Man’s Best Friend

Dati hindi ko gusto ang mag alaga ng aso… kase naman ilang beses kaming namamatayan ng aso nuon at wala akong tiyaga at panahon mag alaga … laging may nagbibigay sa amin ng aso pero hindi tumatagal at nangangamatay lang… at iritang irita akong maka amoy ng aso… kaya ni minsan hindi ko inisip na darating din pala sa buhay ko ang mapamahal sa isang aso….

Isang tao ang nakilala ko rito sa blogosperyo na talaga namang maalaga sa aso at yun ay si sandi martin … na syang naging daan para matuto akong mag blog… sa hindi inaasahang pagkakataon na makita ko ang post nya sa internet at nalibang akong magbasa ng mga sinulat nya at mga komento duon… Mapagmahal sa aso talaga si sandi dahil minsan na ka chat ko sya para lang i guide at turuan nya akong mag create ng blog… nahinto pansamantala ang pagturo sa dahilang kinakailangan nyang mag pakain muna ng kanyang alagang aso… at nakita ko nga sa mga litrato nya sa friendster na may mga alaga syang aso at maging sa avatar nya sa YM… ksama nya ang aso nya….

Napaisip ako bakit maraming nahihilig sa pag aalaga ng aso gayung napakahirap naman nilang alagaan … ayan yung kinakailangang paliguan… pakainin lagi at higit sa lahat ang kinakatakot ko nuon ay ang baka biglang mangagat…. at higit sa lahat ay ang hindi kagandahang amoy nila lalo na pag hindi kaagat napaliguan (grrrrr kainis na amoy yun!!) lalo na nung makagat ako ng aso parang masumpa sumpa ko ang aso sa galit ko nuon at kakainis na mga insekto sa kanilang katawan….

Sa anong dahilan at nahilig nga ba ako sa aso?… hindi ko rin maintindihan kung bakit…. isang araw kase nuon may isang kaibigan ang  nanay ko na binigyan sya ng  tuta… isang aspin o walang lahi ito.. galit na galit ako dahil ayoko talaga ng aso… at dagdag pakainin at trabaho sa bahay…

Isang araw… bigla akong natuwa sa tutang iyon ng bigla nya akong tahulan na para bang may sinasabi… yun pala nag susumbong ito na may nakita syang daga sa aming bakuran !!!! waaaahh natuwa ako sa kanya first time ko kaseng ma obserbahan ang kilos ng aso…. kaya naman parang ginanahan akong alagaan sya kahit na aspin pa sya (asong pinoy) dumating sa punto na nagkasakit at muntik ng mamatay iyon … pero isang bagay ang napatunayan ko sa sarili ko … na kahit may allergy ako sa aso at hindi ko talga hilig nuon mag alaga ng aso … pero ang saya pala ng pakiramdam lalo na pag ito ay naglalambing na sayo … kaya lalo akong napamahal talaga….at hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang ang simpatya ko sa tutang iyon (si putot) 🙂

Hindi nagtagal naging dalawa na sila (parehong lalaki) ngayon may aspin na may mongrel pa (mix breed) at pareho pa silang puti…. napakasaya na nakakapagod (sa pag aalaga) pero nakakawala ng pagod pag may pinakitang gilas at mag umpisang maglambing  sa akin….

sya si PUTOT hehehe (maliit kse sya nuong bata kya putot)

sya si HATCHIKO na napaka harot

Kaya naman wiling wili kami ng kapatid ko sa pag aalaga at bilhan ng kung anu anong anik anik nila sa buhay hehehe

Palibahasa parehong kami ng kapatid ko na wala pa ring asawa kaya mas naging masaya para sa amin ang mag alaga ng aso… na tunay na nakakawili…

Ngayon na ako naniwala na ang aso ay parang kaibigan at syang tunay dahil napapasaya ka nito , pag inaalagaan at pinahahalagahan sila nakakapag bigay sila ng sigla at kulay sa buhay.. at masasabing loyal o tapat talaga sya sayo kung ipaparamdam lang natin ang tunay na pag aalaga at pagmamahal sa kanila…

 

Advertisements

19 Tugon to “Man’s Best Friend”

  1. nagkaroon din ako ng alagang aso dati, hindi naman talaga sa akin, yng isa sa kapit bahay namin, ung isa naman, sa ate ko ang pangalan ng isa, kapi… kase pilay yung isang front leg niya… aspin den… yung isa naman, si saicy…maliit na tuta lang… per itinapon ko nung mga isang buwan lang…

    hindi talaga ako mahilig sa aso, lalo na kapag pumu pupu siya kung saan saan…

    • sad… bakit mo tinapon… parang tao din sila na nangangailangan ng kalinga mo… ganun talga… need lang silang turuan para ndi mag pupoo kung saan saan… ganyan kse ang mga aso namin nung una kung saan saan na pupoo pero nung tinuruan namin kung saan dapat mg pupoo …natuto naman … tyaga lang naman eh….

      na sad naman ako ..itinapon mo… salamat sa pag daan dito sa aking post…. godbless

  2. “Palibahasa parehong kami ng kapatid ko na wala pa ring asawa kaya mas naging masaya para sa amin ang mag alaga ng aso…”

    napangiti ako sa part na ito, hehe.

    and oh, dogs make us also realize unconditional love. kahit wala pa tayong ligo, di tayo mabango, amoy araw tayo at kung anu-ano pa — walang pagbabago sa paglalambing na ipinapakita ng mga dogs sa atin.

    • korek ka jan …hehehe pero ako minsan pag ndi na talaga maganda amoy nila kahit sabihin pa ng vet nila na 2x a week lang ginagawa kong 3x na kse kumakapit sa katawan natin ang amoy nila… 🙂

      yah right unconditional love… pero alam mo ba minsan traydor din sila na parang mga kaibigang … lalo na pag ndi mo pinansin…at dineadma mo sila bigla bigla silang nangangagat…. parang tao… bigla biglang nang aaway ng ndi mo alam…

      kase pansin ko pag nagselos ang isang aso namin grabeh magalit …kaya na ihambing ko sila sa kaibigan… kung minsan pag nagselos ang aso … dun natin nakikita ang ugali nilang pangit …pero pag inaalagaan at pinahahalagahan ito lalo silang bumabait at nagiging malambing…pero pag ndi pinansin …dyan inaatake ang ugali nilang mabangis..!!!

  3. sayang tok, ditu kasi samin, bawal aso.. 😦

  4. ako takot tlga ako sa aso.. khit nga sa tuta takot ako… hehehe
    pero gusto ko mga dogs.. takot nga alng ako…

  5. Ako d ko alam kung paano ko iddispatsa ang mga alaga kong aso, napamahal na kasi sila sa akin.. biruin mo apat sila inaalagaan ko sa araw-araw.. pakain, pag-ihi, pag-pupu, pagligo lahat yun ako ang gumagawa!..ayaw ko tlga ng aso nun, dinala lang kasi d2 sa bahay ng kapatid ko.. una isa, tapos 2 na, tapos nanganak yung babae, kumuha uli kami ng isa.. kaya naging tatlo na!.. tapos nahilig na ako sa aso.. pati yung sa kapitbahay nmin na pinabayaan na lang, naawa ako kasi b nmn itnali lng at pinabayan dun sa tabi ng basurahan may sakit at payat na payat puro pa ng galis, pero tlagang napaiyak ako sa awa at cugro nag-dugo ang puso ko sa sobrang habag nun kasi lagi ko syang nakikita pag-nag papaihi ako ng mga aso ko kaya yun hiningi ko na lng sa may-ari, kahit na alam ko mahihirapan ako sa pag-aalaga. Pero ngayon ok na sya masigla n ulit at mataba na wala na rin syan galis!..Ang problema ko ngayon d ko na tlaga sila kayang alagaan lahat.. nahihirapan na’ko.. plus may alaga pa ko pamangkin ko 2, anak na kapatid ko, tapos may sakit pa nanay ko ako din ng-aalaga!..tapos lahat pa ng gawain bahay sa’ken lahat dahil wala namn kaming katulong!.. ang hirap talga!.. ayaw ko nmn sila ipamigay, baka kasi katayin lng.. mga aspin lng kasi mga aso ko! Minsan naisip ko kelan kaya sila mamatay hehe.. matagal na din sila sa akin 7,6,5 years old na yung tatlo ko..ung inampon ko isa 6months na.. hayz d ko na tlaga kaya…. Ano ba dapat kong gawin?!

    • Ahhhh kakatuwa ka naman bobby..ako din ganyan na rin minsan nagiging ugali ko sa aso… nahahabag pag nakikitang pakalat kalat sa lansangan tpos ang dumi dumi nilang tignan… at kung anu anong hinahalungkat sa mga basurahan… alagaan mo lng ng husto bahala ang diyos kung kelan sila mabubuhay mahalaga nangalaga ka ng isang buhay na nandito sa mundo … na isang biyaya pa rin na maituturing bobby… pagpalain ka ni san martin +

  6. oo nga, ‘yon na lang pang-hahawakan ko bahala na Diyos kung kelan sila kukunin hehehe..at bahala na din ang Diyos sa’ken.. sana lagi nya kong bigyan ng lakas ng katawan at tyaga para makayan ko lahat lahat ng pag-aalaga sa kanilang lahat!.. At kay San Martin sya pala patron ng mga aso?! sorry, d ko alam yun hehe.. sa kanya pala ako hihingi lagi ng tulong pag-may problema ako sa mga alaga kong aso… salamat Lhen kahit paano naliwanagan ng konti isipan ko hehe.. God Bless you! ^_^

  7. Hatchiko…wag kang maharot. nice post…natuwa ako tapos koong mabasa post mo. 🙂

  8. pahing ako ng aso

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: