SECRET GROUP

SABTIK !!!

(Ang video na ito ay ginawa ng tinderang tisay na si CHELLE)

Now ko lang naalalang i post itong sekretong grupo na nabuo namin dahil sa alumni … sila ang mga ilan sa mga ka schoolmate ko nuon sa high school .. isang page ang nabuo na nag ngangalang CHS-CZA Alumni Interactiveย  kadalasan dyan ako tumambay at makibalita sa mga dating kaklase nung high school .. at sa hindi sinasadyang pagkakataon eh nagkita kita ang mga ilan kong ka batch at dahil sa isang post ng isang kaklase humaba ang mga komento na nagmukhang chatroom na dahil sa mga kulitan ng mga komento ng bawat isa …

Bakit nga ba nabuo ang sabtik at saan hinango ito ? ang salitang sabtik ay naisip ni BERNARD CATOLICO a.k.a DRED CATOLICO … ang sabtik ay pinagsamang salita na SAPI AT SALTIK …kase matindi ang mga sapi at saltik sa utak ng mga ka schoolmate ko sa mga komento … matitindi ang mga palitan ng komento.. matitindi ang kulitan na dumating sa punto na humaba ng husto ang mga comments (nakakahiya na talaga sa admin)

Nag react na nga ang kapatid ko ginawa na raw naming chatroom ang alumni page dapat daw gumawa na lang kami ng sarili naming page kung ganung nagttraffic kami sa kulitan namin … kaya naman naisip ko na lang na gawan ang grupong nakapag likha ng ingay sa alumni page … sobrang nahiya na rin ako sa nag mamay ari ng pahina na yun…

At ayun nga ginawan ko sila sa pamumuno ko para lang hindi kami makaperwisyo (sa totoo lang napilitan akong gumawa sa kadahilanang nahihiya ako sa mga ilang makakabasa) … ginawa kong mamuno sa pahinang iyon ay sila BERNARD CATOLICO , NOEL”pipoy” CADINONG, ADOR MERCADO AT RECHELLE RETRETA …ย  at para mas maganda ginawa kong SEKRETO ang pahina dahil may mga ilang ka eskwela na walang prenong mag komento na maseselang usapin … mga kaberdehan ang kanilang kulitan na usapan ๐Ÿ™‚

Ang mga ilang ka SABTIK ay kinabibilangan ng mga ilang magkakaibang relihiyon … may ilan sa amin ay METHODIST , BORN AGAIN , INC, at MORMON …and the rest Catholicย  na . Nakakatuwang isipin na magkakaibang relihiyon man kami sa aming pahina ay maligalig ang bawat isa sa pagpapahayag ng kanilang saloobin … palitan ng kuro kuro ,ย  opinion , pero never namang nagkaroon ng debate sa relihiyon dahil nirespeto ang bawat isa sa kanya kanyang paniniwala at ang mas nakakapag pakiliti at nakakapagpahaba ng komento ay ang usaping mahahalay na syang madalas pamunuan ni MARIO DANTES a.k.a ATAN (Pinsan ni dingdong dantes sa totoong buhay ๐Ÿ™‚ ) at susundan ng cor commander sa high school (dati)na si NIC JOHN DOMACENA haaay sila ang mga malulupet na promotor sa kahalayan … na mapapapikit ka sa tindi ng mga banat nilang linya haay naku nakakawindang talaga palibhasa may mga asawa na silang lahat… ilan-ilan na lang sa amin ang mga hindi pa nakakapag asawa … ako na lang ata sa babae sa grupo ang wala pang asawa … tatlong lalaki ang wala pang asawa (rommel, pipoy at ador )…

Sa pahinang ito naranasan kong maiyak sa tindi ng galit ko nuon dahil sa isang espesyal na kaibigan ko …Atย  sila yung mga nakapag palubagloob ng galit at hinanakit ko nuon … naibsan ang himutok ko dahil sa mga makukulit nilang payo ๐Ÿ™‚ naiyak din ako kase ang lalakas nilang mamikon … dumating sa puntong manahimik na lang ako at magbasa na lang ng magbasa ng mga comment nila na minsan kahalayan na ang usapan at nababanggit na nila ang pangalan ko dahil alam nilang ako ang umaalma pag sobrang kahalayan na ang usapan nila (na hindi ko nakasanayang dito sa blogosperyo) … palibhasa ako lang ang single sa grupo kaya siguro ganun na lang nila ako pagkaisahan na banggitin ng banggitin sa usapan … hindi ko alam kung bakit ba ako na lang ang trip nilang banggitin pag mahalay na ang kanilang usapan talagang SABTIK nga ang grupong nabuo ko tsk tsk tsk !!! ๐Ÿ™‚ pero wala akong magawa at ganun na talaga siguro sila …. kaya minabuti ko na lang mag manman sa pahina at bihira na lamang makisawsaw sa komento … tinatantsa ko na lang ang mga post nila na makakarelate lang ako …

At ang malupit pa dito sa SABTIK group na ito … akalain mong may nabuong pagmamahalan ang isa sa amin ๐Ÿ™‚ haaay ganun na lang ang gulat ko … nanahimik lng ako sandali at may LOVE TEAM na pala sa amin hehehe ๐Ÿ™‚ haaay laki na talagang nagagawa ng bagong teknolohiya oh … ๐Ÿ™‚

Hanggang sa palagkit ng palagkit ang aming bahay na sobrang nakakainggit na ang mag irog …. kaya lalong nanamlay akong maki join na talaga na O OP na ako sa kanila …Nawala na kase ang mga usaping makabuluhan na nagbabahagi ang bawat isa ngย  opiniyon,na parang nasa blogosperyo ako ..ย  Kaya minabuti ko na lang na lisanin ang bahay na aming naitayo at ibinigay na lamang sa kanila ang susi para sila na lamang ang magpatuloy at mag ayos ng tahanang aming nabuo…

Namiss ko lang kase ang mga palitan ng kuro kuro , payo ng bawat isa, magbahagi ng mga ideolohiya … nawala bigla yun ng matabunan ng mga mahahalay na usapin na nauuwi sa walang kabuluhan usapan … at marahil masyadong natuon na ng mag irog ang kanilang nagliliyab na damdamin kung kaya puro kanilang “post” ang nakapang lunod ng pahina … ganun ata talaga pag in love ๐Ÿ™‚ hindi na batid ang nakapaligid …

Pero sa kabila ng lahat nakilala ko ang bawat isa sa amin sa kabila ng mahabang panahon na nagdaan … ilan sa kanila ay mga hindi ko talaga ka close nung high school … may isa pa nga sa kanila na never kong nakakausap nung high school … pero ng dahil sa pagkikita sa alumni page at sa pag likha ng SECRET GROUP nakabuo kami ng samahan na hindi ko man natagalan eh nagpapasalamat ako at nakilala ko sila sa pamamagitan lamang ng makabagong teknolohiya …

Nakakamis din sila kung iisipin …ย  ๐Ÿ˜ฆ sa sandaling panahon naging masaya rin ako at nakatagpo ng grupo na hindi ko inakalang makakausap ko sila o magiging ka tropa…

Advertisements

4 Tugon to “SECRET GROUP”

  1. love it.. miss u ate Lhen… c u soon ๐Ÿ™‚ mwuuaahhh

  2. hehehe lugi ang iba noh tayo lng ang nasa blogosperyo gawan mo mister to be mo hehehehe para makapag post ng makakata nyang linya hahha ๐Ÿ™‚ ikaw ang humawak ng password nya pati sa fb wild idea lng hahahaha ako nga nag hawak na ng password ng special friend eh … sya pa kayang engaged na hahahhaa para malaman kung walng tinatago patay ako hahahaa joke lng WILD IDEA LANG NAMAN

  3. hehehe… hnd ko kya un n aq maghawak ng password nia.. may tiwala nmn aq s knya

  4. hasus ๐Ÿ™‚ hmmmm love love love โ™ฅ nga talaga si bernardo o sya ganun talga …

    pero yung sa akin naman nuon eh hindi ko hiningi ang password nya kusa nyang binigay at kusa nyang pinagkatiwala sa akin ang fb nya ang kaso hindi ko rin pala kaya tulad mo kase pikon ako once na may mabasa akong hindi maganda as sistema special friend ko lang sya bakit nga ba ako magagalit daba?.. anyway… wala na rin naman sya sa buhay ko as in wala na kaming communication magmula ng hidwaan at saksi ka dun gurl … alam mo yang sikretong malupet na yan hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: