kUnG tLaGaNg OrAs mO nA….

Parang kailan lang nagdadalamhati ako sa pagkawala ng isang taong minahal ko ng apat na taon… (September6 year 2009).. Matapos ang isang taon… heto na naman ako nagdadalamhati at nakikiramay sa pagkawala ng mabuting kaibigan ..

hindi inaasahang magkikita kami muli mag kakaklase nung high school … labing walong taon na rin ang nakakalipas at muli kaming nagkita-kita…

Nakakalungkot nga lang isipin at sa paraang pagbisita namin sya masasaksihan na may lubhang karamdaman… Nagpapasalamat naman ako sa mga makabagong teknolohiya at sa madaling paraan kami nagkatagpo… Nagkatulungan kaming magbabarkada nuon na damayan at tulungan ang kaibigang nakikipaglaban sa malubhang karamdaman…

Salamat sa facebook at sa pamamagitan nuon … muli kong nakausap ang pinakamalapit kong kaibigan nung high school na si rommel..

sya rin ang unang nagbigay ng tulong pinansyal kay jaime ..dahil nsa abroad sya

sa pamamagitan nya nalaman kong humaharap na sa matinding karamdaman ang aming kaibigan na si JAIME… kaya naman dali dali kong hnagilap ang mga ilang malapit na kaibigan nya (sa FACEBOOK).. at dun nagsimulang mag usap kami ni allan … Sya ang masugid na naghagilap sa matagal na hindi nakikitang kaibigan…

(txt message)

ALLAN: Lhen punta tayo ngayon kay jaime

LHEN: Cenxa na now ko lng nabasa, may katesismo ako dito sa foundation .. sige mag c5 ako para baba ako ng bayan.

At nagkita – kita nga kami… unang pinuntahan si MARIO DANTES o sa tawag namin ATAN.. atska namin sinundo si MIKE

ALLAN     ATAN        JAIME          LHEN        MIKE

At dun nagsimula ang pag gawa ng pahina sa FACEBOOK para mas maraming makaalam sa kalagayan ng aming kaibigan .. naisipan ni allan na pagawain ako ng pahina para kung may gustong tumulong kay jaime sa kanyang pag papachemo.. at hindi kami nabigo may 3 tumugon sa aming kahilingan … (maraming salamat kay ROMMEL.., SHIRLEY .., AT IMELDA ..pAgpalain kayo ng diyos) +

Isa sa mga matalik na kaibigan ni JAIME si ALLAN ang syang tanging nakasama ko sa mula unang dalaw sa bahay … maging pagbisita sa hospital

UST hospital

sa simula pa lamang sya na nakasama ko … ang nangulit at masugit na hagilapin  ang kaibigan … bakas sa mukha ni allan ang pag aalala  … kaya kahit abala ito … hindi nagdalawang isip na magbisita dito… sa larawan na yan… yan ang araw na ibinigay namin sa aming kaibigan ang tulong pinansyal na inabot ng isang malapit kay jaime na si rommel at sinundan ito ng malaking halaga na bigay ni shirley at ni imelda….(mga ka batchmate)

Ngunit dumating ang takdang panahon ng kinakatakutan ni allan ang lumisan ang kaibigan… na hanggang kamatayan… nandun sya sa tabi ni JAIME…..

Sa aming paghihintay sa abo ng aming kaibigan … napag usapan namin ni ALLAN ang kamatayan….

Lhen: Matagal din pala mailabas ang abo nya… saan kaya ilalagay ang kanyang abo?.. basta ako ‘lan kung mamamatay ako, prang gusto ko na rin i- cremate ,, kaysa ilibign… at yung abo ko gusto ko isama sya sa lupa ng halamang bonsai… tutal maliit akong tao para buhay pa rin ako sa pamilya ko …

Allan : Ano kaya pakiramdam ng ganun noh?.. sinusunog?..masakit kaya yun?.. hindi ba pede, katawan lang sunugin itira yung ulo… ?…

Lhen: Sira!! patay na nga mararamdaman pa kaya yun?… baliw!!!

Theresa: (isa sa mga ka batch namin ) Ano ba yang pinag- uusapan nyo?..

…………… Ganun na nga ang kawirduhang napagkwentuhan habang inaantay ang abo ng kaibigan…

……………Sa pagninilay nilay ko …. nasasabi ko sa sarili ko na hindi talga natin masabi kung kelan ang takdang panahon natin… ang takdang oras kung kelan lilisanin ang mundo..

………….. Pero sa totoong buhay naman darating at darating din ang takdang panahon para sa atin… kung kelan?.. paano , saan at anong  klase at paraan tayo mamama alam sa mundong ginagalawan… wala makakapagsabi tanging Diyos  na lamang ang nakakaalam…

………….  kaya dapat lamang laging handa… gumawa at mag-isip lagi ng tama para sa pagdating ng TAKDAng PANAHON … maluwag , payapa at matanggap ng ating mga mahal sa buhay na iiwan… kung sakaling dumating na sa atin ang ORAS na iyon…

Advertisements

10 Tugon to “kUnG tLaGaNg OrAs mO nA….”

  1. ang kamatayan..kahit mahirap tanggapin …ay natatanging susi sa buhay na walang hanggan….sa buhay na ito may mauuna at mahuhuli…pero doon lahat ang patungo natin…

    praying for jaime!…sa kanyang pagtawid sa dako pa roon!

  2. salamat kuya blu sa muling pagbisita mo aking bahay …. namiss ko rin ang bahay mong dalawin…

    sa darating na febrero 3 ika 40 araw na ni jaime…

  3. tok, nakakalungkot naman yung story mo about sa friend mo, but at least nawala naman sya mundo, alam nyang kahit sa huling sandali nya nakasama nya kayu at nalaman nya na mahalaga sya sa buhay nyu. 🙂

    At hindi nga natin alam tok kung hanggan kelan tayu sa mundo.. alam mo tok sa mga napapanood ko nga sa fb na kung anu anung video abaout sa patayan minsan, sa mga aksidente at sa mga news na napapanood ko, natatakot tuloy ako, i mean. iniisip ko minsan kung paano yung pagkamatay ko, kung hanggang kelan ako sa mundo.. hays, grabeh, natatawa nalang ako at naiisip koyon. Dapat na nga lang tayung maghanda diba., i mean kung oras na tlaga, oras nayun. 🙂

    ayun lang tok, God Bless and be safe!

  4. Im looking for some updates ate lhen

  5. Tsk! musta ka naman nagun ate lhen.. bumisita pa naman ako para kamustahin ka tapos itong post mo pala ang makikita ko..

    ganun talaga hindi mo mapipigilan si Lord kung gusto na nyang kunin sa’yo ang taong importante sau.. oo sa una masakit pero lilipas din yan at matataggap rin ang katotohanan dahil wala ka ng choice kundi tanggapin ang katotohanan na wala na sya..

    God Bless!

  6. Tsk! musta ka naman nagun ate lhen.. bumisita pa naman ako para kamustahin ka tapos itong post mo pala ang makikita ko..

    ganun talaga hindi mo mapipigilan si Lord kung gusto na nyang kunin sa’yo ang taong importante sau.. oo sa una masakit pero lilipas din yan at matataggap rin ang katotohanan dahil wala ka ng choice kundi tanggapin ang katotohanan na wala na sya..

    God Bless!

    kaya mo yan ate lhen
    Strong ka di ba?

  7. Ang delayed naman ng comment ko… But this entry is very insightful Lhen…

    You are all blessed to have good friends…
    And yes, death is inevitable… Sabi nga sa isang translation ng Psalm 139:16, “In your book, the days of my life are numbered even before I was born…” kaya nga dapat nating namnamin ang bawat araw… At gustong gusto ko ang sinabi ni Kuya Blu, that death is the only gateway to life everlasting…

    I’m sure, sa paraan ng pag-aalala at malasakit nyo sa kaibigan ninyo, siya ay isang mabuting tao… Enough assurance that he is in God’s loving presence… 🙂

    • soooobrang mabuting tao si jaime mark kya nga sinamahan namin sya sa mga sandali nabubuhay pa sya …pinagbigyan namin ang hiling ng kaibigan na mag get together un pla huli na yun

  8. Ate Lhen Sorry po talaga di ako nakapunta sa reunion.. graduation ko po kasi ng ROTC eh.. sorry talaga wala bang part 2?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: