil kung iisipin mo pa iyan baka mahirapan ka lang …

MARIA: Maraming salamat po…Nangangako po akong aalagaan ko po kayo

NARRATOR: At dahil sa pangyayaring iyon nagbago ang pananaw ni Maria. Tinupad niya ang binitawang pangako niya sa kanyang mga magulang

MARIA: Nay alis nap o ako!!

ANNA: Teka yung baon mo o…

MARIA : Wag nap o inay may natira pa po akong pera dito kasya pa poi to idadagdag nyo na lang po iyan sa ipon ninyo para sa preparasyon ninyo sa inyong kaarawan. Pwede nyo po iyang ibili  ng damit o ipanghanda ng pagkain

JOAQUIN: Sandali lang anak hindi ba’t may bayarin pa kayo sa inyong paaralan…

MARIA: Ayo slang poitay may pinagkakaabalahan naman po ako sa eskwelahan na kasabay nun ay kumkita pa ako…

ANNA: Ano naman iyon ?..

MARIA: Tumutulong po ako sa kantina kapag oras na ng recess

ANNA: Hindi ka ba nahihirapan?..

MARIA: Hay naku po inay!!! Kung kayo nga po ay subsob sa trabaho sa buong maghapo’y kaya niyo…Ako pa!!! at saka simpleng paraan ding itoy kahit papaano makatutulong ako sa inyo…

JOAQUIN@MARIA: Tama na napaiyak na ang inay mo!!!

MARIA: Si itay naman!! Lagi niyo lang po tandaan mahal na mahal ko po kayo

JOAQUIN@ANNA: Kami rin ay gayun din

NARRATOR: Sina Anna at Joaquin ay naging tunay na mapagmahal na magulang kay Maria> Ang kanilang pagsasakripisyo’t pagmamahal sa kanya ang nag bukas sa saradong pinto ni Maria at magbigay daan sa liwanag papunta sa madilim na pag iisip niya…

Laging tanda at isaisip at isapuso …..

Tanging mga magulang lang natin ang tunay na kaibigan natin bukod kay Hesus…

Ipakita sa dula-dulaang ito ang mga dahilan kung bakit mahalagang pahalagahan an gating mga magulan……..

……………….salamat sa matiyagang pagbabasa………………….   🙂

Advertisements

77 Tugon to “Dulaang Bagetz”

  1. hahaay..nakabase ako. hehe

    ang ganda naman ng duladulaan. mayroon kaseng magagandang bagay na matututunand dito.

    humayo ka at ipagpatuloy ang magandang layunin… 🙂

  2. “,mas guz2 ko po yung pangalawa!!yung tungkol kay Maria!!
    hehehe!! kase medyo nakakarelte ako gawain ko dati yun eh!!

    “,pero maganda din po yung pangalawa!!

    ]na upload ko n po myung ibang photo

  3. Wahaha, Ate Lhen, teacher ka po ba? Shax. Nahihiya ulit ako. T_________T Ang galing, medyo naaalala ko yung mga panahong talagang sineseryoso namin ang pagrorole play. 🙂

  4. MUSTARDIAN

    Yung story flow nila may kabagalan. Actually, sorry to say but I have to be harsh. Boring ang mid part ng story. Sabi ko, waah! Ayun lang ang nasabi ko.. Dahil dyan ang grade nila ay 10 (highest). Haha, syempre kabaligtaran yung comment! Magaling magaling! Panalo si Narrator.. parang nasa radyo lang. Sinasabi pa yung gagawin ng mga characters.

    FISHician

    Sabi ko, bakit may fish? Di pa pagmamahal sa magulang ang topic? Haha. Masyadong madaldal yung character ni Ana ha. For sure marami siyang kinabisado na lines. Gusto ba niya mag-artista? Kontakin niya ang.. Haha. Sige na nga, 10 points din. Panalo ang setting: sa isang munting tahanan. Parang ilalim lang ng tulay. Joke lang.

    • naku ax matutuwa ang dlawang grupo syo
      pa safe effect ka tlaga ha 🙂

      • Haha. Nope, hindi naman pasafe. Mabait lang talaga ako! Yay. Seriously, naniniwala kase ako na they deserved those grades. Ang play, maraming components. hindi lang script. At for sure naglaan ng oras, pawis at pera ang mga batang iyan para makapag produce ng play. Sa simpleng bagay na yun lang, they deserved a grade higher than 10. Yung simpleng panahon para pag-usapan yung mga gagawin nila sa play eh sobra sobra na yun para bigyan sila ng perfect 10.

        Hehe, I don’t expect them to produce a FAMAS group act play or a Palanca script. Yung nag-enjoy sila at naexpress nila ang sarili nila and of course yung nashare nila yung talent nila, saktong sakto na yun para sa grade nila.

        They deserved it! Paki-hi ako sa mga estudyante mo Ate Lhen!

  5. Mustardian
    Score: 3
    – Hindi realistic ang story, ibig kong sabihin masyadong fairy tale ang dating, puwede pang palawakin ang indibwalidad ng mga karakter at meron ding mga maling detalye tulad ng tinulungan na matanda ni Rielle. Ang sabi ay amo ito ng amo niya pero ama pala. Yung sa bandang huli nung tinatanong ng amo si Rielle, sinabi ni Rielle na hindi na kailangan pero sinabi pa rin niya yung kagustuhan niya, hindi consistent. Yung mga magulang sa story ay parang wala lang pakialam. Tingin ko wala na rin sa topic ang story, umiikot na lang kay Rielle. Aling part ba ang igalang ang ama at ina sa story?

    FISHician
    Score: 6
    – Puwede na, although meron lang akong mga napansin na parang di akma. Si Anna ay parang nangunsensiya pa bago bigyan ng pera si Maria, nung sinabi ni Maria na aalagaan niya ang mga magulang niya ay parang mas bagay sabihin na hindi niya na uulitin at sa ibang eksena na lang yung aalagaan niya ang mga magulang niya. Kahit sinabing tinupad yung pangako, wala naman sa kahit anong eksena na inalagaan niya ang parents niya, ang ginawa niya ay pinagaan ang responsibilidad ng parents niya sa kanya which is yung baon. Imposibleng walang galit o inis na nadama yung magulang after nung ginabi umuwi, parang exaggerated lang, buti ba kung ilang araw nawala.

    Sensya na Lhen at dahil di maganda ang comments ko. hehehehe. I’m just giving my honest opinion. Siguro mga ilang ganitong activities pa at makakagawa na sila ng mas magagandang story. Si Father di pa yata nagbigay ng grade?

    First time ko nga pala mag comment dito! Hehehe!

    • wow salamat sa pag daan mo dito arkrebley at salamat sa mga honest mong puna maganda yan para pag nabasa nila eto….

      so bale ang mustardian ay my 13 points na from ax -10 at syo 3= 13
      sa fishician naman 16 points na from ax 10 at sayo 6 = 16

      kay padz wla pa busy pa yun baka may misa siya for sure naman bibigyan nya ng puna bawat grupo ng mga bagets ko at lalagyan nya nga grado …un pa 🙂
      baka nalasing sa betdeyan kagabi 🙂 … (pero alam ko gatas ang ininom nun nilagay lang nya sa beer in can hehehe JOKE)… Ndi kse umiinom ng alak yun eh…. mompo lang hehehe 🙂

    • Akrebley, maaaring may mga rason kung bakit mejo kulang ang dating ng kanilang script… pwedeng dahil kaunti lang ang kanilang panahon para makapagprepara at pwede din namang kaunti lang din ang panahong ibinigay sa kanila upang makapag-actual presentation. pero ang mga puna mo ay napuna ko rin.

      ang grade na ibibigay ko,

      Mustardian: 5

      Fishician: 8

  6. naalala ko tuloy nung elementary at high school ako, puro tatay ang papel ko kasi matangkad ako sila maliliit lang… hahahahha

  7. parehong 10…

    kahit sa kanilang murang isip..naipahag nila ang kahalagan ng magulang sa buhay ng mga kabataan…indi sa akin mahalaga ang pagkakahabi ng kwento…ang mahalaga ang kapayakan at raw approach in story-telling….very promising ang mga students mo ate….at the end yung lessons drawn from the story yun ang mahalaga…
    ….alam ko sa pagdaloy pa ng panahon …lalawak din ang kanilang kaalaman sa pagsusulat at paghabi ng mga kwento…

    ..haysss ganyan rin ako ng h.s…..

    salamat sa post na ito.

    • salamat kuya blu… 🙂 naku matutuwa ang dalwang grupo ah kse playing safe si kuya ayaw may masaktan na grupo….. ok lang kuya blu…..

    • Tama si Kuya Blu. Ang mahalaga nag-enjoy ang mga estudyante mo Ate Lhen at nakapag produce sila ng isang bagay na sila sila rin ay may natutunan at bonded sa mga kaklase/kaibigan nila.

      Yun naman talaga ang mahalaga! Hehe.

  8. Parehong 10 din Lhen…

    Mahirap kaya maghabi ng kwento sa ganitong edad… Effort eto… Hehehe…

    At mas effort ang magmemorize ng lines at umarte… This was never a strong field for me, kaya 10 sila pareho… hehehehe…

    I dread this part noong high school… Kaya usually, ang kinukuha kong mga part ay yung mga one-liner lang, or extra lang… hehehe… 🙂

    • naku pati tong si mark….tsk tsk tsk… malupit pla sa inyo si arkrebley….
      my mga ka okrayan na sinabi ehehehe 🙂

      ok lang naman na my critics eh kse naabisuhan ko na sila kung makabasa sila ng critics…

      Sayang ndi ko mabuksan si sandi……………

    • Haha. Ako major roles Kuya Mark ang napupunta sa akin.. Kaso pagdating nung high school isang pivotal moment ang ginampanan ko sa El Fili.. Lumabas ako sa unang scene.. Ako yung pulubi.

      Then narealize ko wala naman palang pulubi dun sa El Fili. Aw May Gawd. Grabe. Ako ay ginawang character na di nag-e exist sa book! Haha. Pero enjoy!

      • dibale ax kung ndi ka ginawa nag exist sa book … naPUnta ka naman sa Existentialism Group 🙂

        nabasa ko yan grabeh usapang pinoy henyo kayong tatlo nila mark at ang batang magna cum laude 🙂

      • haha, oo nga.. my existence could not be proven by the book. Because I, myself, have to prove it for those who have read the book.

        aw, opo.. ang gagaling po ni Father Fiel at ni Kuya Mark!

      • oo nga eh wala pa dun sila dfish at kuya blu pero pansin ko ndi nalang naki sawsaw si kuya blu…. HARDCORE!!!

  9. waw talagang binlog ang script!!! waw!!

    teka po basahin ko muna! 😀

  10. Ate lhen magiging critic muna ko ha.. (at medyo harsh) ayokong magbigay ng 10 pareho kasi baka naman mawalang gana sila hehehehehe

    Yung sa Mustardian 8 ang ibibigay ko..

    tulad ng isang mustard seed na napakaliit, ngunit kung tumubo at mgaing puno, sya ang pinakamalaki…

    tulad ng simpleng pagtulong sa matanda, naging pabuya sa kanya ang scholarship na napakalaking bagay sa kanya. maganda ang storya kaso medyo parang may ganito na dating pangyayari baka sa koreanobela o sa telenobela ng channel 2 o 7.

    sa FIshician naman, bibigyan ko ng 6. dahil sa OK naman,
    di ko lang magets ang title, at parang medyo O.A. (sorry po.. )
    Yung details medyo kulang sa kung san ba nanggaling si maria bat sya ginabi, at reaksyon ng magulang nung di pa umuuwi, Over acting daig pa si Angel Locsin.

    hi ate lhen!

  11. ito na pinakahihintay mong sagot sa iyong pangungulit sa akin sister lhen…okey, ako ay miyembro ng theatro ng aming school noong ako ay high school. nagdidirek din ako ng mga school plays…

    noong college kasama ako sa cast ng el filibusterismo where i played one of the major characters…

    habang binabasa ko ang play, ito ang masasabi ko:

    MUSTARDIAN

    Maganda ang pagkakadala ng narrator ng kwento. Ung chamber maid, sa tingin ko, ay intended to be funny (pero di ako natawa). kinuha yun kay eugene domingo. loophole sa script un dahil kung chamber maid siya, it follows na ung matanda na nadapa, mayaman din. bakit nadapa siya doon sa “mainit na lansangan”? di ba dapat nasa car siya? bakit wala umalalay sa kanya? di ba pag rich, may care-giver?

    may mali sa script – “amo ng kanyang amo” — ewan ko kung si sister lhen ang dapat sisihin o ito ay kinapi-paste lang niya. ang tama ay:

    “ama ng kanyang amo.”

    all in all, maganda naman ang pagkahabi ng story kaya nagustuhan ko pa rin. the pictures na pinakita ay big plus.

    ang bigay ko ay: 9

  12. GROUP II (FISHician):

    family stories are really appealing, lalo na sa pinoy audiences na maka-family. i have the impression na magaling na bata si anna kasi marami siyang lines sa kwento.

    typical ung story: loving parents, loving children.

    but this kind of typical story ay dapat nating paulit ulit na marinig because this is very important. ayon nga kay janina san miguel: “my pamily is the most important persons in mah life.”

    wrong grammar pero the message comes across…

    score:9

  13. thank you Fr./Sir Fiel…. 🙂 ndi na ako mangungullit may grade na eh… 🙂

  14. Gagamitin ko ba ang pagiging Com Arts ko dito?
    bAKA kung technical ang pag-uusapan mababa ang maibigay kong grado. toinks.

    pERO dahil love ko ang role playing at pag gawa ng script, sige..
    Teka, paano nga pala ako magbibigay ng score? sa mabuting aral ba na mapupulot sa story? o s script? hehehe Sabi ko nga iga-grade ko na lang hehehe…

    Group 1: 10
    Naipakita sa unang dula ang pagma mahal sa magulang sa umpisa pa lang at consistent naman ang story line, dahil sa pagtulong sa mga magulang at pati na sa matanda.

    Group 2: 9
    Gusto ko yung story na ito, prodigal daughter, kaya mababa kasi hindi masyado naipakita kung paano siya sumuway sa magulang niya, dapat medyo nag focus dun at kung paano niya makikita ang paghihirap ng magulang niya. Medyo kulang sa jist ang kwento.

    yun lang po… peace

  15. ate lhen wahahahaha

    ngayon ko lang nakita yung sa sidebar hahaha

    thanks! ang galing!!!

  16. yup kase baka maudlot ang pagbebelo ko ah hndi nga pala ako magbebelo kse pede naman pla dun na ndi mag belo …. 🙂 pag madre nah mainit pag naka belo… 🙂

    si alena sa encantadia na fave ko na character sa enkantadia kse binagay ko lang sa header ko tska sya yung madlas mag chant pag nag eemote …
    ganun kya ako dinadaan ko sa musika ang buhay ko at lay out sa mga pix at mag picture picture…..

    pero ayoko ky karyl ehehehe 🙂 ndi ko gusto ang artista na yan….. 🙂
    mas maganda jan si diana subiri as danaya the keeper of earth gem
    gusto ko nga makabili ng DVD na yan…

    hmmmm gagawa ako ng montage na yan sasama ko ang mga bloggers at i ffeature ko sa SIKAT ko …. 🙂

  17. Pareho maganda ang kinalabasan ng storya at may aral na kapupulutan. Pagkatapos kong basahin ang dalawang play sis lhen ito ang mga grades nila:

    (Group 1) MUSTARDIAN – 8

    Ang story lines ng group 1 parang dinamitan ng milagro, narrator ang nagdala ng storya hindi ang mga characters. Hindi ko naramdaman na may namumuong tensions. OO nga’t madasalin ang pamilya at naisipang magtrabaho sa murang edad ang bata para matulungan ang magulang at ang buong pamilya – wala akong naramdaman na challenge doon. Papaano kung hindi “Ama” ng “Amo” niya ang kaniyang natulungan? Hanggang kailan siya magwo-work as taga bukas ng pinto? Isa pa may nilabag na batas “Child Labor”. Pero humanga ako sa grupong ito nagtulong sila na bigyang buhay ang kuwento. Congrats!

    (Group 2) FISHician – 10

    Ang dahilan kung bakit binigyan ko sila ng grade ten ay ito: Ilan beses kong binalikan na basahin ang estorya. Sa pamamagitan ng kanilang dialogues buhay ang mga characters doon at nagbunga ito ng tensions, halimbawa: “Gagawa ako ng paraan magtatanong-tanong ako.., ipapakalat ko ang kanyang mga larawan, ipapagbigay alam ko rin sa pulisya, mananawagan ako sa istasyon ng radio…” Dito ako nasakmal. Dirodiritso ang pananalita which is normal sa isang taong nangangamba o natatakot.

    Binabati ko ang group 2 dahil maganda, may force, buhay ang mga dialogue. Sa isang kuwento short story man ito o maikling novela o play dapat may conflict at tension na mamumuo dahil d’yan magra grab ang atenshon ng mababasa o nanonood. At ang nagpabago sa ugali ni maria ay siya mismo ang nakakita noon, which is napaka importante sa buhay ngayon lalo na sa mga kabataan.

    (Puwede hiling isasama ko ang blog mo sis lhen sa blogroll ko! Thanks).

    • oh sure salamat sa pagdaan 🙂 at pagbigay ng grado sa aking mga stud

      • gandang hapon ho sis lhen. salamat din ho at binigyan mo ako ng pagkakataon na makisalamuha sa iyong mga studs at mga bisita dito sa “K” blog n’yo. ngayon ho nakasama na kayo sa aking blogroll.

  18. Magandang Umaga ate lhen!!

    😀

    magandang UMAGA!!! yahooooooooooooooooo

  19. ate lhen? hehe ngayon lang ako napadpad dito. di ako nakavisit back nung nagcomment ka, pasensya po. :]

    kelangan ko po bang commentan un both teams? hmm
    parehong solid tagalog language ang ginamit. parehong may moral lesson.
    di ko na po ggrade-an, pero mas okey sa’ken un sa mustardian. parang cinderella story xa, ang masipag na cinderella. hahaha. mas nagagandahan ako sa palitan ng lines ng mustardians. tapos sa simbahan ang ending. nice :]

    un sa fishicians, maganda rin po un story. kaso nawindang ako sa part na pinatawad agad si maria. magara. (kung ako po kasi un papagalitan ako ng sobra ni daddy.) kaya parang maxadong naging soft un story, walang harsh (harsh?) part.

    opinyon ko lang po lahat yan. hehe. panuod nio po samin un play via vid?? hehehe. good day po :]

    ps. anu po ba un significance ng FISH sa christianity?? napapanuod ko rin po kasi un sa tv5, un “inside the FISH bowl”.

    • “Jesus Christ, Son of God, Savior” form the word ICHTHUS,
      w/c means FISH 🙂 (at pansin mo ang header ko ay FISH at ang gravatar ko ay isang sangre aLHENa sa enkantadia ….. mahilig kase ako sa fish…. 🙂 and for more info click mo yan sa baba… 🙂 right now ndi ako makapag explain drain na drain ang utak ko kakaiyak eh….. cenxa na my dear ….. katekista nga ako pero mahina parin at emosyonal…hehehe (emo mode)

      SEE:

      http://www.seiyaku.com/customs/fish/fish.html

      M glad ur watching “inside the FISH bowl” every saturday morning 🙂
      marami kang matututunan dun…. 🙂

      pero alam mo mas may magandang tanungin about FISH isa pisces na priest ….si fr.fiel mas maraming maipapaliwanag sau bwt fish nandyan din si kuya blu at si dfish……… isa sa mga mangingisdang nakakalat dito sa blogosperyo….

      • waw. ganun pala un. naliwanagan naman po ako! hanggaleng hehe 🙂 c bro. bo po un fisherman sa inside the fish bowl dba po? e nanunuod din po kasi ako ng kerygma tv hehehe.

        kilala ko po c father fiel, kapitbahay ko po un :]

        salamat ate. wag ka na cry :]

      • salamat tsenn………….pasensiya na ha………….

        add mo rin ako sa facebuk nasa account ako ni father fiel click mo nalang ako dun…….

        or type mo leomari albito or leomariealbito@yahoo.com.ph

      • more info:

        This is a symbol consisting of two intersecting arcs, the ends of the right side extending beyond the meeting point so as to resemble the profile of a fish, ay ginamit ng mga early Christians as a secret symbol known colloquially as the “sign of the fish” or the “Jesus fish.”

        The ichthys o ang fish sign ay makikita sa first century catacombs in Rome.

        Ginamit ito ng mga ancient Christians, during their persecution by the Roman State in the first few centuries after Christ, par markahan ang mga meeting places and tombs, or to distinguish friends from foes:

        Example: when a Christian met a stranger in the road, the Christian sometimes drew one arc of the simple fish outline in the dirt. If the stranger drew the other arc, both believers knew they were in good company.

        Sa ngayon ginagamit pa rin ang fish sign to show that the bearer is a practicing Christian, gaya ni sister lhen.

  20. sino po nanalo? sana yung dalawang grupo ay may bonus, both of them!

  21. ang nanalo sa dulaang ginawa ng 3rd yea high school ng franco foundation ay ang FISHician group !!!!

    Mustardian group got 82 points
    FISHician group got 88 points….

    ang may plus 10 sa exam nila ay group ng FISHician….
    congratulations mga bagetzz!!!!………………

    kya mga mustardian galingan nalang sa exam……ndi ko itutuloy ang exam ko ngayon kse ndi ako nakapagprepare gawa ng may inasikaso ako at ndi ako makapag isip ng i tetest nyo i mean hindi pa tapos……review nalang tayo mmya….

  22. maganda diba ng kwento sapagkat maunawa:(

  23. jennilyn sison Says:

    mgaling magaling nkakarelate ako ska gagawa rin poh kmi ng ganyan

  24. ang ganda ng kuwento……..

  25. ano ang title ng unang dula

  26. wala ho ba kayong iba pang dula-dulaan tungkol sa mahirap nagsikap at yumaman?

  27. crizell pinara Says:

    salamat po….

  28. ano po ung title ng dula dulaan ng unang group?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: