Paramdam….

Naalala ko nung huling nabanggit ng aking bibig ang pangalang GEO… nung buwan ng septeyembre pagtapos ng aking kaarawan sa dahilang napaginipan ko siya samantalang hindi man lamang sumagi sa isip ko nung gabing iyon para mapaginipan siya….Nakakapagtaka lang na bakit ganuon ang aking panaginip …. na halos damang dama ko ang pagkakayakap nya sa likod ko…(kaya minabuti kong i lay out ang itsura ng pagkakayakap nya sa akin…) ….

gabi panaginip ko sa kanya...buwan ng Setyembre iyon (inilathala ko sa aking diary..) Pangalawang banggit ko sa kanyang pangalan ay nung magkita kami ng matagal naming barkada ni Geo… na si Deneb… Araw ng pagkikita namin ni B1 nuong magkita kami ni Deneb…(nakakatuwang isipin na nakita ko ang mga matagal ko ng hindi nakikitang kaibigan..) Matapos naming magkita ni B1 ay (hindi tunay na pangalan dahil ayaw nya raw nababanggit sa blogs…. ) sa aking pag lalakad nakita ko ang matagal ko na ring hindi nakikitang kaibigan na pinakilala ko kay Geo…. Si Deneb…. Si Deneb na nag tatrabaho sa CENTER for POP MUSIC sa ground floor ng SM FAIRVIEW…Vocal coach siya sa nasabing kumpanya…Naging parang kapatid ni Deneb si Geo nuon dahil madalas itong matulog sa kanila pag may problema…

center for pop

Laking gulat ko na duon na pala siya nag wowork kya naman hindi ako nag atubiling kalabitin ito bago ako umuwi ng bahay…

LHEN: (tinapik) Hoy!! musta na?..

NEB: Hoy!! Leo!! saan ka galing?..

LHEN: Duon lang may kausap kanina na kaibigan …huy may banda duon oh… now lang nagkaroon ng banda dito sa food court ah… (at tinuro ang banda)

NEB: Saan?.. tara …(at tinungo ang banda)…musta ka na?… si Geo?…

LHEN: Geo ka diyan ano ka ba ang tagal na naming walang komunikasyon noh…. may pamilya na yun

NEB: Talaga?… (at nagbiro ng ganito si neb) Si Geo oh sa likod mo!!! hehehe

LHEN: Weh!!!… as if….. heehehe hoy kahit naman magkita kami nuon eh kakausapin ko na siya noh…. wala na yun…. ang tagal na panahon na eh….

NEB: May baby na ako uli Leo eto oh..(at pinakita ang bagong baby nila charina )

LHEN: Kasal na kayo?…

NEB: Ndi pa…. civil lang…. wala kang balita kay Geo?…

LHEN: Ay may friendster sya neb…na search ko minsan yuon … try mo i type name nya at last name… dun ko nga nakita na may twins na siya eh… tapos grabeh ang haba na ng buhok nya ah… ndi na ba kayo madalas mag jam ?…

NEB: Tagal na Leo ndi kami nagkikita nuon kase naging busy na ako sa work ko tska ndi na rin ako nag babanda eh…

LHEN: Siya grabeh makikita mo ang bagong musik nya…. kso matagal ko ng nabuksan yuon ewan ko ngayon kung anong bago sa buhay nya…. open mo nalang

NEB: May cp no. kaba?… ay give ko nalang sayo cp no. ko tapos send mo sa akin number mo ha…. break time ko lang kya sandali lang ako dito …

LHEN: sige send ko nalang (habang tinatype ang number nya) …

……….Pag uwi ko ng bahay…nabanggit ng nanay ko ang bisita ko kanina habang ako ay nasa simbahan…. dumating pala ang dati kong coordinator sa EL SHADDAI community na ninong ni GEO… napadaan lang daw…ang aming coordinator at wala namang binanggit na balita patungkol sa kanyang inaanak….(buwan ng octubre na yun…October 3..)

………Halos may 2 linggo na ring ndi nag reply si neb sa txt ko na ipinaalam ko ang aking number sa kanilang mag asawa… dumating araw ng biyernes…October 23 , umaga ng mag txt si neb…

1 MESSAGE RECEIVED:

NEB:Leo si neb 2.., kelang mo hulling binuksan ang fs ni Geo… kase ndi kami makapaniwala ni charina sa nakita namin eh reply ka plsss…

REPLY:

LHEN:Wala akong lod sa smart kya dito ka nalang mag reply sa sunretail ko…. Ano ba yun?… (talaga tong si neb long hair lang naman ang makikita nya kay geo pabubuksan pa sa akin..habang ino open ang pc namin at tinaype ang pangalan ni Geo at lastname nya sa fs… sa isip kong sinasabi) Neb!!! bakit ndi mabuksan ang fs nya?…(tinext uli ang kaibigan) Neb, ayaw talaga…

NEB: Ha?!!! eh nabuksan pa namin yun ng madaling araw ni charina eh…1am teka subukan ko (at sinubukan nga dw nya) Hala Leo bakit ayaw nga paano to ….

LHEN: Ano ba kase ang nakita mo?bakit ayaw mong sabihin eh ….

NEB: Tawag ka sa lindline eto ang number dito …

………….At nagkausap nga kami ni Neb at napagdesisyunan na puntahan namin mismo sa bahay nila Geo para ma confirm ang nakita sa mga comment ni Geo sa fs…. hindi ko mapigilan ang humagulgol kya habang papunta kina neb at para puntahan namin kasama ng asawa nya na si charina ang bahay ni Geo… halos ndi ko maintindihan ang naramdaman ko …biro ba ito o totoo….

……..At nakarating nga kami sa auntie ni Geo at naconfirm na nga ang nakita namin sa fs ni Geo na totoo pala ang mga komento na nanduon…. Sept.6 namatay napala ang minahal ko ng 4 na taon… at nilibing ng Sept.10 …Halos gusto kong humagulgol sa narinig ko kase nuong araw ding iyon ay kaarawan ko Sept.8 pala ay naka burol siya… i pinost ko pa naman siya sa aking blogs that time… saglit kong kinopya ang primary nya para ma iblogs ko siya…yun pala nagdiriwang ako ng kaarawan samantalang nakaburol na siya….. kaya dali dali kong kinuha ang diary ko nuong araw ding pagkagaling ko sa kanila…. At nakita ko isang linggoΒ  after ng aking kaarawan ko(sept.8), sept.15 ay nagkasakit ako nuon na inabotΒ  ng 40 ang taas ng temperatura ng aking katawan na hindi maintindihan ng aking nanay na kagagaling lang sa operasyon ng asikasuhin nya ako sa tindi ng lagnat ko….. Hindi maintindihan ng aking ina bakit ganun nalang ang taas bigla at ndi maintindihan ang lamig ng pawis na parang yelo….

Kinayanan kong tumayo at nanalangin sa langit na pagalingin nya ako sa hindi ko maintindihang lagnat na iyon…kaya pinilit kong bumangon at mag computer …nakapag upload pa ako ng you tube na kanta ng heswita “hesus ng aking buhay”ng hapong ding iyon… kaya kinagabihan ndi na mapigilan ng aking ina na ako ay asikasuhin sa kabila ng bagong opera lamang siya….

…….’Nak.., ano ba nangyayari sayo bakit ganito ang pawis mo sobrang dami ayaw huminto at ang lamig lamig ng pawis mo samantalang 40 ang init ng temperatura mo….ang dami ng tuwalya akong palit ayaw huminto ang pawis mo…(tarantang sinasabi ng nanay ko…samantala ako ay hindi na nakakakibo at nakakakilos sa ndi ko maintindihang pakiramdam…)

Pero sa awa ng diyos…. biglang humapo ang napaka taas na lagnat ko….naka awaan ako… naisip ko na nung mga oras na iyon ay namayapa na pala ang aking minahal na apat na taon…. wala man lamang nagbalita….at sa internet pa namin nalaman na patay na siya…………………. kung hindi ko pa naibigay ang number ko sa kaibigan namin ni Geo……….

Kaya katatapos lang ng babang luksa nya ng bumisita kami sa kanila…………………

Ang daming paramdam na ginawa mo sa akin…ni hindi ko man lang inakala na yuon na ibig sabihin…PANAGINIP; mga Paru-Paru na aaligid aligid sa kwarto ko nuong buwan ng setyembre…

ang mga linyang ito :

” iwan muna ako ng koment dito bago ako lumisan”-linya ko nung mag bday ako at naisulat sa comments sa blogs

” oo kahapon nagpunta ako sa lugar na tahimik” – linya ko rin ng tugunin si pink sa blogs ko

“alam kong namis mo eto eh …kya dito tayo pumwesto…pra makapanood ng banda”- B1

” Si Geo oh sa likod mo Leo(sabay turo sa likuran ko..) “-linya ni neb nang biglaang magkita kami

Kaya nais kong maiwang ng liham sayo mahal ko…. dahil alam kong tuwing magkakatampuhan tayo nuon…laging sulat ang iniiwan ko….

Dear Geo,

Patawad kung ndi ko nagawang kausapin ka nuong maghiwalay tayo at dinaan ko nalang sa text dahil ayokong mahirapan pa ng husto…. patawad kung hindi kita napagbigyan nuon na mag spend ng xmas dito sa bahay…. dahil alam kong may dapat ka ng haraping responsibilidad sa isang babae na umaangkin sayo….. Nagbigay lang ako Geo ayoko ng gulo ayoko ng may masasaktan kya kahit ako na ang nasaktan ok lang….. Buong akala ko na mamahalin ka ng babaeng iyon…Pero ano tong nalaman ko…. bakit pati ang kambal mo ipinagkakait sayo…. Bakit ndi mo siya pinakasalan…..?…. Ano tong nabalitaan ko na kumuha ka pa ng property na malapit sa parokya namin na kung saan dun tayo nagkakilala?…. Ano ba ang plano mo Geo…..Bakit?…. Bakit mo pinabayaan ang sarili mo?….. diba sabi ko sayo alagaan mo ang sarili mo at pamilya mo…..

Mahal ko, alam kong hindi ko pwedeng kwestyunin ang plano ng diyos pero sa nangyari sayo…. alam kong mahal ka ng diyos ….nilalayo ka lang nya sa magulo mong mundong ginagalawan…..

You will always be in my heart and in my prayers……. May you rest in peace…..

Love,

Lhen

may you rest in peace GEO

May you rest in Peace....

P.S.

Sa aking nalalapit na pagpasok sa bagong mundong gagalawan sa isang taon…mahal ko, ito ang tandaan mo …. “at sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko…..ay PAG-IBIG” sung by: color it red…..

…………………..PAG-IBIG @ PANALANGIN………………



Advertisements

54 Tugon to “Paramdam….”

  1. kakatinding ng balahibo….ate lhen…siguro nga dapat i-pray na lang natin na he may rest in peace…at ikaw naman ay makapagmove-on…matagal na rin kayong hiwalay…pero alam ko ang memories ng kahapon nariyan pa rin…

    …handa ka na ba…sa bago mong landasin?

  2. may he rest in peace…with prayers!

  3. “,nabalitaan ko nga po nung linggo yan, may nagsabi po sa aking 3rd year. kala ko po kaya lang namamaga mata mo kase puyat kakainternet yun pala may special someone na nawala sa buhay mo… kaya nga po sabi ko mukhang kakaiba ka nung sunday, kasi po di ka nagturo

    “,ate lhen “SAYANG”… yan lang po ang masasabi ko!! pero dadamayan po kita pagpray natin!!
    pero sabi nga po everything happen according to His purpose”,
    ginusto po ni Lord yun eh!,
    para daw di na sya mahirapan pa!!.
    pero masaya n po sya sa piling ni Lord…

    ate lhen “KAYA MO YAN”!!

    • salamat nickole …, actually kaya ndi ako nagturo ksama si sister.flora miniting kami ni mam lolit regarding sa play na ipapraktis sa next next sunday…. prepare ka ha kse may role ka sa ginawa kong script….

      nagulat nalang kami kse after ng miting sa loob ng office nawala na ang mga stud ko sa 3rd year nag uwian pati mga 2nd year ni sister flora…,

      naku buti nga ndi ako nakapagturo at miniting nalang kami …. kase sa totoo lang wala ako hulog mag salita nuon …pinilit ko lang pumasok ayokong umabsent dahil lang sa kanya…..kelangan kong gawin mag turo …. kaso talgang sinadyang ndi matuloy ang turo gawa ng miting nakisama ang sitwasyon….buti nga ndi napansin nila mam lolit….

      salamat nickole pagpray natin siya ha…..oo sayang nga ….sayang kase dapat magkakaroon na kmi ng pagkakataong makita any moment kse nakabili napala siya ng property malapit sa parokyang inaapostolate ko sa st.francis xavier where in dun din kami nagkakilala bilang maestro ko sya sa choir…..
      (sigh) ndi talga kami pinag adyang magkita baka maging hindrance siya sa plano ko….. balak ko pa namang humingi na ng tawad at mag paalam sa kanya ang kaso siya ang naunang nag paalam sa akin………………..

      • “,!!king sila di nila nahalata!! ako halatang-halata ko sayo
        kase!! iba ang tingin ko sayo nun!! nahalata kong may problema kase iba yung pagamaga ng mata mo eh!!

        “,ano po role ko dyan??
        kontrabida ba!!??
        hahaha

        kaya mo yan!!

  4. Aw, Ate Lhen. Sana po maka-move on ka na po at sana, nasa magandang lugar po si Kuya Geo. Hay. Nalungkot po tuloy ako lalo.:( Nakakakilabot po yung nasa itaas. Super. Basta, Ate Lhen, suportahan taka na lang po sa lahat ng inyong gagawin, kasi I know you’re guided by Him. Fighting! πŸ™‚

  5. actually matagal na akong naka move on sa kanya aina…kso mukhang xa narin ang nagpa alala na wala na siya rito sa mundo…xempre may pinagsamahan din kami nuon ng 4 na taon…at ndi nga lang ako nakapag paalam ng maayos nuon….ginawa ko yun para gawin nya ang responsibilidad nya…akala ko naman kse ok na siya ang kaso nakita ko sa fs nya mukhang naging worse na life nya sa bagong musikang tinutugtog nya at ndi ko akalain na ndi na sila nag sasama ng girl…at ndi nya nkakasama ang twins nya….nalulungkot lang ako para sa kanya eh…… nag tiis akong single til now kse aminado akong ndi ganun kadali ang pinag daanan ko sa kanya….maraming iyak….katangahan at ayoko ng isipin pa….pero wala na akong sama ng loob sa kanya….. love ko parin si kuya geo nyo….. kya lang ginawa ko lang ang tama ….. ayokong may masasaktan o massgasaan lalo na mga bata………..katekista ako kya sinusunod ko lang ang diyos at magulang ko…..nakakalungkot lang talagang isipin na ndi nya nagawang paksalan ang girl….. kawawa naman ang mga bata…khit pa dala nito ang apelyedo nya…..(sigh) siguro ginawa nya naring magparamdam kase alam nya na til now nsa gawain pa rin ako ng diyos…..samantalang siya tinalikuran nya ang ubasan….kung saan ang mga talento nya ay nagagamit duon…………….

    • Tama lang ang ginawa nyo, Ate Lhen. I’m sure God will reward you with something greater in the right time. πŸ™‚ If I were in your place, ganun rin naman po ang gagawin ko. πŸ™‚

      Wag mo po ikulong ang sarili nyo kung may napupusuan kayo. Hehe. πŸ™‚ Para po maging masaya rin siya wherever he is right now, kasi masaya rin po kayo.

      Woot. Nag-advise ang zero percent love life. Urk.

      • actually aina m happy narin naman wid bro….

        siguro nalungkot lang ako sa nangyari sa minahal ko nuon…..

        ndi ko lang matanggap na biglaan….. kya ganito ako ka emosyonal…

  6. i’m deeply touch by the love you’ve shown to HIM…but my dear bumangon ka mula sa iyong pagkadapa, ibaon mo sa limot ang sakit, if you really love him, it sud be unconditional…tanggapin natin, why we should cry? is that necessary in remembering someone whom we love? i don’t think so…let us pray for HIm….may His soul transcend to thee…amen

  7. nabigla lang siguro ako bon…, kaya ganun nalang ang emosyon ko…sorry nga pala ha kung ndi ko nagawang magkatesismo nung sabado pero pinilit kong mag simba after ng katekesis ayoko kseng mapansin ng mga bata bakit maga ang mata ko…alangang mag shade ako habang nagtuturo….

    nakabangon nako sa pagkadapa…kaso natisod lang ng konte ng malaman ko ang ang nangyari sa kanya…. actually wla ngang nagsabi sken pero isang ndi sinasadyang pangyayaring magkita kami ng matagal na ndi nagkitang kaibigan na konekted sa knya…. malay ko ba?…sna nga lang ndi ko nlang nalaman pero siguro sya na rin ang may gusto na malaman ko….malamang aalamin nya kung ano magiging reaksyon ko………….

    ndi ko alam na may bahay na siyang pinatayo doon malapit sa bahay nila kuya ruel na malapit sa seminaryo nyo sa conforti…. eh di sana magkalapit na kyong bahay………… right now umookey na ako bon…. nasanay naman ako na ndi sya nakikita ng 8years at nakakausap kya alam ko madali akong makakarecover sa maga ng mata ko……..bumalik tuloy ang panay pantal ko sa katawan at mukha ….sa ilang araw na ndi pagkakatulog gabi gabi…imagine inaabot ng 2am na dilat pa mata ko…. tapos maga pa sa iyak…sakit sa ulo….at ilong kase inaatake ng rhinitis sa puyat sa kakaisip bakit nangyari biglaan na ganuon….. pero ndi ko naman kelangang mag question kay god eh…. kung ano man plano nya eh wla akong magagawa….nabothered lang ako sa naiwan nyang kapatid na autistic din….wla na si daddy hiwalay pa sa ina silang magkapatid…. at paano na ang twins nya na may deperensya rin ang isang bata na parang may pagka autistic/cerebral palsy…. naaawa ako bon……… kakainis yung girl na nag angkin sa kanya tapos iiwan din pala nya…..alam kong marami syang problem na pinagdaanan………..

  8. wahaah

    akmang akma sa all saints day ang kwento nakaka goosebumps!!!
    TEKA MAy kumakalabit sa paa ko..

    watda!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  9. ikaw talga jason ha niloloko mo si kuya geo mo πŸ™‚ sige ka loko ka makulit din yun tulad mo… like pa naman nya mga tulad mong tao na palabiro…. πŸ™‚

  10. (one minute of silence sa harap ng computer)

    May he rest in peace…

    amen…

  11. sad…pero ganun talaga ang buhay. may nauuna, may nahuhuli. pagpray nalang natin siya. at sa mga naiiwan, sana makapag move on na. πŸ™‚

  12. “,ate lhen di ko po sya mamukhaan,
    pero parang kamukha nya yung nsa 10 things i hate about you..

    “,wala po ba syang mas malinaw na pic.
    pero mukaha syang cute!!

  13. Unang bisita ko dito Lhen. Malungkot ang istorya pero alam ko God will make you strong.

    Ipagdadasal ko ang iyong bagong bokasyon.

    • salamat po … nabisita rin po kase ako sa bahay nyo kase madalas ma mention ang pangalan namin ni mommy kaye sa site ni padre.. πŸ™‚

      namiss nyo talga kami ah…feeling ko parang kami lang ang babaeng nakikipag habulan sa mga barako lugi kami ni kaye hehehe πŸ™‚

      • dahil sayo hindi naniwala c father…dahil sayo huhuhuhu

      • hahaha cenxa na vhon kse ikaw eh tagal mong gamitin nuon ang account mo kya tuloy kala ni padz na ako parin ang gumagamit ng account mo πŸ™‚

        puntahan mo kase siya sa site nya para maniwala na …
        si ax at jason napuntahan mo na siya rin dapat….. πŸ™‚

  14. kamusta na ate lhen sana sa mga oras na ito ay nakangiti ka at
    nakasmile. ay pareho lang pala un

    • ok na ok na ako jason πŸ™‚

      nakangiti na alam ko mahihirapan lang si kuya geo mo pag malungkot ang mga kaibigan nya….

      pero minsan ndi maiwasan maisip sya pag mag isa lang ako tapos naaalala yung past moment namin … kse til now ndi ko maramdaman na patay na sya eh…. ndi ko kase nkita yung burol nya…………..

      • mainam nga na kausap kasuapin mo sya tulad ng mga payo sayo ni Hey. πŸ˜€

        Kamusta na

        kamuka mo talaga si Karylle sa Encantandia ate lhen.

        pahug po.

      • ikaw talga jason!!! ang layo ko duon noh…. nakuha ata sa make up heheehe tska nasobrahan ata ng enhancement hehehe mukhang na yari kita hehehe

        may mga pix ako sa fb dun sa mga activities ko sa saint francis at sa franco foundation ..yun ndi naka edit yun hehehe

        yun ako jason ehehehe

  15. nung niyapak ka nya, natusok ka ba… isa lang ibig sabihin ng panaginip mo, may gagawin ka sa buhay mo na hindi ka pa talaga sigurado…

    magplano ng tama dahil kapag napasok mo na ang isang bagay wala ka ng choice kung hindi tapusin ito ng tama na naayon sa tadhana ng buhay.

  16. natusok?… wala naman, ang naramdaman ko lang naman nung time na yun..feeling ko totoo na nakayakap sya kse ramdam na ramdam ko ang mga balat nya…at tska nung nilagay nya ang baba nya sa balikat ko…ramdam ko ang mukha nya sa pisngi ko…kse ganun na ganun sya maglambing nung mag on pa kami…sabay………………. πŸ™‚ kiss sa akin πŸ™‚

    may gagawin sa buhay ko na ndi pa talga ako sigurado?..feeling ko sigurado na naman ako sa nextyear eh…inaayos ko na nga lahat ng credential ko.., mula sa transcript.,baptismal,confirmation certificate at medical certificate…as in nagpapaka healthy na nga ako para ndi maging hindrance sa pagpasok ko……

    siguro ‘vin ang isang na dapat planuhin na kelangang tapusin dahil wala ng choice …ay ang PAG AASAWA(with partner in life)…. yan ang alam kong mahirap labasan o iwanan……

  17. grabe ate len, di ako natakot sa story, nalungkot ako, parang may gustong lumabas na luha sa mga mata ko.. naramdaman ko yung sakit na paano kung ako yung nasa katayuan mo. nagparaya ka para sa taong mahal mo tapos hahantong pala sa ganito.. “oo may responsibilidad sya na dapat panagutan, pero yung responsibilidad na yun ay ipinagkait din sa kanya, mahal ko sya, sana hinayaan ko nalang yung sarili ko na maging masaya sa piling nya kung ganun din naman ang nangyari… sa huling sandali sana ay napasaya ko sya, at naiparamdam sa kanya kung gaano ko talaga sya kamahal” it sounds selfish, pero eto tumakbo sa isip ko kung nagkataong ako nga yung nasa katayuan mo. be strong ate len, mahirap at matagal na proseso para matanggap yan. ill be praying not only for him, also for you… his music will forever touch your heart.

    • oo nga eh khit mga kaibigan nmin ni geo sobrang iyakan kami nuong nalaman namin eh til now nga parang ndi pa rin ako makapaniwala na patay na sya parang nag bibiro lang kse tagal ko na rin syang ndi nakikita eh….

      dapat pala magkikita kami sbi ng ka choir namin kso ndi ako inabutan ng kamatayan nya…minadali syang kunin sken…. siguro alam ng diyos na kya ko syang bawiin eh…gagawin ko talga kung ganun lang pala ang nangyari sa samahan nila

  18. ate lheng ang weird naman bakit ganun..habang binabasa ko ung blogs mo..sobrang nahilo ako..3 times ako nag stop for a moment para mkrecover lang dun sa weird na feeeling..ito pa as kmapit ako ksi parang tutumba na ako.Hay!!!tapos nung ntpos kong basahin..okay n ako ulit..hay suuuuuppper weird talagA!!!

  19. Parang telenovela ang nangyari sa kwento u… Hay! pag-ibig nga naman hahamakin ang lahat maramdaman mo lamang. hehehe… ayaw ko pa basahin last night kasi baka magparamdam. hehehe. I really like the story. Thanks for sharing

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: