Imbak para sa jaime.. batch 93 ..

kUnG tLaGaNg OrAs mO nA….

Posted in Walang Uri with tags on Enero 13, 2011 by lhen8

Parang kailan lang nagdadalamhati ako sa pagkawala ng isang taong minahal ko ng apat na taon… (September6 year 2009).. Matapos ang isang taon… heto na naman ako nagdadalamhati at nakikiramay sa pagkawala ng mabuting kaibigan ..

hindi inaasahang magkikita kami muli mag kakaklase nung high school … labing walong taon na rin ang nakakalipas at muli kaming nagkita-kita…

Nakakalungkot nga lang isipin at sa paraang pagbisita namin sya masasaksihan na may lubhang karamdaman… Nagpapasalamat naman ako sa mga makabagong teknolohiya at sa madaling paraan kami nagkatagpo… Nagkatulungan kaming magbabarkada nuon na damayan at tulungan ang kaibigang nakikipaglaban sa malubhang karamdaman…

Salamat sa facebook at sa pamamagitan nuon … muli kong nakausap ang pinakamalapit kong kaibigan nung high school na si rommel..

sya rin ang unang nagbigay ng tulong pinansyal kay jaime ..dahil nsa abroad sya

sa pamamagitan nya nalaman kong humaharap na sa matinding karamdaman ang aming kaibigan na si JAIME… kaya naman dali dali kong hnagilap ang mga ilang malapit na kaibigan nya (sa FACEBOOK).. at dun nagsimulang mag usap kami ni allan … Sya ang masugid na naghagilap sa matagal na hindi nakikitang kaibigan…

(txt message)

ALLAN: Lhen punta tayo ngayon kay jaime

LHEN: Cenxa na now ko lng nabasa, may katesismo ako dito sa foundation .. sige mag c5 ako para baba ako ng bayan.

At nagkita – kita nga kami… unang pinuntahan si MARIO DANTES o sa tawag namin ATAN.. atska namin sinundo si MIKE

ALLAN     ATAN        JAIME          LHEN        MIKE

At dun nagsimula ang pag gawa ng pahina sa FACEBOOK para mas maraming makaalam sa kalagayan ng aming kaibigan .. naisipan ni allan na pagawain ako ng pahina para kung may gustong tumulong kay jaime sa kanyang pag papachemo.. at hindi kami nabigo may 3 tumugon sa aming kahilingan … (maraming salamat kay ROMMEL.., SHIRLEY .., AT IMELDA ..pAgpalain kayo ng diyos) +

Isa sa mga matalik na kaibigan ni JAIME si ALLAN ang syang tanging nakasama ko sa mula unang dalaw sa bahay … maging pagbisita sa hospital

UST hospital

sa simula pa lamang sya na nakasama ko … ang nangulit at masugit na hagilapin  ang kaibigan … bakas sa mukha ni allan ang pag aalala  … kaya kahit abala ito … hindi nagdalawang isip na magbisita dito… sa larawan na yan… yan ang araw na ibinigay namin sa aming kaibigan ang tulong pinansyal na inabot ng isang malapit kay jaime na si rommel at sinundan ito ng malaking halaga na bigay ni shirley at ni imelda….(mga ka batchmate)

Ngunit dumating ang takdang panahon ng kinakatakutan ni allan ang lumisan ang kaibigan… na hanggang kamatayan… nandun sya sa tabi ni JAIME…..

Sa aming paghihintay sa abo ng aming kaibigan … napag usapan namin ni ALLAN ang kamatayan….

Lhen: Matagal din pala mailabas ang abo nya… saan kaya ilalagay ang kanyang abo?.. basta ako ‘lan kung mamamatay ako, prang gusto ko na rin i- cremate ,, kaysa ilibign… at yung abo ko gusto ko isama sya sa lupa ng halamang bonsai… tutal maliit akong tao para buhay pa rin ako sa pamilya ko …

Allan : Ano kaya pakiramdam ng ganun noh?.. sinusunog?..masakit kaya yun?.. hindi ba pede, katawan lang sunugin itira yung ulo… ?…

Lhen: Sira!! patay na nga mararamdaman pa kaya yun?… baliw!!!

Theresa: (isa sa mga ka batch namin ) Ano ba yang pinag- uusapan nyo?..

…………… Ganun na nga ang kawirduhang napagkwentuhan habang inaantay ang abo ng kaibigan…

……………Sa pagninilay nilay ko …. nasasabi ko sa sarili ko na hindi talga natin masabi kung kelan ang takdang panahon natin… ang takdang oras kung kelan lilisanin ang mundo..

………….. Pero sa totoong buhay naman darating at darating din ang takdang panahon para sa atin… kung kelan?.. paano , saan at anong  klase at paraan tayo mamama alam sa mundong ginagalawan… wala makakapagsabi tanging Diyos  na lamang ang nakakaalam…

………….  kaya dapat lamang laging handa… gumawa at mag-isip lagi ng tama para sa pagdating ng TAKDAng PANAHON … maluwag , payapa at matanggap ng ating mga mahal sa buhay na iiwan… kung sakaling dumating na sa atin ang ORAS na iyon…

Advertisements