Imbak para sa Nobyembre, 2011

Is it okay if i call you mine…

Posted in Walang Uri on Nobyembre 20, 2011 by lhen8

(mangyari po lamang na paki STOP muna ang videokeman ko sa sidebar ko kung nais nyo mapanood ang video na ito para hindi magsabay ang video na ito sa music ko. Hindi po ako ito unahan ko na kayo πŸ™‚ nakita ko lng sya sa u tube at naalala ko ang kantang ito dahil ito ang unang piyesa na natutunan ko tipahin nuon)

…. Naalala ko nung una akong nag aaral mag gitara etong kantang ‘to ang una kong natutunang tipahin …Mahirap kase pag nagkakagalit kami ng xbf ko (R.I.P) nuon…(magkasama kami dati sa simbahan mag choir at sya ang taga turo namin nuon) hirap kase damay ang choir pag war kami iniiwan nya sa ere ang grupo at walang nagtutugtog ng gitara (acapela tuloy kami madalas) kaya naisip kong need kong mag aral para kung sakali man matuto ako kahit papaano ako ang mag gitara … pero ang hirap talagang matutunan mag gitara … mangangalyo talga ang daliri mo masakit sobra nakakangalay at masakit sa likod…. buti na lang to the rescue ang aking tatay…. yun lang, kaliwete kaya hirap ako makuha ang turo nya πŸ™‚ pero ok lang kase sabi nya no need ang musikero kong bf … pero astig ang kantang pinarinig nyang tipahin sa akin PARANG MAY LAMAN … HE’S A JELOUS GUY πŸ™‚ (kase nuon pa man alam kong ayaw nya sa bf ko…)

Long hair nuon si erpat nung nasa SAUDI sya (for 6yrs) now ayaw na namin syang mag abroad.. still loyal sya sa company na pinapasukan nya sa LM CAMUS ENGR. (36yrs)

kaya everytime na maririnig ko ang kantang JELOUS GUY na kinanta ni JOHN LENNON (favorite ni erpat ang beatles) si erpat kaagad ang una kong naaalala …. kahit naputulan ng dalawang daliri sya sa pagtatrabaho nya sa saudi nuon tuloy pa rin at walang patid pa rin sa pagtatrabaho ang erpat ko … pero sa kabila ng pagkaputol ng 2 daliri nya sa kaliwang kamay,Β  kaya pa rin nyang mag gitara … dahil buti na lang kaliwete sya mag strum.. kaya bilib talaga ako sa aming cool tatay … πŸ™‚

Advertisements

SECRET GROUP

Posted in Walang Uri with tags , , , on Nobyembre 15, 2011 by lhen8

SABTIK !!!

(Ang video na ito ay ginawa ng tinderang tisay na si CHELLE)

Now ko lang naalalang i post itong sekretong grupo na nabuo namin dahil sa alumni … sila ang mga ilan sa mga ka schoolmate ko nuon sa high school .. isang page ang nabuo na nag ngangalang CHS-CZA Alumni InteractiveΒ  kadalasan dyan ako tumambay at makibalita sa mga dating kaklase nung high school .. at sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagkita kita ang mga ilan kong ka batch at dahil sa isang post ng isang kaklase humaba ang mga komento na nagmukhang chatroom na dahil sa mga kulitan ng mga komento ng bawat isa …

Bakit nga ba nabuo ang sabtik at saan hinango ito ? ang salitang sabtik ay naisip ni BERNARD CATOLICO a.k.a DRED CATOLICO … ang sabtik ay pinagsamang salita na SAPI AT SALTIK …kase matindi ang mga sapi at saltik sa utak ng mga ka schoolmate ko sa mga komento … matitindi ang mga palitan ng komento.. matitindi ang kulitan na dumating sa punto na humaba ng husto ang mga comments (nakakahiya na talaga sa admin)

Nag react na nga ang kapatid ko ginawa na raw naming chatroom ang alumni page dapat daw gumawa na lang kami ng sarili naming page kung ganung nagttraffic kami sa kulitan namin … kaya naman naisip ko na lang na gawan ang grupong nakapag likha ng ingay sa alumni page … sobrang nahiya na rin ako sa nag mamay ari ng pahina na yun…

At ayun nga ginawan ko sila sa pamumuno ko para lang hindi kami makaperwisyo (sa totoo lang napilitan akong gumawa sa kadahilanang nahihiya ako sa mga ilang makakabasa) … ginawa kong mamuno sa pahinang iyon ay sila BERNARD CATOLICO , NOEL”pipoy” CADINONG, ADOR MERCADO AT RECHELLE RETRETA …Β  at para mas maganda ginawa kong SEKRETO ang pahina dahil may mga ilang ka eskwela na walang prenong mag komento na maseselang usapin … mga kaberdehan ang kanilang kulitan na usapan πŸ™‚

Ang mga ilang ka SABTIK ay kinabibilangan ng mga ilang magkakaibang relihiyon … may ilan sa amin ay METHODIST , BORN AGAIN , INC, at MORMON …and the rest CatholicΒ  na . Nakakatuwang isipin na magkakaibang relihiyon man kami sa aming pahina ay maligalig ang bawat isa sa pagpapahayag ng kanilang saloobin … palitan ng kuro kuro ,Β  opinion , pero never namang nagkaroon ng debate sa relihiyon dahil nirespeto ang bawat isa sa kanya kanyang paniniwala at ang mas nakakapag pakiliti at nakakapagpahaba ng komento ay ang usaping mahahalay na syang madalas pamunuan ni MARIO DANTES a.k.a ATAN (Pinsan ni dingdong dantes sa totoong buhay πŸ™‚ ) at susundan ng cor commander sa high school (dati)na si NIC JOHN DOMACENA haaay sila ang mga malulupet na promotor sa kahalayan … na mapapapikit ka sa tindi ng mga banat nilang linya haay naku nakakawindang talaga palibhasa may mga asawa na silang lahat… ilan-ilan na lang sa amin ang mga hindi pa nakakapag asawa … ako na lang ata sa babae sa grupo ang wala pang asawa … tatlong lalaki ang wala pang asawa (rommel, pipoy at ador )…

Sa pahinang ito naranasan kong maiyak sa tindi ng galit ko nuon dahil sa isang espesyal na kaibigan ko …AtΒ  sila yung mga nakapag palubagloob ng galit at hinanakit ko nuon … naibsan ang himutok ko dahil sa mga makukulit nilang payo πŸ™‚ naiyak din ako kase ang lalakas nilang mamikon … dumating sa puntong manahimik na lang ako at magbasa na lang ng magbasa ng mga comment nila na minsan kahalayan na ang usapan at nababanggit na nila ang pangalan ko dahil alam nilang ako ang umaalma pag sobrang kahalayan na ang usapan nila (na hindi ko nakasanayang dito sa blogosperyo) … palibhasa ako lang ang single sa grupo kaya siguro ganun na lang nila ako pagkaisahan na banggitin ng banggitin sa usapan … hindi ko alam kung bakit ba ako na lang ang trip nilang banggitin pag mahalay na ang kanilang usapan talagang SABTIK nga ang grupong nabuo ko tsk tsk tsk !!! πŸ™‚ pero wala akong magawa at ganun na talaga siguro sila …. kaya minabuti ko na lang mag manman sa pahina at bihira na lamang makisawsaw sa komento … tinatantsa ko na lang ang mga post nila na makakarelate lang ako …

At ang malupit pa dito sa SABTIK group na ito … akalain mong may nabuong pagmamahalan ang isa sa amin πŸ™‚ haaay ganun na lang ang gulat ko … nanahimik lng ako sandali at may LOVE TEAM na pala sa amin hehehe πŸ™‚ haaay laki na talagang nagagawa ng bagong teknolohiya oh … πŸ™‚

Hanggang sa palagkit ng palagkit ang aming bahay na sobrang nakakainggit na ang mag irog …. kaya lalong nanamlay akong maki join na talaga na O OP na ako sa kanila …Nawala na kase ang mga usaping makabuluhan na nagbabahagi ang bawat isa ngΒ  opiniyon,na parang nasa blogosperyo ako ..Β  Kaya minabuti ko na lang na lisanin ang bahay na aming naitayo at ibinigay na lamang sa kanila ang susi para sila na lamang ang magpatuloy at mag ayos ng tahanang aming nabuo…

Namiss ko lang kase ang mga palitan ng kuro kuro , payo ng bawat isa, magbahagi ng mga ideolohiya … nawala bigla yun ng matabunan ng mga mahahalay na usapin na nauuwi sa walang kabuluhan usapan … at marahil masyadong natuon na ng mag irog ang kanilang nagliliyab na damdamin kung kaya puro kanilang “post” ang nakapang lunod ng pahina … ganun ata talaga pag in love πŸ™‚ hindi na batid ang nakapaligid …

Pero sa kabila ng lahat nakilala ko ang bawat isa sa amin sa kabila ng mahabang panahon na nagdaan … ilan sa kanila ay mga hindi ko talaga ka close nung high school … may isa pa nga sa kanila na never kong nakakausap nung high school … pero ng dahil sa pagkikita sa alumni page at sa pag likha ng SECRET GROUP nakabuo kami ng samahan na hindi ko man natagalan eh nagpapasalamat ako at nakilala ko sila sa pamamagitan lamang ng makabagong teknolohiya …

Nakakamis din sila kung iisipin …Β  😦 sa sandaling panahon naging masaya rin ako at nakatagpo ng grupo na hindi ko inakalang makakausap ko sila o magiging ka tropa…

IWAS MUNA ….

Posted in Walang Uri on Nobyembre 12, 2011 by lhen8

Iwas muna o mas sabihing ibaling muna sa ibang paraan para makalimutan ang taong alam nating kumplikadong magustuhan…

kase naman twing makikita ko sya sa side bar ko sa fb nikikilig ako, twing mag la LIKE sya nakukuntento na ako at kikiligin nanaman akoΒ  :-), at lalo na kung makakausap ko sya sa mga komento o kaya makausap sa message box ko πŸ™‚ ….Β  alam ko namang taken na sya (kase naman yun ang nakalagay na sa status nya – in a relationship na ang lolo nyo) πŸ™‚ at alam ko namang malabong magkagusto sa akin yun … at higit sa lahat alam kong magugulat ang mga kasamahan ko sa simbahan, kaparian at mga madreng kaibigan ko na nagugustuhan ko ang taong tulad nya…Β  :-(…

Eh bakit naman hindi?… mabait na lalaki, maingat sa mga komento , matipid magkomento, palabiro, malakas nga lang mang asar na nakakapikon pero dun ako talaga madalas matuwa sa lalaking malakas ang sense of humor…, may sense kausap … pag bumanat ng mga komento eh mapapangiti ka talaga dahil sa kakaibang banat nya ng linya πŸ™‚

Hindi ko lubos maisip na magkagusto ako sa kanya patagal ng patagal nahuhulog na kase ang loob ko pero alam kong mali kase nga TAKEN na kulang na lang tanggalin ko ang letrang T para (T)-AKEN NALANG SYA πŸ™‚ hihihi pero wag bad yun… ang mahirap nga kase nikikimkim ko lang feelings ko parang sasabog na at mahirap na pagsumabog ito marami ng makarinig sa dagundong na pagsabog yari ako sa simbahan…. 😦

naalala ko ang espesyal kong kaibigan (nuon)..lagi nyang tinatanong na kung meron ba? tanong ko anong meron?… sagot nya … meron ka bang nagugustuhang iba?.. hehehe sa inis ko kakatanong nya minsan ng mga ganun?… pabiro kong sinasagot na … oo ibang relihiyon hahaha sabay tawa ng malakas… kase nga gusto kong asarin lang dahil nga isa syang monk hehehe. Pero ayun nagkatotoo ang mga biro ko nuon lagi sa kanya… lintik na yan!!! ang hirap palang magbiro … bibiruin ka rin pala ng tadhana … ayan at ang bilis ng KARMA ko 😦 nagkakagusto ako sa isang lalaki na hindi ko karelihiyon …. haaaaayyy si GOD talaga hindi mabiro … parang biro ko lang naman yun sa kanyang alagad eh tinotoo naman 😦

Ang hirap grabeh ang hirap kimkimin yung ganun…. nagkakasakit na ako kaya buti nalang marami akong outlet sa buhay… dinadaan ko na lang sa pag lay out ng mga pix, pagdrowing ng mga stilo ng mga damit (at yun ang sinabi ng isa kong kaibigan na magandang libangan ang mag drawing,kaya drawing lang daw ng drawing hanggang masanay at matututo rin daw ako) pero ang hindi nya alam binabaling ko lang dun para makalimutan ko lang ang WEIRD na feelings ko sa isang guy na pilit kong kinikimkim ang naramramdaman ko…Β  at buti na lang may blog hehehe

Pero alam ko maglalaho rin ito pasasaan at lilipas din ang ganitong pakiramdam … isipin ko na lang na TRANGKASO na idaan nalang sa paracetamol na BIOGESIC “ingat” lang at baka malintikan pa ng kung sino pang masasagasaan ko …. (sigh)

At kung hindi pa ako nawirduhan sa feelings ko hindi pa ako makakapag post ng bago dito sa blogosperyo πŸ™‚

NA MISS KO ANG BLOGOSPERYO πŸ™‚